3 years later....
Maraming nagsasabi na makikilala mo ang isang tao kapag nagsama kayo sa iisang bubong, it's true, napatunayan ko yan nung tumira ako sa condo ni Zake, lalo ko pa siyang nakikila noong nakatira pa ako sa kaniya bilang fake girlfriend at real girlfriend narin.
Maraming problems na dumaan samin at sa pagsasama namin. Siya ang first ko sa lahat,He's my first kiss, first hug, first everything.
Walang oras na hindi ko siya minamahal, dahil kada araw na lumipas lalo akong nahuhulog sa kanya, Lagi niya rin akong inaalagaan at minamahal higit pa sa inaasahan ko.
And being with the man like Zake is giving me and our baby happiness,hindi ko akalain na ang sarap palang magmahal ng isang Zake Shawn Mendez.
"You can now exchange your vows"father said.
Ngumiti muna ako sa kanya bago kinuha ang mic "Zake Shawn Rivera, it's been 3 year's since I meet you,In that period of time, maraming naging pagsubok marami tayong pinadaanan,marami tayong mga taong nakilala at na-encounter, kahit minsan nasasaktan natin ang isa't isa dahil nga mga bata pa tayo"mahina akong natawa ng malala ko ang mga panahong yun"Hindi pa rin ako makapaniwala na finally pagpapakasal nadin ako sayo, sa wakas magagamit ko na ang apilyido, masisigaw ko na sa buong mundo na mahal na mahal kita, I'll be spending the rest of my life with you forever, In this moment, sana patnubayan tayo ni lord, maraming hamon sa buhay natin pero nanalo tayo, magkasama nating tinapos ang mga problema, mahal na mahal kita,Zake"
Pinunasan ko ang luha ko na naglandas sa pisnge ko,Hindi pa ata waterproof yung make-up ko baka magmukha akong panda nito!
Kinuha niya ang mic sakin at ngumiti"Lei Rain Mendez and soon-to-be my wife, i just want to say na I love everything about you, I love your beautiful name, I love your voice kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko, I love your eyes kapag tumitingin ka sakin kapag kinikilig ka at nagagalit kasi ang cute mo kapag namumula, I love your laugh, your giggling, and your smile,I love every details about you,babe,"nakikita kong nagiging emosyonal na rin siya"It's really make me crazy, alam mo bang nung bumukas kanina yang pinto ng simbahan, naalala ko ang mga nakaraan natin, mula nung una kitang nakita,nung binunggo mo ako at nasira ang cellphone ko at nang pumayag ka sa deal natin, I just wanna thank you for fighting for us,Ipinapangako ko na hinding-hindi ko bibitiwan ang kamay hanggat nabubuhay ako, I love you, My babe".
Tumingala ako para pigilan ulit ang pagpatak ng luha ko.
"You may now kiss the bride"anunsyo samin ng pari.
Isang hakbang ang ginawa ni Zake at dahan-dahang inangat ang belo, hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko.
I felt his lips touched mine, masaya ako masayang- masaya, naghiwalay ang mga labi namin at nagtinginan lang kami, lahat ng guest namin ay nagpalakpakan.
"By the power vested on me, I pronounce you husbund and Wife"at doon siniil muli ako ni Zake ng isang matamis na halik.
I know this is the start of our new beginning, Pero ngayon ay hindi na ako matatakot na lumaban dahil hindi na ako nag-iisa, may kasama na ako.
"Mommy!I'm a big girl na!"Reklamo sakin ni Zaire,Pinaliliguan ko kasi siya. Nandoon si Zake sa baba may kausap na client.
"Anong big girl?!You are only three year's old at hindi ka pa big!"sabi ko sa kanya at nilagyan ng shampoo ang buhok niya.
"Mommy, kapag ba big girl na ako..i can play basketball na?"tanong niya sakin, nagtaka naman ako kung bakit basketball?
"Anak bakit naman basketball ang gusto mong i-play?pwedi naman doll house or barbie"sabi ko habang sinasabon ang katawan niya.
Ngumuso siya sakin at humarap"I saw Tyrone po kasi mommy, nag pi-play po siya ng basketball sa labas"si Tyrone anak ni Cheska,nagkaayos na kami ni Cheska at kababata din ni Zaire ang anak niya.
"Zaire,Basketball is only for boys lang..at ikaw dapat nilalaro ay pang girls lang"binanlawan ko na siga at binuhat papuntang kama.
