Amy Point of View
2 months na ang nakalipas mula nung itanong ko kay Ella kung may boyfriend sya.
Aminado naman akong nasaktan ako sa sinabi nya dahil ang totoo ay . . .
May gusto ako sa kanya or should i say mahal ko na sya, dati pa kaso takot akong umamin.
Ang totoo kasi nyan ay isa akong 'Bi' parang sila Aly at Bea, kay Dean naman ay hindi ako sure kung 'Bi' rin sya.
Hindi rin alam nila Aly or iba ko oang teammates na 'Bi' ako, dahil ang paniniwala nila ay tunay na babae ako.
Andito ako sa mall ngayon dahil bibili ako ng mga wattpad books, habang naglalakad ako papasok sa loob ng book store ay biglang may nakabangga sakin.
"Sorry Miss." Tumango lang ako at pinagpatuloy na ang pagpasok sa book store.
Dumeretso ako sa section ng mga wattpad books dahil andun yung gusto kong bilin na book, nang makita ko iyon ay agad kong kinuha.
'The Mafia Husband and The Assassin Wife'
Mahilig kasi ako sa mga Romantic na may kasamang action kaya gustong-gusto ko 'tong book na'to.
Tumingin-tingin pa'ko ng iba't-ibang story na romantic at action pero wala akong nakita na kasing ganda ng 'The Mafia Husband and The Assassin Wife'.
Sunod ko naman na pinuntahan ay yung section ballpen, ubos na kasi yung tinta ng ballpen ko eh.😂
Matapos kong kumuha ng tatlong ballpen pumunta na'ko sa counter habang dala-dala ko 'tong book at ballpen ko.
Mabilis akong nakapag-bayad dahil wala naman pila, lumabas na'ko ng store at naglakad-lakad muna.
Wala kasi akong class ngayon kaya bored tas may kanya-kanya rin na lakad yung iba kong teammates kaya halos walang tao sa dorm.
Pumasok ako sa isang coffee shop pero sa hindi inaasahan ay nakita ko si Ella na nakaupo sa dulo habang may kasamang lalaki, sa tingin ko ay koreano yung lalaki.
Lalabas na sana ako ulit ng coffee shop pero parang ang sama sakin ni Lord.
Natapunan lang naman po ako ng coffee . . .
"Sorry Miss." Sabi nung girl na nakatapon sakin.
"Sorry talaga." Tumingin naman ako sa direksyon ni Ella at tama ako dahil nakatingin sya samin nung babae.
"Okay lang Miss, sasusunod mag-iingat ka." Sabi ko.
"Sorry talaga, gusto mo bang ibili nalang kita ng bagong t-shirt?" Tanong nito.
"Wag na, okay lang." Sabi ko.
"Uy Amy! Anong nangyari?" Tanong ni Ella at nilapitan ako.
"Miss ikaw ba ang kasama nya? Natapunan ko kasi ng Coffee yung suot nya." Paliwanag nung babae kay Ella.
"Sasusunod kasi mag-ingat ka." Masungit na sabi ni Ella liit.
"Sorry." Sabi nung babae at yumuko.
"It's okay." Sabi ko.
Inalalayan na rin ako ni Ella pa paupo sa isang upuan, malapit sa pinto.
"Okay ka lang ba?" Halatang nag-aalala sya.
"Oo." Cold kong sagot.
"Aish! Hindi kasi nag-iingat yung babaeng yun eh." Masungit na sabi ni Ella liit.
"Hayaan mo sya, walang may kasalanan." Cold kong sabi.
"Ano? Okay lang sayo na natapunan ka ng Coffee?" Masungit nyang tanong.
BINABASA MO ANG
Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018
FanfictionRead at your own Risk! Warning: Plagiarism is a crime.