11

618 21 2
                                    

Lei Pov.

Maaga akong nagising kaninang umaga para makasakay ng mabaga ng taxi dahil ayoko namang istorbohin si Zake baka natutulog pa sa kanila.

Pero ganon nalang yubg dismaya ko dahil nung pumasok ako sa room ay nandoon na siya.

Hindi man lang niya ako dinaanan sa condo niya.

Agad akong umupo sa tabi niya .Naghihintay ako ng sasabihin niya pero.... WALA

Hanggang dumating yung recess. Kinakausap niya naman ako pero hindi niya nababanggit kung bakit hindi niya ako sinundo o kaya dapat nagtext siya ba nandito na siya.

Ugh! Bakit ba ako nalulungkot ng ganto?.

Hindi naman kami totoong mag -on. Kung makareact ako daig ko pa totoong girlfriend.

P.E namin ngayon kaya nandito kami ni Ella sa Locker para kunin yung P E uniform namin.

Pagkakuha namin ng damit agad kamung tumuloy sa Cr ng babae para makapagpalit.

Nasa kabilang cubicle si Ella nang may narinig kaming mga nagdatingan na studyante

Nung una wala akong paki sa kanila.
Hanggang sa narinig ko yung pangalan ni Zake.

"Ang swerte mo naman pala nakiss mo siya kagabe. "

"Syempre naman noh. Siya panga unang humalik sakin e ".

"Your so lucky girl isang Zake Rivera ang hinalikan ka. "

Nandito lang ako sa loob ng cubicle. Parang nanghina ako sa narinig ko.

Alam king narinig din yun ni Ella.
Ewan ko pero naramdaman ko nalang na may tumulong luha galing sa mata ko.

"Beshy?. Labas ka diyan wala na sila. "

Bago ako lumabas pinunasan ko muna yung luha ko at malalim na huminga.

Nakita ko si Ella na nakatingin sakin may alala sa mukha.

"Ayos ka lang Beshy? ".

Hindi.

"Oo naman bakit naman ako hindi magiging ok? ".

Pinilit kung ngumiti pero agad niya aking niyakap kaya naman. Tumulong muli yung luha ko.

"Shhh.. beshy alam kong nasasaktan ka sa narinig mo.. wag mo nalang silang pansinin saka.. umatras ka na diyan sa deal niyo ni Zake. "

Seryoso niyang sabi. Umiling ako.

"Hindi pwede beshy.. 5 days nalang yung natitira samin gusto kung masulit yun. "

"Pero kapag pinagpatuloy mo pa yan mas lalo kang mahuhulog sa kanya mas lalo karing masasaktan. "

Siguro nga kailangan ko ng itigil to. Tutal hindi naman malalaman ng mommy niya na hiwalay na kami.

Pinunasan ko yung muka ko at tumango.

"Siguro ka tama ka.. saka Hindi naman talaga ako mahal ni Zake isa lang tong malaking kasinungalingan ako lang yung totoong nagmamahal sa relasyon nato."

Sabi ko at agad na lumabas ng cr kasama si Ella.

Natapos yung P.E namin. Kinuha ko yung cellphone ko para itext si Zake para makausap siya.

Me.
Pwede ba tayong magusap after lunch?

Zake.
Oo naman. Kita tayo sa rooftop. :*

Natapos yung klase at lunch na.

Ito na to Lei kailangan mo nang tumigil sa kahibangan mo.

Lahat ng pinakita sayong magaganda ni Zake ay hindi lahat totoo. Dahil Fake girlfriend ka lang niya wala siyang nararamdaman para sayo.

Hindi siya katulad ng mga casanova sa wattpad na mapapatino ng karelasyon niya. Totoong mundo to Lei. Totoong mundo.

Naglakad na ako papunta sa rooftop. Nandito na ako pinto papuntang rooftop parang gusto kong umatras pero. Kailangan kung gawin.

Huminga ako ng lalamin at binuksan yung pintuan nakita ko siya doon nakaupo kaya agad akong nagtungo sa kanya para makita niya ako.

Agad siyang tumayo nung nakita niya ako at ngumiti sakin.

Napayuko ako kasi.. parang hindi ko kayang gawin.

"Kanina pa ako dito hindi na ako naglunch ..ano bang sasabihin mo. "

Tumingin ako sa mata niya.

"Zake... ano k-kasi .."lumunok ako at yumukong muli "Itigil na natin to. "

Biglang nagiba yung ekspresiyon ng mukha niya.

"Huh.. hindi kita magets. "

Buti pa yung manok mat nug-gets

Teka seryoso to hindi kailangan magbiro.

"Sabi ko intigil na natin to. "

"Bakit?? Teka hindi pwede hindi pa bumabalik si mommy sa US ... kaya hindi pa pwede. "

Tumingala ako para pigilan yung luha ko ang bigat bigat sa dibdib.

"alam mo nung una... wala naman akong pake sayo e.. wala akong pake kahit may kahalikan kang babae ..wala akong pake kahit na lumandi ka diyan sa daan.. tumulo nayung luhang kanina ko pa pinipigilan "pero ngayon kapag ginagawa mo yang mga bagay na yan lalo akong nahuhulog lalo akong nasasaktan..... lalo kitang minamahal."

Nagulat siya sa sinabi ko kaya naman alam ko na ang kasunod nito.

Na Hindi niya masusuklian yung pagmamahal ko.

"Pero a-ayos lang kung hindi mo masusuklian yung pagmamahal ko sayo kasi tanggap ko naman.. saka mawawala rin to... makakalimutan din kita. "

Mabilis Kong sabi saka ako umalis sa rooftop. Narinig ko pang tinawag niya aki pero hindi ko yun pinakinggan.

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad hindi ko na nakikita yung dinadaannan ko.

Hanggang sa may nabangga ako.

"Lei? ".

Nag angat ako ng tingin sa nabangga ko at nakita ko si Braze.

Ewan ko pero bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit. Niyakap din niya ako pabalik at doon ako umiyak ng umiyak.

Zake POV.

Ilang oras din aking nakatulala dito sa rooftop.

Grabe lang Hindi ko inaasahan yung mga sinabi ni Lei.

Nag confess ba siya sakin na mahal niya ako.?

Kung ganon hindi ko pa nakoconfirm yung fellings ko sa kanya kung mahal ko na ba siya o gusto lang iba kasi yung mahal sa gusto.

Tumunog na rin yung bell kaya naman natigil ako sa pagkatulala ko..

Naglakad na ako pabalik sa room pero napatigil ako sa hallway.

Natigil ako dahil sa nakita ko.

Si Lei saka si Braze magkayakap.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Ang sakit....

Napangiti nalang ako ng mapakla habang tinititigan sila .

Kanina lang may paiyak iyak pa siyang nalalaman habang nagcoconfess sakin pero ngayon may kayakap na siyang iba.

Nagiba ako nang daan at dumeretso na sa Room.


SEE YOU TO THE NEXT UPDATE *

HEARTACHE  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon