WALANG tao dito ngayon sa bahay ako lang. Pumunta kasi si mama kina ate dahil binalita kagabi ni ate na buntis din siya.Kahit magisa lang okay lang bibisita naman kasi sina Braze mamayang tangahali.
Bumaba ako sa sala, Kukuha sana ako ng tubig sa kusina pero may narinig akong kumakatok sa pintuan.Kumuha muna ako ng tubig at uminom bago ko pagbuksan ang tao sa labas, nauuhaw na kasi ako kanina pa.
"Ito na! Saglit lang"sigaw ko baka kasi akalaing walang tao dito sa loob ng bahay.
At sa pagbukas ko ng pinto hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga oras na to, ang taong kinamumuhihan ngunit patuloy ko paring minamahal.
Nalakurap ako ng ilang beses bago nakapagsalita. Hindi ko kinakaya ang presensya niya sa harap ko nag-iwas tingin ako para hindi magtagpo ang mga mata namin.
Humawak ako sa gilid ng pinto para may suporta"W-what are you doing here?"sikmat ko sa kanya. Kita sa muka nito ang lungkot ng tanongin ko iyon. Kita ko rin sa muka niya ang mga pagbabago, humaba ng kaunti ang kanyang buhok at may papatubo naring malbas sa mukha niya.Pero kahit ganon gwapo parin siya.
"We need to talk, please listen to me, Lei. You know how much I love you"nagsusumamong turan niya.
Akala ko ba nasa ibang bansa siya? Bakit nandito siya,May galit sa dibdib ko ngunit ang makitang ganito ang taong mahal ko parang hindi ko kayang magalit ng patagal sa kanya. Hindi ko kaya...
Tumingin ako sa mga mata niya"Nung nakita ko yun,Ikaw at si Cheska sa iisang kama..hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko kung ano ba ang mali ko bakit mo ginawa sakin yun,H-hindi mo na ba ako mahal? Yun ang gusto kong itanong sayo pero iniisip ko, baka hindi mo naman talaga ako minahal"nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.
"Lei "...Nasusumamong tawag niya sa pangalan ko ngunit ipinagpatuloy ko lang ang pagsasalita ko.
"Iyak lang ako ng iyak,Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang tinutusok ng libo-libong karayom, Hindi ko naisip nung una na may pamilya at mga kaibigan pa pala ako, pumunta ako dito sa bahay ni tita Lorna para kalimutan ka,..pero lahit anong gawing ko para kalimutan ka... hindi ko magawa"pinunasan ko ang tumulung luha sa pisnge ko.
Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko"Lei, I'm sorry..please yung nakita mo sa bahay namin, mali yun..hindi ko ginusto yun,walang nangyare samin ni Cheska,lasing ako nun pero nagising ako, hindi mo nakita na itinulak ko siya, hindi mo nakita na pinagsabihan ko siya na tigilan na tayo"sabi niya sakin. May tumutulo na ring luha galing sa mga mata niya.
"P-pero pagdating ko sa condo,parang gumuho ang mundo ko ng makita kong wala na ang mga gamit mo don,I try to call you pero hindi mo sinasagot, ang dami kong text sayo pero kahit isa wala kang reply..h-hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na yun..five days akong nagkulong sa kwarto..nagbabakasakali na babalik ka pa..uuwi ka"umiiyak na siya ngayon. Hindi ako sanay na makitang umiiyak siya, felling ko nasasaktan din ako sa bawat hikbing naririnig ko galing sa kanya.
Marahas niyang pinahid ang luha niya na tumulo sa pisnge niya"Hinanap kita kung saan -saan, Tinanong ko kay Ella kung nasaan ka, pero ni isang sagot kung nasan ka wala akong nakuha, ang sabi ko nalang sa sarili ko, siguro nabigla ka lang sa nakita mo, mahal mo ako kaya alam kong babalik ka,.. pinanghahawakan ko ang sinabi mo sakin na mahal mo ako..dahil doon tumatatag ako"umiiyak na turan niya.
Nagbaba ako ng tingin, hindi ko pala kayang makita na umiiyak si Zake sa harap ko.
Sinabi ko sa sarili ko na handa ko naman siyang tanggapin ulit..ang kaso lang hindi pa ngayon,dahil nandito parin kasi yung sakit sa puso ko.
Hinawakan niya ang kamay ko habang umiiyak"kaya,please Lei,bumalik ka na sakin..ngayong nahanap na kita hinding-hindi na kita pakakawalan, kahit anong gawin mong taboy sakin para lang umalis sa tabi mo hinding-hindi ako aalis...hindi na kita pababayaang mawalay ulit sakin...kayong dalawa ng anak ko.."
Napahawak ako sa malaki kong tiyan at tumingin sa kanya. Tama ba itong gagawin ko,ayokong nahihirapan siya at lalo akong nahihirapang magdesisyon.
Siguro nga tama ang mga sinabi ni mama na Kailangan ng anak ko ng isang ama, dahil kahit anong gawin ko maghahanap parin siya ng isang ama kapag dumating ang panahon na magkaisip siya.
Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa pisnge ko"Siguro nga n-nasaktan ako sa mga nakita ko, p-pero kahit ganon hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sayo"dahan dahan kong inangat ang kamay ko patungo sa mukha niya at ngumiti"Mahal na mahal parin kita,Zake,hindi na ako susuko sabay tayong lalaban para sa pag-iibigan natin, hindi na kita iiwan ulit, hinding-hindi ka na namin iiwan ng anak natin"umiiyak pero masaya kong sabi sa kanya.
Halata ang gulat sa mukha niya sa ginawa ko, siguro iniisip niya na hindi ko siya papansinin at papaalisin lamang sa bahay na to.
Ako naman ang nagulat nang bigla niya akong higitin at yinakap ng napakahigpit.Sobrang saya ko ngayon, ayos na kami ni Zake pero wala na ngayang problema kay Cheska.
Ako ang unang kumalas sa yakap niya atq nginitian siya"Pero, i-ikakasal ka parin ba kay Cheska?"Utal kong tanong sa kanya.
Yumakap siyang muli sakin at mahinang tumawa"Nung una nahirapan akong sulusyonan ang problema, pero ng umalis ako at nagpunta sa ibang bansa dahil pakiramdam ko wala na akong dahilan upang manatili pa sa pilipinas, pero doon ko narealize na hindi ko pala matatakbuhan ang mga problema kaya,Bumalik ako at doon ko nalamang buntis si Cheska"napahinto ako sa sinabi niya.
S-si Cheska b-buntis?
"Pero hindi ako yung ama"nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya."Nabigla rin ako sa nalaman ko, nung una sinabi ni Cheska na ako daw yung ama pero di kalaunan ay may lumitaw at inaako ang bata,Doon na inamin ni Cheska na hindi nga ako ang ama ng bata, medyo nalungkot rin ako noon dahil akala ko magiging daddy na ako,Pero ayos lang pala kasi may baby na din pala ako at ikaw pa ang nanay".
Pinaharap niya ako sa kanya at ngumiti"Hindi na itinuloy ang kasal namin dahil si Cheska at yung ama ng baby ang ikakasal, nalaman din namin na yun talaga ang mahal ni Cheska at hindi ako, talagang hindi pa siya nakakamove on nung mga panahon na ginugulo niya tayo,Kaya naisip ko na hanapin ka para masabi ko sayp ang balita at mabuo na din tayong pamilya".
Lalo akong naiyak sa mga sinabi niya lalo na ng marinig ko ang salitang Pamilya ang sarap sa pandinig dahil isang pamilya na kami at wala na ring sagabal sa amin ni Zake.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...