Kinuha ko ang tuwalya dahil naka bathrobe pa siya, narinig kong may kumakatok sa pinto hindi ito nakalock.
"Tapos na ba ang baby namin mag-bihis?"Agad na tanong ni Zake sa amin ng anak niya.
"Daddy!"sigaw ni Zaire at agad na yumakap sa daddy niya, ang cute nilang tignan.
"Daddy, mag e-eat nako lagi ng madami para maging big na ako"Sabi niya sakin.
Ngumiti muna siya bago sumagot sa anak niya"Tama! Saka wag ka nang kakain ng binibigay ni Ninang Ella mo, masisira ang ngipin mo sa maraming candy...saka ayaw kong mahawaan ka niya ng kabaliwan"sabi niya sa anak, ngumiti naman ito ng malapad at bumaling sakin.
"Mommy, what's kabaliwan po ba?"inosenteng sabi tanong sakin ng anak ko.
Sinamaan ko nang tingin si Zake, Kung ano-anong sinasabi siya sa anak ko pati si ella dinadamay niya.
"Wala yun baby, Wag ka nang makikinig sa loko mong daddy"sabi ko sa kanya, pinunasan ko ang buhok niya para matuyo at dinamitan ng damit na kulay pink, pati short niya pink.
"Ayan! Beautiful ka na"sabi ko sa kanya pagkatapos bihisan, hinalikan ko siya sa magkabilang pisnge.
"Talaga po!"humarap uli siya kay Zake"Daddy! Pretty na po ba ako like mommy?"tanong niya sa daddy niya,Binuhat naman siya ni Zake at hinalikan din sa pisnge.
"Yes! magkamuka nga kayo ni Mommy mo e'"Humawak muna ako sa balikat ni Zake bago lumabas ng kwarto.
Bumaba na kaming tatlo para mag breakfast, Saturday ngayon at family day namin namin kapag weekend, Busy rin kasi si Zake sa kumpanya lalo na't na promoted siya as Vice president ng kumpanya, Ako naman hindi masyadong busy kaya natutukan kong mabuti si Zaire, pero minsan kapag may pasok ako sila mama ang nagbabantay sa kanya pero na babalance ko naman ang pagiging ina at pagiging istudyante, pinagpatuloy ko kasi ang pag-aaral ako, third year college na ako ngayon.
Pagkatapos naming magbreakfast niligpit ko na ang pinagkainan namin,habang sila naman ay dumeretso sa garden para maglaro, Ayaw ko nga muna sanag maglaro si Zaire dahil kaliligo lang, pero pagdating kaso sa kanila hindi ako makatangggi,Pinuntahan ko sila pagkatapos kong magligpit, masaya ako dahil nakikita ko silang masayang magkasama,Masaya ako dahil dumating si Zake sa buhay ko at masaya sin ako dahil nadagdagan pa ng isang makulit na Zaire.
"Anong iniisip mo asawa ko?"biglang yumakap sa likuran ko si Zake.
"Zake! Ano ba nakikita ka ng bata"Suway ko sa kanya.
"So gusto mo doon tayo sa hindi niya nakikita? Tara sa kwarto"Sabi niya sabay Tama,kahit kailan talaga.
"itigil mo nga yang bunganga mo, Zake"sabi ko sa kanya, tinanaw ko naman si Zaire na naglalaro sa damuhan ng garden namin.
"Minsan maglambing ka naman misis, laging ako naglalambing sayo"Himigpit ang yakap niya sakin.
Huminga ako ng malalim"Zake, masaya ka ba?"seryosong tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko naman na tumango siya"Oo naman masaya ako, masaya ako dahil meron akong magandamg asawa at makulit na anak..ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo"Sinabi niya, hinalikan niya ako sa isang pisnge.
"Talaga?"tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya"Oo, handa akong isuko lahat ng meron ako para sa inyong dalawa ni Zaire, Mahal na mahal ko kayo kahit kapalit buhay ko pa ang kapalit makapiling ko lang kayong dalawa ng anak ko"Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.
"Nakakainis ka! Pinapaiyak mo na naman ako"Nakangiti kahit naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Napakagwapo naman!"hinalikan niyang muli ang pisnge ko. Humarap ako sa kanya at tinignang mabuti ang mga mata niya, I think it is the right time to tell him.
"Zake, Im three week's pregnant!"
THE END
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...