Lei Pov.NANDITO ako sa likod bahay para tawagan si ate, binura ko na rin ang cellphone number ni Zake sa cellphone ko para hindi ko na siya maalala.
"Hello, ate".bungad na bati ko sa kanya.
"Oh! Hello Lei, kamusta ka na, ang tagal mong hindi tumawag sakin buti na lang hindi pa ako nagpapalit ng sim card"sabi sa kabilang linya.
"pasensya ka na ate, naging busy kasi ako sa school, saka.. ate nandito ako kila tita Lorna..hindi muna kasi ako mag-aaral ng 4th year high school, sa susunod na taon nalang raw sabi ni mama".sagot ko sa kanya.
"Ano ka ba naman!Hihinto ka, sayang!graduated kapa naman tapos hihinto kapa,ano namang dahilan bakit ka hihinto?".Dismayadong sabi niya sakin.
"ate,gusto ko kasi na makasama si mama dito, kahit ganon naman ang ginawa niya dati nanay parin natin siya diba, saka meron pa namang next year diba".
"Bakit kasi hindi ka diyan mag-aral, makakasama mo na si mama makakapagaral ka pa".
Huminga ako nang malalim"Marami pa kasing gagawin kapag lumipat ka ng school, malapit na rin ang fourth grading siguradong mahihirapan ako kapag lumipat pa ako ,diba?".paliwanag ko sa kanya.
"Hay nako! Bahala ka basta pupunta nalang ako d'yan kapag hindi na kami busy ng kuya mo,ba-bye na Lei mag ingat kayo d'yan nila mama at tita,mahal ko kayo.bye"sabi sakin ni Ate bago patayin ang tawag.
MABILIS lumipas ang panahon at hindi ko na masyadong iniisp si Zake. Mahigit tatlong liggo na ako dito sa bahay nila Tita Lorna.
Tumayo ako at bumangon sa pagkakahiga ngunit hindi pa man ako nakatatayo ay naramdaman kong parang hinahalukay ang tiyan ko. Dali dali akong nagtungo sa cr at doon inilabas lahat.
Nagmumug ako at hinilamusan ang aking mukha, ano naman kaya ang nakain ko kagabi at dumuwal ako ngayong umaga? Baka may hindi lang ako nakain kagabi kaya winalang bahala ko nalang ito.
Nagsuklay muna ako bago bumaba sa sala.Wala sila mama ngayon at ang mga pinsan ko lang ang kasama ko.Nandito si kuya Alex sa sala dahil inaayos ang nasirang radyo kagabi.
Nakita kong tumayo si kuya Alex at dumaan sa harap ko naamoy ko ang pabango niya ngunit hindi ito nagustuhan ng aking pangamoy.
"Lei, kumain ka na dito, naghanda ng almusal si mama".Untag niya sakin habang kinukuha ang gamit na gagamitin pangayos ng radyo.
"sige po kuya,"Aalis na sana ito ngunit tinawag ko siya upang pigilan"kuya ano ba ang pabango mo ngayon?".
Napatigil siya at tumingin sakin"Ah! Yung bagong bili kong pabango, ang bango diba? ".
"Hindi ko nababanguhan".sabi ko at kumuha ng plato at nilagyan ng sinangag.
Biglang kumunot ang noo niya"Ang bango kaya, sabi ni Jessy mabango daw kaya ito ang binili kong pabango".
Si ate Jessy girlfriend niya,3 years na sila.
"basta hindi ko gusto ang amoy".paliwanag ko sa kanya.
kinuha ko ang kutsara at sumubo ng sinangag,pero bigla ko itong nabuga dahil sa hindi ka aya-ayang lasa.
"Kuya, may bawang ba itong sinangag?".tanong ko kay kuya.
"huh?lahat naman ng fried rice may bawang,ano bang problema mo kanina kapa,nabahuan ka sa pabango ko kahit mabango naman, tapos ngayon ayaw mo naman ng bawang...daig mo pa buntis".sabi sakin ni Kuya Alex bago umalis sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa.
Ako parang buntis?napaisip ako,hindi ako dinatnan nung nakaraang buwan, pero sabi ni mama normal lang daw na lumaktaw ng isang buwan.
Pero nakakaramdam ako ng sintumas ng pagbubuntis,katulad ng pagsusuka sa umaga at mga ayaw na amoy tulad ng pabango ni kuya.
Hindi kaya...... buntis ako..pero hindi pa naman sigurado kung buntis ako. Saka ano nalang ang sasabihin ni mama kung sakalaing buntis nga ako. Hindi naman sa ayaw ko magbuntis pero ang bata ko pa.
Sana mali ang hinala ko, dahil kung totoo man yun hindi ko alam ang sasabihin ko kay mama kay ate at sa ama nang batang ito.
KAGABI pa masama ang pakiramdam ko, sumuka na naman ako kaninang umaga.Nakahiga nalang ako sa kama ngayon dahil parang tinatamad ang aking katawan na bumangon.
Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa si mama, may dala itong pagkain siguro ay para sakin iyon.
Inilapag niya ang dala sa sidetable ng kama"Anak,ayos na ba ang pakiramdam mo?may dala akong sopas para makain mo..sana bumuti na ang pakiramdam mo".
Bumangon ako"Salamat mama, inuwi ba ni ate yung mga gamit niya?".Kagabi kasi ay dumalaw si ate dito kasama ang asawa niya nagmadali nga silang umalis dahil may pupuntahan ba raw sila. Tinanong namin kung buntis na ba si ate,ang sabi niya ay nakakaranas na siya ng sintumas nagulat nga ako dahil ang mga nararamdaman ko ang nararanasan ko din.
Pero sana hindi ako buntis, sana may sakit lang ako na masama lang talaga ang pakiramdam ko. Kung sakali kasing nagdadalang tao ako at may laman itong tiyan ko.Siguradong hindi ito magugustuhan nila mama.
At kung sakali mang buntis ako sino naman ang kikilalanin nitong ama,siguradong sa mga oras kasi na ito ay kasal na sina Cheska at Zake, at bumubuo na ng sarili nilang pamilya. Siguradong hindi nila patatanggap ang anak ko.
"Oo,nung nakatulog ka ay umuwi na sila,mamaya ay pupunta tayonv center para mapatingin kita,baka kung anong sakit na ang nasa katawan mo hindi pa natin alam".
Tumango lang ako kinuha ang sopas, si mama naman ay lumabas na ng kwarto.
Naramdaman kong parang maduduwal na naman ako kaya dali-dali akong nagtungo sa cr. Ghad!!ayoko ng ganitong pakiramdam.
Babalik na sana ako sa kama ng bigla akong nahilo. Napahawak ako sa sintido ko at sa ulo ko.parang umiikot ang paligid kayon ay nakahawak na ako sa pader dahil pinipilit kong makarating muli sa kama.
Pero hindi ko na kinaya at tuluyan na akong nawalan ng malay ang huing narinig ko nalang ang pagtawag ng pangalan ko ni mama.
"Lei! Anak! Diyos ko!"
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...