Special Chapter

728 20 1
                                    

Deanna Point of View

Apat na taon na akong kasal kay Ponggay at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagsasawa sa isa't-isa.

Kung paano kami mag-lambingan nung collage ay hanggang ngayon ganun pa din.

Sa loob nang apat na taon ay lalong lumevel ang pagiging possessive ni Ponggay, halos lahat ata ng babaeng kakausapin sakin ay tatarayan nya pwera lang sa teammates namin dati at sa pamilya ko.

Hindi naman ako nagagalit dahil possessive sya, lalo pa nga akong natutuwa at lalo ko pa syang minamahal.

Sa loob ng apat na taon ay wala pa rin kaming anak ni Ponggay, gusto ko na nga para may makulit naman dito sa bahay.

Nabalik ako sa realidad ng tumunog yung cellphone ko, senyales na may tumatawag.

*Calling Ponggay myloves*

"Hello."

"Hi baby." Bati ni Ponggay. Nasa office pa kasi sya habang ako ay nasa bahay lang, wala kasi akong pasok, day off ko.

"Pauwi kana baby?"

"Opo, alam kong nakapout ka kahit hindi kita nakikita." Sabi sa kabilang linya. Napangiti naman ako, kilala nya talaga ako.

"Bilisan mo umuwi ah."

"Oo, may gusto kabang ipabili?" Tanong sa kabilang linya.

"Gusto kong umuwi kana baby, miss na kita."

"Cge, babye." Huling sabi sa kabilang linya.

*Calling Ended*

Nilapag ko na yung cellphone ko sa center table at pumunta na ng kusina. Kailangan ko na kasi magluto dahil alam kong gutom na yun si Ponggay myloves, tsaka magga-gabi na rin.

Matapos kong magluto, saktong may nagdoor bell kaya nilapag ko na yung ulam sa lamesa at tinanggal muna ang apron bago pumunta sa main door.

Akala ko si Ponggay pero sila ate Ly pala . . este lahat pala ng teammates ko. "Anong ginagawa nyo rito mga ate?"

Bago nila ako sinagot ay pumasok muna silang lahat at naupo sa couch kaya nung makapasok na silang lahat ay sinarado ko na yung pinto atsaka sumunod sa kanila.

Naupo ako sa tabi ni ate Ella. "Ano nga pong ulit ginagawa nyo rito?"

Tinaas naman ni ate Bei ang hawak nyang plastic. "Inuman!"

May tinaas naman si ate Aly. "Pulutan!"

"Nasan si Ponggay?" Tanong ni ate Therese.

"Workie . . workie pa sya!" Sagot ko.

"Wala ba kayong food?" Napatingin kaming lahat kay ate Ella.

"Seriously Ella?" Tanong ni ate Denden.

"Diba babe kumain tayo kanina bago umalis, bakit gutom kapa rin?" Tanong ni ate Amy.

"Ang takaw mo talaga ate Ella." Sabi ni Dani.

"Grrrr! Nagugutom ako." Nanggigigil na sabi ni ate Ells.

"Wong may food kabang niluto?" Tanong ni Ana.

"Oo, bakit?" Biglang tumayo si ate Ells.

"San ka pupunta babe?" Tanong ni ate Amy kay ate Ells.

"Kakain, nga pala Wong san nakalagay yung food?" Tanong nya.

Mabilis akong tumayo. "Hindi mo pwedeng kainin yun! Para kay Ponggay yun." Saad ko.

Nagpout naman si ate Ells. "Penge lang Wong."

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon