Simula

7.8K 268 89
                                    

Simula


"What is the longest word in dictionary?" I asked Dion. Nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa malayo.

Ilang oras ko na siyang tinuturuan pero parang hangin lang ako sa kanya.
Kumuha ako ng cookies na nasa harap niya at kinain ito.

Muling bumaling ang tingin ko sa kanya nang bumulong siya sa kawalan.

"Deon, I'm talking to you!" medyo may kataasan na ang tono ng boses ko. Umupo ako sa harap kung saan siya nakatingin.

"You'll still get your payments kahit di mo ako turuan," he hissed. Inirapan ko na siya at pinilit na iharap ang mukha niya sa'kin. I cupped his chin as my eyes widened.

"What. is. the. longest. word. in. dictionary?" diin ko. He sighed.

"Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis," dire-diretso niyang saad. Napaawang ang bibig ko sa mangha at nagslow-clap pa ako.

I was amazed by the skill of this child. He needed a tutor but not on any academic subjects—simply values, values that a parent should teach. This generation has given changes to our culture, indeed. Why do values doesn't have value anymore?

He is thirteen years old and in grade five, sa private school siya nag-aaral at ayon sa parents niya pera ang katapat ng grades ng batang ito at hindi ang natututunan niya. Well, nakikita naman sa pag-uugali niya kung ano nga ba ang natutunan niya sa school and I think mas kinakailangan ako ngayon ng batang ito.

"Are you satisfied now?" aniya.

"Well, kinda impressed but that's just a warm up," pinagtaasan ko siya ng kilay. Nagkibit balikat lang siya at inikot ang office chair kung saan siya nakaupo nang hindi kami magkaharap.

"Nonsense," bulong lang iyon pero parang sinadya niya pa ding marinig ko.

"Alam mo, napakasuplado mo talaga, ang bata-bata mo pa pero 'yang kulubot sa noo mo hindi na mabilang."

Magdadalawang buwan na simula ng maging tutor ako ni Gideon, sabi ng mga magulang niya ay puro lang siya gadgets at wala namang magandang maidudulot sa kanya kaya hinire nila ako.

At first, I was not used to it pero habang patagal nang patagal ay nasasanay na din ako. I looked for jobs para sa pangtustos ng pangaraw-araw namin ng kapatid ko. My parents were gone and I am the only one who's capable of doing jobs, ten years old pa lang si Yna at hindi ko hahayaang masira ang future naming dalawa.


Gaya ng weekly routine ko, from tutor to being ate and now a cashier and crew of a famous fast food chain. Lahat iyan ay tinatrabaho ko. Three times a week lang kasi ang tutorial namin ni Dion at hindi sapat ang kinikita sa trabahong iyon kaya kinakailangang maghanap pa ng isang part time job.

"Good Afternoon maam, sir, welcome to Mcdonalds!" malugod ko silang nginitian. Ngumiti din sila sa'kin saka tumingala para tignan ang menu.

Tinuro pa ng babae ang nasa may bandang kanang menu. May binulong ito sa kasama niyang lalaki na sa tingin ko ay boyfriend niya saka sila umorder.


"Ferrer, tawag ka ni sir," bulong ng isa kong co-cashier sa kalagitnaan ng pagoorder sa kanya ng costumer.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon