Lei POV.
Nauna akong magising kay Zake at heto ako ngayon nakangiting nakatitig sa kanya habang tulog, hindi ko maiwasang mapangiti kapag naalala ko ang mga nangyare kagabi,Maygudnes!kahit ilang ulit ko nang nakita ang katawan ni Zake na hubo't hubad pero hindi padin ako nagsasawang pagmasdan yun kahit madilim.
Napakagwapo niya habang natutulog kaya naman hindi ko maiwasang haplosin ang mukha niya at hawakan ang mga labi niya na daig pa ang labi ko sa sobrang pula.
Hindi ko hahayaang magpakasal siya kay demonyitang Cheska na yun,kung kailangan kong magmakaawa kay Cheska at sa papa nito gagawin ko, wag lang umabot sa punto na mas pipilin ni Zake na iwan ako.Mamatay talaga ako kapag nangyare yun.
Naramdaman kong gumalaw siya at iminulat ang isang mata.
"Babe?..ang aga mo namang gumising"sabi niya sabay tingin sa alarm clock na nasa sidetable"5:46 palang pero gising kana..hindi ka ba napagod kagabi?"sabi niya pero nginitian ko lamang siya at inihiga ang ulo ko sa malapad niyang dibdib.
"Napagod..gusto ko lang na maunang gumising sayo para makita yung mukha mo..saka balak ko sanang ipagluto ka pero naalala ko na hindi pala ako marunong magluto"sabi ko habang hinahaplos ang dibdib niya.
Narinig ko siyang mahinang natawa kaya napatingin ako sa kanya"Sorry..siguradong gutom kana dahil hindi ka nakakain kagabi,.. Don't worry babe..ipagluluto kita ng pinaka the best breakfast in the Universe"sabi niya sabay tayo sakin, aangal pa sana ako dahil pagod pa ang katawan ko ngunit umangat na ang katawan ko dahilan para mapatili ako sa gulat.
Sinamaan ko ng tingin si Zake"What?..binuhat kita dahil alam kong pagod ka pa,..let's shower together para makatipid tayo sa tubig sabi niya sabay lakad papuntang banyo. Hindi na ako umangal dahil wala naman akong magagawa..si Zake kaya to tatanggi pa ba ako.?
NAKAUPO ako dito sa kusina habang pinapanood na magluto si Zake, nakatalikod siya kaya kita ko ang malapad niyang likod na nakaharap sakin, Yes,nakahalf naked siya, at sa t'wing haharap siya sakin ay nagiiwas ako ng tingin.
"Ano ba yang niluluto mo?"tanong sa kanya,Seryoso siya kapag nagluluto siya.
Humarap siya sakin saglit pero nagbalik din sa ginagawa niya"It's usually breakfast in the morning..bacon and eggs but I put some twist".
Tignan mo! kapag ako nagluluto ng ganyan sa bahay prito ko lang ayos na. Tapos siya patwist-twist pa.
Hindi na ako nagsalita at hinintay ko nalang na matapos siyang magluto ng pagkain,Hindi kami papasok ngayon ni Zake, bukas nalang daw kasi may pupuntahan daw kami hindi ko naman alam kong san kami pupunta.
Saglit pa ay natapos din siya sa magluluto.
"There you go..kain na maaga pa pasok natin"Utos niya sakin na agad ko namang sinunod siya naman ay sumandok nadin ng pagkain.
Mabilis kaming natapos sa pagkain kaya maaga kaming nakapasok sa School.Kakapasok palang namin ay sumalubong agad samin ang pagmumuka ni Cheska. Nakataas ang kilay nito at nakatupi ang dalawang kamay sa dibdib.
Balak sana namin siyang iwasan ngunit nakaharang siya sa pinto ng room namin.
Siguro ay hindi na nakapagtimpi si Zake at kinausap na niya ito."Talaga bang wala kang magawa Cheska?I told you to stop thi--"Hindi na naituloy ni Zake ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Cheska.
"I don't want to stop!Zake,nagsisimula palang ang laro..and I'll make sure na ako ang mananalo at hindi yang malandi mong girlfriend"Sabi niya at mahinang tumawa at tumalikod na samin at nagtungo sa upuan niya.
Malalim na napahinga si Zake at humarap sakin hawak ang isa kong kamay."babe, don't listen to her..kung may malandi sa inyong dalawa siya yun,kakausapin ko siya mamaya dahil tinawag ka niyang ganon"Halata sa boses niya ang galit.
Hinawakan ko ang pisnge niya"Wag na..hindi naman totoo ang mga sinabi niya e',saka hindi naman ako magpapatalo sa kanya"Saka ako ngumiti.
MAGKASAMA kami ni Ella ngayon dito sa court nakaupo kami dahil may practice sina Zake at Gino.
Dahil ata sa kaiinom ng juice ay naiihi tuloy ako.Nagpaalam ako kay Ella na iihi lang."Beshy, cr lang ako..kapag hinanap ako ni Zake sabihin mo nasa cr lang"Tumango naman siya bilang sagot.
Nandito na ako sa Cr at naghuhugas ng kamay ng biglang may pumasok. Nilingon ko kung sino yun at nakita ang isang demonyita... si Cheska.
Ngumiti siya na para bang tuwang tuwa siya na makita ako dito.
"Well.well. well, nandito pala ang makating higad"sabi niya sabay taas ng kilay.
Wala ako sa mood makipagaway ngayon. Kaya nilagpasan ko siya pero bigla niyang hinigit ang braso ko pabalik.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako..ayaw ko nang gulo kaya bitiw!"Sabi ko sabay hila uli nang kamay ko pero mahigpit ang hawak niya dito.
"Hindi kita hahayaang makaalis dito na walang galos at pasa..hindi ko hahayaang bumalik ka kay Zake!akala mo ba mahal ka talaga ng fiance' ko? Doon ka nagkakamali dahil hindi ka niya mahal!dahil ako lang ang nagiisang babaeng mahal niya at makakasama habang buhay!..E-enjoy mo na ang panahon na kapiling mo pa siya dahil konting panahon nalang yun at magsasama na kami ni Zake sa iisang bubong at bubuo ng sariling pami---"Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinadapo ko na ang isang kamay sa pisnge niya.
"Hindi mangyayare yang mga sinasabi mo Cheska dahil mahal ako ni Zake..nagkakaganyan ka lang kasi hindi ikaw ang mahal niya..wag mong ipagmalaki na fiance'ka niya dahil pangalan lang naman niya ang magiging sayo pero kahit kailan hinding-hindi ka niya mamahalin!"
Hinigit kong muli ang braso ko na hawak niya at tinalikuran siya ngunit bago ako makalabas ng pinto ay muli siyang nagsalita.
"Sana hindi ka umiyak,Kawawa ka naman kung sakaling iwan ka na ni Zake at sumama sakin"
Kinabahan ako sa sinabi niya pero hindi ko na inisio yun at nagtungo na sa court para puntahan sina Zake.
♥
BINABASA MO ANG
HEARTACHE (COMPLETE)
Teen FictionSabi nila kapag mahal ka daw ng Isang tao at mahal morin daw siya, ibig sabihin kayo na yung Forever mag sasama. Oo naniniwala naman ako doon pero Magtatagal kaya yung relasyon namin kahit isa lamang itong deal? Aksedente lang kaming nagkakilala...