Kabanata 29:
I love you
Gumising ako na para bang binibiyak ang ulo. Napadaing ako habang unti-unting minumulat ang mga mata. Ang sinag ng araw mula sa bintana ang aking natanaw sa kahoy na dingding.Nang tuluyan akong makaupo sa hinihigaan ay hinarangan ko ang mga mata upang hindi tumama sa init ng araw. Naaaninaw ko ang kulay berdeng paligid sa labas at malamig na simoy ng hangin ng umaga. May mga humuhuning ibon at dumadapo pang ilan sa bintanang pinoprotektahan ng puting kurtina.
"Nasaan ako?"
Sa pagkakaalam ko ay kasama ko lang si Alejandro kahapon.. at uminom ako!
"Ow shit!" Tinampal ko ang noo at kinuyom ang kamay. Ano na naman ba itong nagawa ko?
Naagaw ng pansin ko ang tunog ng tilamsik ng mantika sa kabilang bahagi ng silid. Hinilot ko ang sentido bago tuluyang dumalo roon.
Nabuhay ang aking diwa nang madatnan si Madame Veronica na seryosong nagpiprito ng tuyo. Nang magtama ang paningin namin ay pinamaywangan niya lang ako.
"Magandang umaga po, Madame." Yumuko ako, tamad niya lang akong binalingan.
"K-kwarto niyo po ba ito, Madame?" tanong ko.
"Siyang tunay," tipid nitong sagot.
"B-bakit po ako nandito? Umm.. Nag.. naglasing po ba ako kagabi? Sino po ang nagdala sa akin? Hayaan niyo po akong magpaliwang" Nagdadalawang isip pa ako.
"Kumain ka muna upang maalimpungatan ang iyong isipan, hindi mo ba naalala?"
"Hindi po, e." I shook my head.
Inihain ni Madame ang mainit na sabaw at maalat-alat na tuyo. Mabilis akong natapos sa pagkain kaya't nagawa ng bumuti ng aking pakiramdam.
"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?"
Marahan akong tumango bilang sagot.
"Ano po bang nangyari kagabi?" Bumaling ako kay Madame na nakahalukipkip at hinihilot ang ilong.
Kumawala siya ng hininga. "Nalasing ka." Bumaling siya sa'kin nang nakakunot ang mga noo.
"Alam mo ba talaga ang pinapasok mo, Amara? Alam mo ba talaga ang tungkulin mo rito? O marahil ay may iba kang tungkulin dito?" Nagtaas siya ng kilay.
"P-po? Ano pong ibig niyong sabihin, ano po ba talagang nangyari, handa po akong magpaliwanag, basta po't ipaliwanag niyo rin sa akin ang nangyari."
"Nagdulot ka lang naman "uli" ng perwisyo, at hindi lang sa amin, sa magkapatid na Alonzo."
Magkapatid?!
"Ibig sabihin nalaman ni Irineo.." mahina kong bulong.
Hindi ko man lang siya nabati ganito pa ang nadulot ko sa kanya. Pero ano ang buong nangyari?
"Alam mo ba kung gaano kapusok at kadelikado ang iyong ginawa?!" Pinandilatan niya ako.
"Hindi gawain ng isang binibini ang magpakalasing, lalo na't sa harap ng isang ginoo, ako ang nahihiya para sa iyo! Lalo na't nalaman pa ito ni Señor Irineo, inasikaso ka pa niya sa araw ng kanyang kaarawan," inismiran niya ako.
"P-po?!"
Ugh! Hindi ko na nga siya sinipot sa kung saan kami dapat magkita ay nagawa ko pa ito. Wala na ba ako magagawang tama?!
"Amara, ano ba ang namamagitan sa inyo ng Señor?"
Nanlaki ang mata ko sa itinanong ni Madame at umupo pa siya sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...