Lei POV *
Kinakabahan talaga ako .
Nandito ako sa labas ng condo ni Zake.
Gusto ko nang buksan yung pinto kaso mas lamang yung kaba ko.
Pero kailangan mong gawin to Lei para sa Ekonomiya ng pilipinas.
Hinga ng malalim.
Hayyyss..
Binuksan ko na yung pinto at nakita ko siyang nakaupo sa sofa.
Yumoko ako para hindi niya makita yung muka ko.
Naglakad na ako ng hindi tumitingin sa kanya.
Dumaan ako sa harap niya na akala ko papansinin niya ako pero hindi.
Nagtuloy nalang ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit at damit ko.
At nilagay ko na sa maleta ko.
Bago ako umalis sa kwarto na to umupo muna ako sa kama at pinagmasdan mabuti ang paligid.
Hindi na ako dito titira pwede nang magdala ng babar dito si Zake.
At lalong lalo na pwede na siyang magkagirlfriend ng totoo.
Hindi fake.
Yung totoo na.
Napaluha na lang ako dahil sa mga naiisip ko.
"Tama na Lei ubos na yung luha mo o."
Alam ko naman kasing casanova si Zake pero minahal ko parin.
Alam ko namang kasing maraming babae si Zake pero minahal ko parin.
Kaya hindi kasalan ni Zake to.
Ako yung dapat sisihin.
Sorry Zake.
Lumabas na ako ng kwarto at pagkalabas ko meron ng alak sa lamesa.
Pero nandoon parin siya sa sofa.
Wala Talaga siyang pake kahit na umalis ako.
Naglakad na ako kaya napatingin siya sa gawi ko.
Tumungin siya muna sa muka ko bago sa mga dala ko.
"Aalis ka? ".
Nagulat ako sa boses niya bakit parang galing sa iyak.
At ang lamig ng tingin niya sakin.Gininaw ako mga ka readers
"Ah.O-oo kasi nakakahiya na sayo marami ka ng naitulong sakin. Saka sila tita. Salamat din kasi Kahit sa konting sandali lang nakasama kita nakilala kita at minahal kita. "
Halos naging pabulong nalang yung huling sinabi ko sa kanya.
Tumingin ako sa kanya pero ganon parin yung tingin niya sakin kaya umiwas ako ng tingin.
"S-sige mauna n-na ko."
Maglalakad na sana ako at bubuksan na ang pinto kaso bigla siyang nagsalita.
"Pati ba naman ikaw iiwan ako. "
Garalgal yung boses niya nung sinabi niya yun.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...