31

547 13 0
                                    


Unti -unti kong iminulat ang aking mata, at nakita ko ang puting kisame at halatang nasa ospital ako. Iginaya ko ang tingin sa paligid at nakita ko si mama na natutulog sa tabi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya"Ma,gising na".gising ko kay mama.

Iminulat niya din ang kanyang mata at tumingin sakin. Halata ang saya at pag-aalala niya sakin.

"anak, anong nararamdaman mo, ayos lang ba ang pakiramdam mo, nagalala ako kanina..hindi pa dumadating ang doktor hintayin nalang natin.

Tumango ako at pumikit muli,Ilang oras lang kaming naghintay at dumatok ng na ang doktor.

Isa itong maputing babae na medyo may edad na.

"Good afternoon,I'm Dr.Lazaro, ako po ang pinadalang doktor sa inyo..Wala naman po kaming nakitang sakit saiyo hija, kaya wala kayong dapat ipagalala..normal lang yang nararamdaman mo".Sabi sakin ni Dr.Lazaro.

Anong normal,hindi ko nga kinaya kanina ang pagsusuka at pagkahilo tapos sasabihin nila na normal lang to.

"Panong normal doktora, sabi niyo nga po wala siyang sakit, eh bakit po siya nagsusuka at nahihilo? ".tanong ni mama.

"Ibig ko pong sabihin, normal lang po sa mga buntis ang pakaramdam ng pagkahilo at pagduduwal lalo na sa umaga, sintumas po kasi yan ng pagbubuntis misis".Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ng doktor, Nagkatotoo ang hinala ko.Tumingin ako kay mama at kita korin ang gulat sa mga mata niya.Hindi pwedi to,

Muling tumingin sakin si Dr. Lazaro.

"Pero mas mabuti din na mapatingin ka sa OB-gyne hija, para malaman niyo kung ilang buwan ka nang buntis".Paliwanag samin at nagpaalam bg lumabas.

Mahabang katahimikan ang lumukob sa amin ni mama. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang luhang papatak sa pisnge ko.

"Lei Rain".tawag sakin ni mama"bakit hindi mo sinabi sakin na buntis ka! Anak naman nanay mo ako! Dapat sakin mo unang sinasabi yang mga ganyang bagay na yan".

Tumingin ako sa kanya"Ma, sorry, hindi ko rin po alam na buntis ako, sana po mapatawad niyo ako"umiiyak na sabi ko kay mama.

Akala ko ay magagalit sakin si mama. Pero nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Anak, kahit naman anong gawin natin nandyan na yan, kaya wag ka nang umiyak, nandito lang si mama..aalagaan ko kayong dalawa ng baby mo..basta wag ka nang umiyak".

Niyakap ko si mama sa saya dahil hindi siya nagalit sakin,akala ko hindi ito matatanggap ni mama pero nagkamali ako.

Aalagaan ko ang baby ko, wala man siyang ituturing na ama meron namang mga taong nagmamahal sa kanya, ipinapangako ko na hinding-hindi ko hahayaang mapahamak kami ng anak ko.



ANG sabi samin ng Ob-gyne kanina ay isang buwan na daw akong buntis, ang tagal na rin pala, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Hindi na ako makapaghintay na lumabas ang baby ko.Ano kaya ang. Gender niya? Ang gusto ko sana babae ang una kong magiging anak, pero kahit ano pa man ang kasarian niya tatanggapin ko parin siya.

Nakita kong bumaba ng hagdan si mama, nandito kasi ako sa sala nagpapahangin. Nginitian niya ako at ganon din ako sa kanya. Alam kong masaya rin si mama.

"Anak, pupunta kami ng kuya Alex mo sa palengke, wala ka bang ipapabili?"Tanong sakin ni mama.

Parang gusto ko ngayon ng avocado, ang sarap lagyan ng gatas at yelo lalo na ngayong mainit ang panahon.

"Gusto ko po sana ng avocado samahan niyo na rin po ng apple".sabi ko kay mama.

Napangiti si mama sa sinabi ko"Ayan ba ang pinaglilihian mo,nak"nakangiting tanong sakin ni mama.

"Hindi ko po alam, pero siguro nga po"

"osiya, sige mauna na ako, hintayin mo nalang ako dito"at umalis na siya.

Nanunuod ako ng t.v ngayon dito sa sala,Siguro ay matagal pa bago babalik sila mama at kuya Alex si tita Lorna naman at ang mga pinsan ko ay nandoon sa kusina.

Maya-maya pa ay may narinig akong katok sa pinto, hindi naririnig ni tita dahil nasa kusina sila. Ako ang malapit sa pinto kaya ako na ang magbubukas.

Tumayo ako at nagtungo sa pintuan. Pagbukas ko ay nabigla ako sa taong nakita ko.

Bakit alam niya kung saan ako nakatira ngayon.

"a-anong ginagawa mo dito?...Braze"
Gulat na tanong ko sa kanya pero imbis na sumagot ay ngumisi lamang ito.

"Hindi mo manlang ba muna ako papapasukin Rain".kunwaring malungkot na  tanong niya sakin.

Binuksan kong maiigi ang pinto para makapasok siya"Pasok ka".

Pinaupo ko siya sa sala nang biglang dumating si Tita.

"Sino naman itong napakagwapong lalaking ito?, Lei"Namamanghang sambit ni tita.

"Si Braze po,kaibigan ko"Sagot ko naman kay tita.

"akala ko naman ay ito ang tatay sa baby mo, pasensya na"Sabi ni tita at bumalik na sa kusina.

tumingin naman sakin si Braze na may pagkalito sa mukha.

"mukang marami kang i-kwe-kwento sakin ngayon, Rain"Sabi niya sakin.

Tumango ako at umupo sa isa pang upuan..

Sinabi ko sa kanya lahat.Mula sa nangyare samin ni Zake at nung niloko niya ako at nag-decide na dito muna sa bahay nila tita kung saan nakatira rin si mama. Malaki pala ang utang na loob namin ni mama kay Tita Lorna.

Tumingin uli ako sa kanya nakita kong nakatulala lang siya.

"grabe pala ang pinagdanan mo, tapos di ka man lang nagsabi sakin..diba sabi ko kapag may problema ka magsabi kalang sakin..di ako magaatubiling tulungan ka"Sabi niya kaya napayuko ako,oo nga pala meron din akong mga kaibigan na hindi ko nasabihan ng mga problema ko.

"pasensya ka na,Braze, masyado na kasing magulo ang utak ko that time, kaya hindi ko na nasabi sa iyo, lately ko lang din nasabi kay Ella na hindi na ako papasok"paliwanag ko sa kanya.

"Mabuti nga ay sinabi sakin ni Ella kung nasan ka ngayon, ayaw nga niyang sabihin nung una pero dahil mapilit ako..nasabi niya rin sakin"Si Ella pala ang dahilan kung bakit ako nahanap ni Braze.

"Pero, ano yung sinasabi ng tita mo na..ako daw ang ama ng baby mo..buntis ka ba"curious na tanong sakin ni Braze.

Tumango naman ako.

"Ow, hindi ako makapaniwala..akala ko pa naman ako yung magiging ama ng mga anak mo...pero mabuti nalang si Zake ang ama niyan siguradong maganda ang kalalabasan haha"pagbibiro ni Braze. Mahina naman akong natawa dahil sa sinabi niya.

Masaya ko dahil kahit paano ay nakalimutan ko ang mga problema ko dahil dumating si Braze. Matagal na rin kasi akong walang kausap na kaedad ko lang.



"PANO ba yan, mauna na ako Rain..Mag-gagabi na rin kasi, malayo pa byahe ko"Paalam sakin ni Braze, kanina pa kasing tanghali siya nandito.

Ngumiti naman ako sa kanya"Sige, mag-iingat ka sa daan,Sa susunod na punta mo dito isama mo na si Ella,miss ko na kasi ang babaeng yun".

"ok, basta kahit na anong mangyare, nandito lang ako Rain, hindi kita pababayaan..kung gusto mo pa nga aakuin ko na yang baby mo eh".Pabiro niyang sabi.

"ano ka ba, diba napag-usapan na natin to"Malumanay na sabi ko sa kanya.

Tumawa rin naman siya pero bigla ring sumeryoso ang mukha"Pero, Rain kapag hindi yan pinanagutan ni Zake..ako ang tatayong ama niyan, walang halong biro...sige ba-bye na.. ingat kayo ni Baby".

Napaisip ako sa sinabi ni Braze.Pero kahit naman hindi ito panagutan ni Zake hindi ko parin papayagang saluhin niya ang responsibilidad na hindi naman siya ang may gawa. Gusto kong makahanap din siya ng babaeng mamahalin siya ng lubos.


HEARTACHE  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon