09

687 22 1
                                    

Lei POV.

Pagkatapos ng iksena namin kanina ni Zake ay agad akong dumeretso sa banyo para maligo wala daw kasing nangyare samin kagabi.

Disappointed naman akis. Aroot

Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong nagayos ng sarili ko para pumasok sa school.

Nasan na ba yung si Zake kanina pa ko naghihintay dito.

Lumabas na ko ng Pad para mahanap siya. Siguro iniwan na ko nung casanova na yun pag Nakita ko talaga yun sa school patay sakin iwan ba naman ako parang walang kasama sa condo unit niya huh.

Magtataxi nalang ako kaysa magaksaya ng pagod kakahanap sa gunggung na yun.

Magpapara na sana ako ng taxi ng biglang may huminto na kotse sa harap ko.

ano namang ganap ng isang to?

Biglang namang lumabas yung gunggung na may are.

"Oh?? Hindi kaba sasakay..? "
Tanong niya .

"Sasakay. Akala ko lang kasi iniwan mo na ako magtataxi nalang sana ako".

"Gagawin ko ba yun.. ".tapos lumapit siya sakin as in sobrang lapet mge bess. "Eh girlfriend kita ".sabi niya sabay kindat.

Tapos binuksan na niya yung pinto ng passenger agad naman akong pumasok pero lutang parin ako dahil sa kindat na yon. Omyged!!!!

*******

AT SCHOOL.

Sabay kaming pumasok ni Zake sa room. Wala pa namang teacher kaya siya ayun Naggegames habang naka headphone .Sosyalin si kuya diba.

Ako naman ito nag nagbabasa ng libro kasi matino naman akong bata hindi tulad niya.

"Totoo ba yung sinasabi mo diyan girl?".

"Oo nga nakita ko sila. Papunta doon sa unit ni Zake ".

"O My Ghad, Model student pa naman siya dito sa school tapos ganyan pala siya may tinatagong kati sa katawan ".

Napahinto ako sa pagbabasa at napatingin sa mga kaklase kong naguusap ngayon.

Nakita ko naman na napatingin din sila sakin kaya agad silang nagiwas ng tingin.

Ako ba yung pinaguusapan nila?

"Wag mo nalang pansinin ...mga inggit lang yan ".

Napatingin naman ako dito sa katabi ko.

Akala ko ba nakaheadphone to bat pati siya narinig rin yung pinagusapan ng kaklase namin.

"Kung nagtataka ka kung bakit ko narinig wala talagang nakasalang na kanta kaya narinig ko ".

"Wala naman palang tugtog bakit nakalagay diyan sa tenga mo? ".

"Bakit trip ko e paki mo ba? ".

Oh bat galit siya? Kanina lang ganda ng gising niya tapos ngayon naman galit Tinatanong ko lang naman.

yung totoo meron ba siya ngayon?.

Tumahimik naman ako kaya hindi narin siya nagsalita. Alam ko namang susungitan nanaman niya ko kapag nagsalita pa ko.

HEARTACHE  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon