Lei POV *
Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung magkaaminan kami ni Zake at ng namatay si tita ang mommy ni Zake at hindi ko pa pala nasasabi kung anong buhay ko ngayon kila mama at ate. Ewan ko din kung nagkikita pa si ate saka si mama. Sa susunod kung may pagkakataon dadalawin ko silang dalawa.
Nandito ako ngayon sa room namin at nagtuturo yung lecturer namin ngayon. Medyo naiinis din ako dahil sa katabi ko. Bwiset talaga tong si Zake kanina pa napapansin ng teacher namin na impit akong natatawa dahil kinikiliti ako ni Zake. Minsan nga hahawakan niya pa yung legs ko kaya minsan napapatingin samin yung nasa likod namin.
Binabalaan ko nga siya na mamaya siya sakin e. Pero tanging tawa lang yung sinasagot niya.
Nagbell na at lunch na sabi ni zake umuwi nalang daw kami para daw ipagluto niya ako mabilis naman daw kami kaya daw makakabalik kami bago magtime.
Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko ay hinawakan niya na ang kamay ko sa loob ng ilang buwan ay naging mas sweet sakin si Zake pero minsan may kausap siya sa cellphone kapag tinatanong ko namn kung sino yung tumatawag sinasabi niya classmate lang daw niya nakakalimutan niya yatang magkaklase lang kami diba kaya nakakapagtaka din pero kahit ganon may tiwala naman ako sa kanya.
"Let's go. "
Yaya niya sakin papuntang parkinglot dahil doon nakaparada yung kotse niya.
Habang nasa byahe pinagkwekwentuhan namin ni Zake yung kaninang ginagawa niya sakin pinapagalitan ko siya na parang ako yung nanay niua pero tawa lang siya ng tawa habang nakatingin ng deretso sa daan .
"Lei wag mo namang paluin yung balikat ko hahaaha baka mabangga tayo.. bahala ka mawawalan ka ng gwapong boyfriend heheh. "
"Che! Sinong gwapong boyfriend ka diyan. "
Dumaan muna kami ni Zake ng Grocery store para makapamili ng kailangan sa lulutuin niya. Ako naman ito pumipili ng ice cream malapit dito sa counter habang si Zake naman ay nandoon namimili ng pangluto sa pasta sabi niya pasta nalang daw yung lulutuin niya nakakabusog naman daw kasi .
Nang makita ko na yung gusto kong flavor kukunin ko na sana yun kaso biglang may kamay na humawak don napatingin naman ako kung sino yun. Nagulat ako kasi si Cheska to yung nagsabay sakin na magandang babae.
"Ow.. Lei it's that you? ".
"Yeah. "Maikling sagot ko maganda parin siya kahit ilang buwan na kaming hindi nagkita.
"Wait.. kukunin mo ba tong ice cream na Mocha flavor? ".
"Oo.. sana pero sayo nalang meron pa naman dito e. "Sabay kuha ko ng isa pa at ipinakita sa kanya.
"Oo nga ano.. favourite mo din pala ang mocha. "
"Amh.. oo saka yung Caramel din.. teka may kasama kaba? "tanong ko sa kanya.
"Wala nga e.... ikaw ba meron? ".
"Oo kasama ko yung boyfriend ko "
"Ows.. do you have a boyfriend pala. "
tumango lang ako sa kanya at tatanungin ko pa sana siya nang makita ko na si Zake na papadating nasa likod siya kay Cheska kaya bahag akong tumanaw sa kanya at kumaway nakita ko naman siya kumiti at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sakin. Huminto siya at inakbayan ako nakita niya din si Cheska kaso ito namang isa nakayuko kasi pumuli pa pala ng ice cream.
"Sino siya? ".
Tanong ni Zake saka kumagat sa ice cream na hawak ko.
"Ahhh... wait papakilala kita sa kanya... ahh Cheska? ".
Nagangat naman siya ng tingin sakin at ewan ko kung nagulat ba o ano. Nakatitig lang siya kay Zake tumingin naman ako Zake at halata rin ang gulat sa muka niya magkakilala ba silang dalawa edi mas madali.
"Magkakilala kayo Babe? ".Tanong ko kay Zake kasi parang kilala niya talaga si Cheska.
"Yes... we know each other Lei. "Hindi si Zake yung sumagot kundi si Cheska.
"Talaga?.. Kung ganon pano kayo nagakakilala?.. "masayang tanong ko sa kanilang dalawa .
Pero walang nagsalita sa kanilang dalawa.Ay tameme si ate saka si kuya.
"Tara na Lei...Magluluto pa ako. "Ewan ko pero parang galit si Zake sa tono niyang magsalita. Tumingin naman ako kay Cheska pero nakayuko parin siya at parang malungkot.
"Mauna na kami Cheska.. medyo ano kasi.. medyo Wala sa mood si Zake.. "
Naglakad na kami papuntang parkinglot.pagkasakay namin wala ng nagsalita hindi narin ako umimik dahil alam kong wala siya sa mood ngayon may topak kasi e.
Pagkadating namin sa condo ni Zake dahil nga curious ako kung pano sila nagkakilala tinanong ko si Zake.
"Zake.. pano nga pala kayo nagkakilala ni Cheska? ".
Tanong ko pero nagiwas lang siya ng tingin sakin. At dumeretso na siya sa kusina.
"Kaklase ko siya sa dati kong school. "
"Talaga. Ang liit talaga ng mundo..close ba kayo?.. kasi kanina parang close talaga kayo nagulat pa nga si Cheska kasi nakita ka niy---."
"PWEDE BA LEI ITIKOM MO NA NGA YANG BIBIG MO !SINAGOT NA KITA KANINA DIBA KAKLASE KO LANG SIYA ANO PA BANG PINUPUTUK NIYANG BUCHI MO HA!!".
Natahimik nalang ako sa pagsigaw ni Zake sakin. Muka akong tanga kasi kusang tumulo yung luha ko masigawan ka ba naman first time kaya to. Kahit si mama hindi nasisigawan ng ganto kalakas nasasaktan ako kasi yung taong mahal mo pa yung sumigaw sayo.Napayuko nalang ako dahil hindi ko na napihilan yung luha ko.
"S-sorry... "
Yan lang yung nasabi ko tapos tumakbo na ako sa kwarto at nagkulong. Humiga nalang ako at niyakap ang ang isang unan dito. Gusto ko lang naman malaman kung pano sila nagkakilala o malapit ba sila sa isa't -isa.
Umiyak lang ako ng umiyak Hanggang sa makatulog ako.
Pagkagising ko kinapa ko si Zake sa tabi ko pero wala siya. San naman kaya Nagpunta yun hindi niya man lang ako sinundan dito sa kwarto para mag sorry. Ang sama naman ng ugali niya.
Bumangon ako para tignan yung oras 1:53 na siguro pumasok pa si Zake kaya wala siya dito hindi naman na ako aabot kung papasok pa ako. Lumabas ako ng kwarto tapos nakita ko sa lamesa yung niluto ni Zake at may sulat don.
~
Lei. Sorry kung nasigawan kita hindi ko sinasadya babe plss forgive me,i love youZake.
Tapos ngayon magsosorry siya matapos niya aking sigawan. Abno kasi siya.
SEE YOU TO THE NEXT UPDATE*
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...