Tatlong buwan na ang nakakalipas, ang bilis talaga ng panahon. Apat na buwan na akong buntis 5 months nalang makikita ko na ang baby ko.
"Anak, magbihis ka na para makapunta na tayo sa Ob-gyne mo, exited na akong malaman kung ano ang kasarian niyang baby mo"Sabi sakin ni mama habang naghahanda dahil pupunta kami sa Ob-gyne ko ngayon gusto ko na kasing malaman kung ano na ang gender ng baby ko,para makabili narin ako ng mga gamit niya at pakapaghanda sa pangnganak ko.
Medyo malaki na ang tiyan ko hindi tulad nung baho kong palang punta dito sa bahay nila tita, Noon kasi wala pa talagang umbok ang tiyan ko pero ngayon kung makikita niyo lang ang laki na. Siguro malaki ang anak ko, halatang malusog siya kaya naman exited na akong makita siya.
Pagktapos kong magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko dito si mama at sina Braze. Madalas na rin kasing bumisita dito si Braze kasama si Ella.Tuwing weekend nandito sila para bisitahin ako. Sinabi rin nila sakin na wala na silang balita kay Zake. Hindi na rin daw kasi ito pumapasok sa school ang hinala nila ang nagpuntang America para doon na magpatuloy ng pag-aaral.
"yey!Exited na akong malaman kung anong gender ni baby,para makabili na ng regalo sa binyag niya"Masayang sabi ni Ella, hindi niya kasama si Gino dahil hindi narin daw ito nagparamdam simula nung umalis si Zake siguro daw ay mag-kasama ang dalawa. Sobra daw siyang nasaktan dahil first niya sa lahat si Gino.
First boyfriend
First Kiss
First Hug
Atbp."Oo nga, ako gusto kong maging girl ang anak mo Rain para naman hindi pasakitin ang ulo mo,kapag kasi lalaki siguradong matigas ang ulo mana sayo"Salubong naman sakin ni Braze at tinulungan akong makababa ng hagdan.
"Salamat sa inyo dahil nandito kayong lahat para samahan at damayan ako sa mga problema ko lalo na inyo tita Lorna, kung wala po kayo wala rin po kaming mapupuntahan ni mama"Naluluhang sabi ko.
Agad naman akong inakbayan ni Braze."Tama na yang drama, Rain, ang mabuti pa pumunta na tayong sa Ob-gyne mo para malaman na..punasan mo na yang luha mo..malulungkot si baby"Alo niya sakin para hindi ako tuluyang maiyak.
"oo nga Beshy, let's go"Dagdag naman ni Ella.
Inakay na ako ni mama at Braze palabas baka daw Madala ako.
"GOODMORNING hija, exited ka bang malaman kung ano ang gender ng baby mo?"
Tumango ako, pati sila mama inaabangan din kung anong gender ni baby.
"Ok ito na ang result kung baby girl ba ang anak mo o baby boy"may kinuha si doktora sa isang envelope siguro doon nakalagay kung babae ba o lalaki ang anak ko.
"Congratulations hija, It's baby Girl"Magiliw na sabi samin ni doktora.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon kunv tuwa ba ito pero umiiyak naman ako pero siguro ito yung tinatawag nilang 'tears of joy' sobra akong nagiging emosyonal sa oras na ito.
Salamat po dahil dininig niyo ang panalangin ko na babae ang maging anak ko.Sana ay lumaki siyang masayahin at mabait na bata.At sana rin hindi ako mahirapang maipaliwanag sa kanya na wala siyang kikilalaning ama.
NANDITO kami ngayon nila Ella at Braze sa Mall para mamili ng mga gamit ni baby girl, yun muna ang itatawag ko sa kanya dahil wala pa akong maisil na pangalan na babagay sa kanya siguro kapag nanganak nalang ako.
Pumasok kami sa bilihan ng mga damit pambata.
"Beshy, dito muna tayo, dahil alam na natin ang gender ng baby mo makakabili narin ako ng regalo sa kanya kapag biniyagan na siya"sabi ni Ella habang namimili ng damit na pambabae.
Naramdaman ko namang may umakbay sakin"Saka makakabili narin tayo ng mga gamit na gagamitin kapag nanganak ka na"Sabi naman sakin ni Braze.
Bumili ako ng damit na maliliit ang cute -cute nga ng nabili ko may design itong barbie sa harap ng damit.Bumili rin ako ng isang lampin na kulay pink.
Kinalabit ako ni Ella"Beshy nasan si Braze? Kanina pa tayo dito pero wala parin siya akala ko ba men's room lang siya? Natae na ata"Natatawang sabi ni Ella sakin.
Kanina kasi nagpaalam si Braze samin na pupunta lang siyang men's room, pero hanggang ngayon wala parin siya. Ano na kayang nangyari don?
Maya -maya pa ay may nakita kaming lalaki na may hawak na isang baby Crib,kulay white ito na may design na star na palibot sa bawat sulok.
Gusto kong ibili si baby ng ganon. Kaso wala pa akong badget wala parin naman kasi akong trabaho kaya wala akong pambili ng mga ganong kamahal na bagay, ang hirap maging isang batang ina pero para kay babay kakayanin ko to. Laban lang!
Nagulat kami ni Ella kung sino anv may hawak ng baby crib, Si Braze pala ang may hawak nito at papalapit ito sa amin ngayon. Wala pa man siya ay naiyak na ako.
Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng ginawa ni Zake sakin. Hindi ko alam kung paano ako magpalasalamat sa tulong niya.
"Oh! Bakit umiiyak kana, sabi ko sayo wag kang iiyak kasi masama sa baby mo yan...tahan na Rain..Crib lang tong binili ko hindi pa bahay para sa inyo ni baby"hinampas ko siya sa dibdib at natawa naman siya sa ginawa ko.
Pinunasan ko ang luha ko"Thank you for everything Braze, binilan mo pa ng ganyan ang baby ko kahit hindi mo naman siya ka ano-ano.. hayaan mo kapag lumabas siya ikaw agad ang i-kwe-kwento ko sa kanya para matandaan niya ang pangalan mo"
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko ang isa naman ay may hawak ng crib, bali di tupi kasi yung crib kasi nakaplastik pa pero halatang mabigat yun.
"ano ka ba Rain,hindi mo na kailangang magpasalamat pa,saka hindi ka naman iba sakin"Sabi niya pa.
Magsasalita pa sana ako pero bigla nag sumingit si Ella sa usapan.
"Tama na yan, umuwi na tayo dahil bawal mahamugan itong si preggy Besh ko..para makauwi na din ako at siguradong hinahanap na ako nila mama saka papa ko, may pasok pa bukas"Maarting sabi sakin ni Ella.
Ewan ko ba kung bakit naging ganyan na si Ella, wala narin ang malaking salamin niya saka naglalagay narin siya ng kunting kulorete sa mukha niya. Siguro ay sobra rin siyang nasaktan sa pagalis ni Gino, sobrang mahal niya kasi yung lalaking yun.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...