Chapter 11

518 18 0
                                    

Ponggay Point of View

Andito kami ngayon nila ate Ly, ate Denden, at ate Tey sa Airport dahil ngayon na ang alis ni James at Ej.

Dapat nga hindi ako kasama sa pag-hatid kila James at Ej kaso hinila ako ni ate Denden at ate Ly, kaya wala na kong nagawa kundi magpahila.

Maya't-maya tinawag na rin yung Flight nila James at Ej.

"Pa'no ba yan Tey, tinatawag na yung Flight namin, kailangan na namin umalis." Sabi ni James.

"Mag-iingat ka James at Ej." Sabi ni ate Tey.

"Salamat pala sayo Tey." Sabi ni James kay ate Tey.

"Welcome." Sabay ngiti ni ate Tey.

Nakita ko naman na siniko ni Ej si James. Hmmm . . . bakit kaya?

Tumingin naman sakin James na parang naiilang.

"Ahmm . . . Ponggay . . . can i hug you?" Nabigla naman ako sa tanong nito.

"O-of c-course." Ano kayang balak nito?

Lumapit naman ito sakin dahan-dahan at niyakap ako ng buong puso. Charot!😂

"Sorry." Nagulat naman ako sinabi nito.

"Yan lang ang magagawa ko sa dinulot kong sakit sayo 2 years ago, naduwag kasi ako kaya hindi kita naipaglaban." Malungkot nitong sabi habang nakayakap sakin.

"Kalimutan muna yun James, matagal na kitang pinatawad." Sabi ko habang magka-yakap parin kami.

Luh? Baka magselos si Ej.

Bibitaw na sana ako pero mas lalo nyang hinigpitan yung yakap nya sakin.

"Wag kang mag-alala, hindi magseselos si Ej." Yung totoo? Nakakabasa ba 'toh ng isip?

"So okay na tayo?" Ramdam ko na masaya sya ngayon.

"Oo." Sagot ko.

"So are we friends again?" Masaya nitong tanong.

"Yeah." Kumalas na rin sya sa pagkakayakap sakin kaya nakita ko na ang mukha nya.

Ngayon ko na lang ulit nakita ang buong mukha nya, medyo nagbago na pala. Ngayon ko lang din napansin na medyo mahaba na pala yung buhok nya, at kung dati ay gusto nya na walang balbas, ngayon ay may balbas na sya.

Nakita ko naman si Ej na nakatingin samin habang nakangiti kaya nginitian ko rin ito pabalik.

"Salamat, Pongs." Masayang sabi ni James.

"Oh sya! Pumasok na kayo, baka maiwanan pa kayo ng eroplano." Sabi ko at tumawa.

"Salamat talaga Pongs." Sabi ni James ulit.

"Oo na." Sabi ko.

"Cge. Ly, Denden, Tey, at Pongs aalis na'ko." Paalam ni James.

"Mag-iingat kayo." Sabi ni ate Ly.

"Ingat." Simpleng sabi ni ate Denden.

Ngumiti muna si James bago nya hinila papasok si Ej ng Airport. Nagsimula na kami maglakad papunta sa kanya-kanya naming kotse, kasabay ko maglakad si ate Ly habang si ate Den ay kasabay maglakad si ate Tey. Nauuna samin maglakad si ate Tey at ate Denden, habang kaming dalawa ni ate Ly ay nasa likod nila.

"Hindi pa rin kayo nagkakabati?" Tanong ni ate Ly habang naglalakad kami.

"Hindi pa rin po." Alam ko naman si ate Tey ang tinutukoy nya eh.

"Bakit hindi mo sya kausapin?" Tanong ni ate Ly at patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"I don't know." Tipid kong sagot.

Bigla naman tumunog yung cellphone ko kaya lumayo ako ng unti kay ate Ly, kinuha ko na sa bulsa ko yung Phone ko at tinignan muna kung sino ang tumatawag bago ko sinagot.

*Calling Mommy*

"Hello."

"Hi anak, how are you?"

"I'm fine, Mom."

"Good. So balita ko dito daw tumira si James at yung girlfriend nya."

"Yeah, Mom. Mahal din kasi kapag naghotel pa sila, kaya nag-offer si ate Tey tutal wala naman kayo."

"Ah okay. Nga pala sweetheart kakauwi lang namin galing business trip, gusto sana ng Dad mo dito kayo mag-dinner at matulog."

"Cge Mommy, pero kayo na lang ang magsabi kay ate Tey."

"So wala kang training bukas?"

"Meron po, maaga nalang akong aalis."

"Thank you sweetheart, cge ako na ang magsasabi sa ate Tey mo."

"Bye Mom."

*Calling Ended*

Binulsan ko na ulit yung Cellphone ko at lumapit na kay ate Ly.

"Ate Ly." Tumingin naman ito sakin habang nakangiti.

"Why?" Sabay ngiti ng malapad.

"Papaalam po sana ko." Sabi ko.

"Saan?" Takang tanong nito.

"Kakauwi lang kasi nila Mom at Dad, galing business trip. Gusto kasi ni Dad na makabonding kami ni ate Tey kaya papaalam sana ako kung pwede akong dun matulog kila Mom?" Paliwanag ko.

"Sure pero kailangan umattend ka ng training." Sabi ni ate Ly.

"Opo, mauuna na'ko." Sabi ko.

"Cge, mag-ingat ka." Ngumiti lang ako kay ate Ly.

Yeheyy! Ang bait talaga ni ate Ly.😂
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Deanna Point of View

Ako lang mag-isa rito sa dorm dahil lahat ng teammates ko ay may kanya-kanyang lakad. Naiinggit nga ako eh, hindi kasi ako friendly kaya wala akong barkada at tanging mga teammates ko lang ang mga kaibigan ko.

Kanina pa'ko mukhang tanga rito sa Sala dahil palakad-lakad ako, bigla naman dumating si Ponggay kaya naupo na'ko sa Sofa.

"Hi Dean." Sabay ngiti nya.

"Hi, naihatid nyo na si James?" Tanong ko.

"Oo." Naupo ito sa tabi ko.

"Ikaw lang ang mag-isa rito kanina?" Tanong nya.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Wala naman, nga pala ikaw lang mag-isa mamaya sa kwarto natin dahil hindi ako dito matutulog." Sabi nya.

"San ka matutulog?" Tanong ko.

"Kila Mom, kakarating lang kasi nila galing business trip kaya gusto nilang makabonding kami ni ate Tey." Sabi nya.

"Ayos naba kayo ng ate mo?" Tanong ko.

"Wala pa din imikan." Malungkot nyang saad.

"Okay. Nga pala pwede bang bukas kana lang umuwi sa inyo?" Tanong ko.

"Huh? Bakit naman?" Takang tanong nya.

"Wala." Sambit ko.

"Ah huh! Alam ko na, natatakot ka mag-isa noh!" Sabi nya.

"hindi ah." Deny ko.

"Weh? Takot ka lang mag-isa dahil feeling mo may multo." Alam nya kasing takot ako sa multo.

"Hindi kaya." Deny ko ulit.

"Bahala ka, may multo dyan." Sabi nito at tumakbo na paakyat.

May pagkabaliw talaga yung babaeng yun!😂

★End of Chapter★

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon