29

554 12 0
                                    


Lei POV..

BUMABYAHE na ako ngayon papunta sa bahay ng tita ko hindi ko na hinintay na maabutan pa ako ni Zake sa condo niya, Kinuha ko ang mga gamit at mga damit ko na halos wala ng patira sa condo niya. Ngunit iniwan ko ang mga bagay na ibinigay sakin ni Zake .

Iniisip ko kasi na kapag dinala ko ang mga gamit na yon lagi ko lang maalala ang nasaksihan ko kagabi lagi ko lamang siyang maalala.

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking pisnge, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko sa kaiisip sa kanya.

Aaminin ko na mahirap siyang kalimutan dahil sa mga alaala niya sakin, sana mali ang hinala ko na hindi niya talaga ako mahal, Kasi tumatatak parin sakin ang lahat ng sinabi niya bago ito mangyare.

Maya-maya pa ay huminto na ang bus na sinakyan ko kung saan nakatira sila mama at tita. Hindi ko pa natatawagan si ate para sabihing uuwi ako kina tita ngayon siguradong marami na naman ang tanong niya sakin.

Iniisip ko bakit kaya hindi pa magaanak si ate, para naman may nilalaro ako habang nandito kina tita.
Naalala ko tuloy ang unang karanasan ko kay Zake na haggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko. Inaamin kong naging masaya ako ng gabing iyon dahil kay Zake ko naibigay ang sarili ko pati ata kaluluwa ko binigay ko na sa kanya tapos ganito lang pala ang mangyayare.

Humanap na ako nang tricycle na masasakyan papunta sa bahay nila tita at mama.

HINDI sa kalayuan ay nakita ko na ang bahay na tinutuluyan ngayon ni mama, nakita ko na rin ang mga pinsan ko sa harap ng bahay nito.

Bumaba ako sa tricycle at nagbayad sa driver, inayos ko muna ang damit at buhok ko para maging presentable sa harap nila mama mga pinsan at tita ko.

Pinilit kong ngumiti at inayos ang sarili. Kumatok ako sa gate at wala pang isang katok ay dinaluhan na nila ako ng tingin,may dalawang bata na nakatingin sakin at nginitian ako, may tinawag sila bago buksan ang gate nakita kong lumabas ng pinto si tita Lorna.

Halata ang gulat sa mukha nito pero di kalaunan ay sumilay ang ngiti sa labi nito.agad naman akong ngumiti pabalik at pumunta patungo sa kanya.

Agad niya akong niyakap at ganon din ako."Ang laki mo na pamangkin ko, halika sa loob para makita mo ang mama mo".ginaya niya ako papasok sa loob ng bahay.

Pagpasok palang ay nakita ko na si mama sa kasina ,siguro ay naghahanda siya ng pagkain.
Gusto ko siyang surpresahin kaya dahan dahan lang ang lakad ko patungo sa likod niya, at nang hindi niya maramdaman ang presensya ko ay niyakap ko ang dalawang braso ko paikot sa bewang niya.

"Ay!".medyo natawa ako dahil nagulat siya. Hinarap niya ako at hindi makapaniwala na nandito ako sa harap niya.

"Anak!namiss kita,alam mo bang pinagdarasal ko gabi-gabi sa diyos na sana ay bumisita ka dito sa bahay ng tita Lorna mo,..kamusta ka na? ".

Ngumiti ako sa kanya"Ok lang ako mama, saka..ano.. mama pwedi bang sa isang taon nalang ako mag-aral?".kinakabahang sabi ko kay mama nakita kong parang nabigla siya sa sinabi ko siguro hindi niya inaasahan ang sinabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko"Anak, may problema ba sa school mo? May nambubully ba sayo?. answer me Lei".

Umiling ako sa kanya at yumuko"Wala naman ma, pero gusto ko kasi na dito muna ako sa inyo pwedi naman po na sa isang taon nalang ako magaral".

Akala ko ay papahabain pa ni mama ang paguusap namin pero bigla niya akong niyakap.

"Kung ano ang gusto mo anak, nandito lang naman ako para sayo susuportahan kita sa kahit anong gusto mo".

Napangiti ako at niyakap din si mama pabalik"Salamat mama,saka sorry rin po kasi ititigil ko muna ang pagaaral ko".

"it's ok anak, siya nga pala naghanda ako ng turon halika sa sala,kumain ka kasama namin ng tita mo".agad naman kong tumango at umalis sa yakap niya.

Nilagay ko muna ang mga gamit ko sa kwarto na tinuro ni mama na pansamantalang tutulugan ko.Bumaba na ako sa sala para matikman ang luto ni mama na turon matagal na kasi akong hindi nakakatikim ng luto ni mama.

Nandito ang mga pinsan ko si Kuya Alex ang pinakamatanda sa aming magpipinsan si Layla naman ang pinakabata dahil anak siya ng bunsong kapatid nila mama na nasa abroad.

"nak,lika na dito masarap to, siguradong magugustuhan mo to".

Tumango ako kay mama at tinignan ang mga pinsan ko na mga bata pa. Ang cute cute nila bali tatlo sila na nandito sa bahay.

Kumuha ako nang isang turon na luto ni mama, nakita kong nagaaway ang dalawa kong pinsan sa isang turon.

Pinuntahan ko sila"bakit kayo nagaaway? ".

"si Tonton po kasi ate Lei, ayaw akong bigyan ng kinakain niya".sumbong sakin ni Denden ang batang babaeng pinsan ko si Ate kasi ang panganay na babae saming magpipinsan.

Sumimangot naman si Tonton"Ate Lei! Ang kunti na nang akin tapos bibigyan ko pa siya edi nawalan na ako".

Tumawa ako nang mahina"Denden at Tonton dapat hindi kayo nagaaway".hinawakan ko silang dalawa sa balikat"Doon sa lamesa meron pa doon turon para hindi kayo mag-aaway".

Nakita ko naman na sumilay ang mga ngiti sa labi nila kaya naman napangiti rin ako, nagtungo sila sa sala kung saan nakalagay ang pagkain, kinain ko naman ang hawak kong turon at nagpunta sa labas ng bahay, sila mama kasi nagpunta sa palengke para raw makabili ng ulam namin mamayang gabi.

Mahangin dito kahit hindi naman probinsya siguro kasi madaming puno sa paligid.Hindi ako sanay na tahimik doon kasi sa condo ni Zake laging maingay pero kahit ganon masaya kami...nakakalungkot lang na niloko niya ako, mas okay na siguro to para maging masaya na sila ni Cheska isa lang naman akong sangkap para magpanggap na girlfriend ni Zake habang nabubuhay pa ang mommy niya,Salamat din sa kanya dahil kahit sa konting panahon naging masaya ako sa piling ni Zake pinaramdam niya sakin na mahal niya ako pero hindi ko naman alam kung totoo ba ang mga ipinakita at ipinaramdam niya sakin habang nandoon pa ako sa condo niya.



"ANAK natawagan mo na ba ang ate mo?".Tanong sakin ni mama habang naghahanda kami ng tulugan ko medyo magulo raw kasi dahil walang gumagamit nitong dating kwarto ni kuya Alex.

Umiling ako at inilagay ang unan sa taas ng kama"Hindi pa po ma,pero bukas po tatawagan ko na siya para masabi na nandito po ako at magsamasama na po tayo".

"sige,osya!matulog kana gabi na".Niyakap niya ako at nagpaalam na bababa na siya.

Humiga ako at pilit na pumikit ngunit hindi man lang ako dalawin ng antok. Kinuha ko ang nakapatay kong cellphone sa gilid ng sidetable. Binuksan ko ito at nakita kong ang daming messages,Puro galing kay Zake ang mga ito, isa isa ko itong binuksan.

Zake.

Where the hell are you babe?

Babe, nasan ka ba?

Mababaliw na ako dito babe,

Please bumalik ka na dito sa condo ko plss.

Ilan lang yan sa napakadami niyang message sakin pero kahit isa wala man lang paliwanag kung bakit ganon ang nadatnan ko sa bahay nila.

Siguro ay mas nakabubuti na hindi na muna  ako magpakita kay Zake, pero kapag nagtagpo ulit ang mga landas namin hindi ko masasabi na nakapag move-on na ako ngunit sana mahal ko pa siya.



HEARTACHE  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon