Lei POV.
Pagkatapos noon ay hindi ko na nakita si Zake.
Hindi na ako pumasok ng susunod na klase dahil nagpunta kami ni Braze sa park para bilan ako ng icecream para daw tumugil na ako sa pag iyak.
"Salamat Braze, dahil nanjan ka palagi kapag umiiyak ako "
Tumingin siya sakin saka ngumiti.
"Wala yon, basta ikaw nandito lang ako kapag kailangan mo ng sandalan heheh. "
Natawa naman ako.
Ilang oras pa kami dito ni Braze sa park masarap kasi ang hangin.
"Lei, mag gagabi na hindi pa ba tayo uuwe?. "
Napatingin ako sa paligid mag gagabi na pala hindi ko namalayan.
Pero naisip ko. Pag umuwi ako makikita ko si Zake at maririnig ko na sa kanya ang salitang yun.
Ang hindi niya kayang suklian yung pagmamahal ko para sa kanya.
Pero hindi ko kailangan na magtago sa kanya. Haharapin ko siya at tatanggapin kung ano yung mga sasabihin niya.
Kahit masakit.
"Sige."
Maikling sagot ko kay Braze.
"Halika hatid na kita.. maggagabi na kasi baka kung mapano ka. "
"Sige.. salamat talaga Braze.. maasahan ka talagang kaibigan. "
Saka ko siya nginitian. Nagiba yung reaction ng muka niya pero ngumiti din ito na alam kong pilit lang.
May problema kaya si Braze?
"Braze kung may problema ka din nandito lang ako. "
Tumango siya at ngumiti.
Kinakabahan ako habang nasa byahe kami.
Pano kung hindi ko matanggap yung mga sasabihin niya parang nanghihina na yung tuhod ko at lumalakas yung kabog ng dib dib ko.
"Ahmm, Lei san nga pala kita ihahatid kasi hindi ko alam yung bahay niyo. "
Oo nga hindi ko pa nasasabi kay Braze na kay Zake ako nakatira ngayon.
"Kay Zake ako nakatira ngayon pero aalis na rin ako. "
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...