LeiPOV *
Nauna nga pala ako sa kanya umuwi. Hay makapagluto na nga lang.
Kumuha ako ng mga rekados para makapagluto na.Pagtingin ko sa ref wala palang mga gagamitin ditong pangluto.
Pero naguguton na ako. Ang sakit na ng tiyan ko gusto ko ng ice cream.
Ahh! Alam ko na. Bibili na lang ako ng pagkain ko.
Nagbihis muna ako bago lumabas ng condo ni Zake.
Nang makababa ako sa sa lobby iniisip ko kung maglalakad na lang ba ako o magtataxi. Pero maglalakad nalang ako pang ice cream din tong pamasahe ko. Hihi.
Habang naglalakad ako felling ko may sumusunod sakin. Pero kapag dumating naman ako sa likod ko puro kotse lang yung nakikita ko.
Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko. Lalakad na sana ako ng may humawak sa kamay ko.
Wahhhhhh. Tulong ayaw kong pang mamatay. Dahan dahan akong humarap sa kanya at nabigla ako kung sino toh.
"San ka pupunta? ".malamig na tanong niya habang nakatingin sakin na masama.
Hindi ako makasagot .Si Zake yung nasa harapan ko.
"Ahh.. bibili ng ice cream. "Nauutal na sabi ko. Bat ba ganyan siya makatingin.
"Nang ganyan lang ang suot? ".Iritang tanong niya habang tinitignan ang kabuuan suot kong damit.
Tumingin din ako suot kong damit. Ayos naman a. Naka t-shirts ako tapos medyo maikling short siya nga pala yung suot kong t-shirts kay Zake.
Kaya ba siya nagagalit kasi hiniram ko yung damit niya? Kapag lumabas kasi ako ng nakasando lang baka may mangyare sakin.
"Sorry... kasi sinuot ko yung t-shirts mo.. puro sando kasi yung damit ko kaya ito nalang yung sinuot ko... hayaan mo magpapalit nalang ako bago bumili ng ice cream. "Nakanguso kong sabi at agad na hinila yung kamay ko na hawak niya.
Ano bayan malapit na ako sa bilihan ng ice cream saka pa ako naabutan ni Zake. Maglalakad na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.
"Tara na.... bumili na tayo ng ice cream. "
Napahinto ako tapos humarap ulit sa kanya magsasalita na sana ako ng hilahin niya yung kamay ko at ipinasok ako sa kotse niya. Kung makahatak naman to akala mo hindi niya ako GF.
Nagpunta kami sa isang Ice cream parlor para bumili Syempre ng ice cream. Galit parin siya sakin.
Pagkatapos naming bumili ng ice cream sabi niya umuwi na daw kami kasi daw gabi na.
Habang nasa kotse kami wala paring kibuan. Ang taaa naman ng pride nito!
Hanggang sa tumunog yung cellphone niya.
"Hello?..ok sige.... mamaya kana tumawag.. oo.. nagdadrive ako... bye"
Saka niya nilagay yung cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya.
"Sino yung tumawag? ".
". classmate ko. "
Maikling sagot niya. Ang tipid naman niya. Nakarating na kami sa condo niya. Ayaw niya parin akong pansinin.
Umupo nalang ako sa sofa saka binuksan yung binili kong ice cream na Caramel &Mocha flavor hindi na uso ngayon yung cookies and cream no.
Habang kumakain ako siya naman nasa kwarto. Ewan ko kung natutulog na yun. Hindi man lang ako hinintay matapos dito sa kinakain ko bago matulog saka hindi pa naman kami kumakain ng dinner e. Papabayaan niya nalang ba akong magutom dito. Siguro wala na talaga siyang pake sakin.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...