Deanna Point of View
Mabilis dumaan ang oras, araw, at taon ay natapos na rin ang season 77, 78, 79, 80 at 81 kaya wala na sila ate Ells, ate Denden, ate Aly, ate Kim, ate Jia, Therese, at ate Amy pati na rin ang Jhobea.
Ngayon kami naman dalawa ni Ponggay ang mawawala kasama si Dani at Jules dahil ga-graduate na kami kaya tapos na ang contract namin sa UAAP.
Dumaan ang limang taon ay naging masaya ang relasyon namin ni Ponggay, minsan may selos na nagaganap pero pinag-uusapan namin agad kaya hindi natutuloy sa hiwalayan.
Mahal na mahal ko si Ponggay kaya gagawin ko ang lahat para maitali sya sakin at maitali nya rin ako.
Speaking of Alyden pala ay kasal na sila nung nakaraan na taon lang, sa america sila nagpakasal dahil doon legal ang same sex marriage hindi katulad dito sa Philippines.
Speaking of Amells ay kasal na din katulad nila ate Aly at ate Denden, sa new york naman kinasal ang Amells dahil yun ang gusto ni Donya at ganon din si ate Amy.
Speaking of ate Jho ay kasal na din sila ni Nico, yung boyfriend nyang golf player, actually kakakasal lang nila ngayong taon.
Speaking of ate Beadel naman ay may balak nang pakasalan si Kian, akala nga namin ang Jhobea ang magkakatuluyan yun pala AKALA lang namin.
Speaking of Therese pala ay kasal na rin sila nung boyfriend nya na si Rex at may pamilya na din sila, kasalukuyan silang nakatira sa america.
Si ate Kim at ate Jia naman ay may kanya-kanya nang pamilya, naunahan pa nga ang alyden eh.
At ako? Ito engage na kami ni Ponggay nung nakaraang linggo lang pero yung tungkol sa kasal ay pagtapos nang graduation namin yun aayusin dahil kailangan grumaduate muna kami.
Masaya nga ang mga pamilya namin dahil ikakasal na daw si Ponggay at ako, gustong-gusto kasi nang pamilya namin na kami ang magkatuluyan ni Ponggay.
*
*
*
*
*
Kakatapos lang nang graduation namin at nandito kami ngayon sa isang resto nila Dani, Jules, at Ponggay."Diba engaged na kayo? San nyo balak magpakasal?" Tanong ni Jules habang kinakagat yung chicken.
"Gusto ni Daddy sa America." Sambit ni Ponggay.
Yun kasi ang request nang daddy ni Ponggay samin kaya sumang-ayon nalang ako dahil gusto ko rin naman dun.
"Sigurado naba kayo?" Tanong ni Dani.
"Oo naman, bakit?" Tanong ni Ponggay.
"Kakagraduate palang natin baka magbago pa isip nyo." Saad ni Dani.
Hinawakan ko ang kamay ni Ponggay na nasa ilalim ng mesa. "Siguradong-sigurado kami." Saad ko.
Sigurado ako dahil si Ponggay lang ang mahal ko at sya lang dapat ang maging ina nang aking mga magiging Anak.
*
*
*
*
*
Nandito kami ngayon ni Ponggay sa condo nang ate nya or should i say condo nya na.Nung umalis kasi si Therese ay binigay nya na kay Ponggay yung condo nya dahil sayang naman kung ibebenta nya daw.
"Babe tumawag naba si Mama?" Tanong nito.
"Hindi pa babe, baka kinakausap pa yung wedding planner natin." Saad ko.
Si tita at mama kasi ang nag-aayos nang wedding namin habang si dad at tito naman sila yung nag-aayos nang ticket namin papunta sa america at inaayos na rin nila yung ticket nung mga bisita namin sa wedding.
Bali wala kaming gagastusin dahil sila Mama na daw ang bahala basta mag-relax lang daw kami.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Alyssa Point of ViewHabang nagf-fb ako ay biglang sumigaw si Denden kaya nagmadali akong pumasok sa kwarto. "Anong nangyari Denden?" Nag-aalala kong tanong.
Tinuro nya naman yung cellphone nya kaya tinignan ko iyon, nakita ko ang picture nila Ponggay at Deanna. "Anong meron dyan?"
Bigla naman akong binatukan nito. "Gaga! Ikakasal na ang WONGPONG!" Tili nya.
Tinignan ko ulit at tama nga si Denden dahil nakapost sa FB.
Salamat naman at sila yung nakatuluyan.
€ΠD ØF ¢H∆₱†€R.
BINABASA MO ANG
Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018
FanfictionRead at your own Risk! Warning: Plagiarism is a crime.