Deanna Point of View
Nagising ako ng maramdaman kong may nakadagan sakin na malaking tao.
"Dean gising na!" Sino ba 'toh?
Dahan-dahan kong minulat yung mata ko at nakita ko si Ponggay na nakadagan sakin habang nakataas pa ang dalawang paa.
"Gising na!" Sabay yugyog nya.
"5 minutes pa Pongs." Sabi ko in husky tone.
"5:45AM na po at 7:00AM ang training natin." Sabi nya.
Hindi ko naman ito pinansin.
"Bahala ka dyan!" Naramdaman ko nalang na umalis na sya sa ibabaw ko at narinig kong bumukas at sara yung pinto.
Paktay! Mukhang nabadtrip.
Dahan-dahan akong tumayo atsaka binuksan ang mata, kinuha ko yung phone ko sa side table at tinignan ang oras.
5:55AM na pala, yari! Kinuha ko muna yung towel ko bago ako pumasok sa CR.
After 5 minutes natapos na rin ako maligo at magbihis kaya kinuha ko na yung gym bag ko at lumabas na.
Nadatnan ko silang lahat sa Dining Area na nagbe-breakfast.
"Goodmorning Dean!" Bati nila ate Aly at ate Denden.
"Morning baby Dean!" Bati ni ate Ells habang lumalamon.
Ang hard ko noh!😂
"Baby mo mukha mo." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Ponggay.
"Che!" Taray ni Donya.😂
Kumuha lang ako ng fried rice at tatlong hotdog.
"Dean okay ka lang?" Tanong ni ate Ly.
"Opo, bakit nyo natanong?" Takang tanong ko.
"Himala! Dati unti ka lang kumain pero ngayon matakaw kana." Sabi ni ate Denden.
"Mana sakin yan eh!" Singit ni ate Ells.
"Tao po ako, hindi ako Minion." Asar ko.
Sinamaan naman ako ng tingin ni ate Ells habang ako ay nakangiti lang ng pang-asar.
Napatingin naman ako kay Pongs na tahimik lang kumakain sa tabi ko.
Gosh! Mukhang nabadtrip nga.😔
Matapos namin lahat kumain ay sabay-sabay na rin kaming pumunta ng BEG, lahat sila ay dinala nila ang kotse nila, samantala ako ay naglalakad.
Parang exercise na din, sinasabay nga ako kanina nila ate Ly pero tumanggi ako dahil ayoko naman makaistorbo sa landian time nila or should i say harutan time.
Halos 10 minutes din ako naglakad kaya 6:45AM na'ko nakarating sa BEG, nakita ko yung iba sa bleacher at yung iba naman ay naglalaro sa gitna.
Pumunta ako kila ate Ells dahil andun si Ponggay.
"Oh Dean, bakit ang tagal mo?" Tanong ni ate Ells.
"Naglakad lang po kasi ako." Saad ko.
"Huh? Ang yaman-yaman mo tas naglalakad ka lang." Natatawang sabi ni ate Ells.
"Hindi po kasi ako matakaw." Akmang hahampasin ako nito pero mabilis akong nagsalita.
"Hindi po ako matakaw sa gas." Sabi ko at nginitian ito.
"Akala ko mang-aasar kana naman eh." Sabi nya at umupo sa tabi ni Pongs.
"Hi Pongs." Umupo rin ako sa tabi nya.
Hindi naman ito nagsalita at nanatiling nakatingin sa cellphone nya.
"Pongs."
Hindi nanaman ito umimik . . .
"Pongs!"
Tumingin lang ito saglit sakin at binalik na ulit ang tingin nya sa Cellphone nya.
"Guys warm up na!!" Sigaw ni ate Ly.
Siguro mamaya ko na lang sya susuyuin . . .
Tumayo na ako at pumunta sa dulo.
Bigla naman pumunta sa harap ko si ate Jia.
"Ako muna ang partner mo." Tumango nalang ako.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Ponggay Point of ViewKakatapos lang ng training namin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinikibo si Dean . . .
Kakabadtrip kasi sya kanina eh, ang hirap gisingin.
"Pongs." Ayan nanaman sya.
"Pongs." Ang kulit nya talaga.
"Hyst shower muna ako." Naramdaman ko nalang na umalis na sya.
Maya-maya nalang ako magsha-shower dahil mamayang 1:00PM pa naman ang class ko at 11:00AM pa lang.
"Pongs." Napatingin ako gawi ng tumawag sakin, nakita ko si ate Ly na nagpupunas ng buhok.
"Hindi kapa magsha-shower?" Tanong nya.
"Hindi pa po, mamaya pa naman ang class ko." Sambit ko.
"Cge, mauuna na'ko." Tumango lang ako.
Pagkaalis ni ate Ly saktong lumabas ng shower room si Dean, nakabihis na sya ng uniform at sa palagay ko ay didiretso na sya sa school.
Lumapit naman ito sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Pongs sorry na." Sabi nya.
"Uy, sorry na." Sabi nya ulit.
"Fine." Sabay bumuntong hininga.
"Bati na tayo?" Kita ko sa mata nya ang saya.
"Kabadtrip ka kasi eh, kanina pa kita ginigising pero ayaw mong gumising." Sabi ko sabay pout.
"Whaaa! Ang cute mo." Sabay kurot nya sa pisngi ko.
"Ouch mashaket." Buti naman at binitawan nya na.
"Sorry, ang cute mo kasi eh." Sabay piece sign nya.
"Bolera." Sabi sabay hampas sa kanya.
"Hindi kapa ba papasok?" Tanong ko.
"Papasok na pero gusto ko munang magbati tayo bago ako pumasok." Ang sweet nya talaga.😍
"Ayiee. Cge na pumasok kana." Sabi ko habang tinutulak-tulak sya.
"Bye, ingat ka!" Sabi ko habang tinatanaw sya palabas ng BEG.
Pag-alis nya kinuha ko na yung gym bag ko at pumunta na sa shower room, nadatnan ko dun si Ana na nagsusuklay.
"Oh Pongs, akala ko nakapag-shower kana." Sabi nya habang nagsusuklay.
"Magsha-shower pa lang."
Sabi ko at pumasok na sa isang cubicle at nagsimula mag-shower.
Habang nagsasabon ako . . .
"Ponggay mauna na'ko." Rinig kong sabi ni Ana.
"Ingat." Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagsasabon.
♣End of Chapter♣
BINABASA MO ANG
Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018
FanfictionRead at your own Risk! Warning: Plagiarism is a crime.