Kabanata 4

2K 155 1
                                    

Kabanata 4:
Mahal na Araw

Tatlong araw na ang makalipas simula no'ng kaguluhan na dinulot namin ni Irineo pero wala akong narinig ni isang salita mula kina Ma'am Isabel at sir Fidel. Natatakot tuloy ako baka kinikimkim lang nila yung galit nila sa akin.

"Gusto ko na bumalik!"

Kanina pa akong umaga nakatulala dito kakaisip kung anong dahilan at hindi nila kinwestyon 'yong nangyari samin.

Kanina pa sila abala sa pag-aayos ng mga dekorasyon sa bawat sulok ng mansyon, samantalang ang iba ay abala sa pagluluto ng iba't ibang gulay na putahe. Ngumuso ako dahil sa pagkadismaya. Ngayon pa naman na nakakaramdam ako ng cravings sa  mga karne ay hindi na lang sila magluto ng bulalo, lechon, caldereta o iba pang putahe at 'wag lang puro gulay!

"Ate!" tawag ko sa isang matandang tutungo sana sa kusina bitbit ang isang bilao ng iba't ibang uri ng gulay at prutas.

"Pwede po bang lechon naman lutuin niyo? Medyo hinahanap po kasi siya ng dila ko ngayon," sabi ko sa pinakamaamong boses.

Napatalon ako nang biglang dumating si Ina mula sa labas ng bahay.

"Oh anak, kanina pa kita napagmamasdan dito sa sala, nahihilo na ata ang tubig sa iyong baso, masama ba ang iyong pakiramdam?" tanong niya.

"Ah okay naman-- este ayos lang po ako, wala akong lagnat," sagot ko habang nakalapat ang kamay sa noo at nakangiting aso.

"At saka anak, mahal na araw ngayon! Hindi natin maaring suwayin ang tradisyon!" aniya sa mataas na tono ngunit may halo pa ring kahinahunan.

"Magvi-visita iglesia tayo mamaya, huh? Kaunting sakripisyo lamang ito gayong nagsakripisyo rin si Hesus para sa atin."

"Susann.. Susan" tawag ni Ina kay Susan na abala sa pagpapalit ng damit ng Santo Nino. Mabilis namang lumapit si Susan nang nakangiti.

"Pinapatawag niyo ho ako Señora? Ano po ang maipaglilingkod ko?" magalang at masigla niyang tugon. 

Nagngitian lang silang dalawa at saka naman umalis na si Ina.Naningkit ang mata ko. Nagkakaintindihan sila sa tinginan lang? 

Di ko naman na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagmumuni. Sana kung anuman binabalak ng dalawang 'to ay di ako damay doon.

Paano kung babayaran ko na lahat ng kaguluhang dinulot ko sa pamilyang 'to? Sa unang araw ko pa lang rito ay nakagawa na ako ng isyu! Paano kung ipapain na ako?! Ayoko pa mamatay! Naghihisterya ang aking sistema. Napatayo ako sa kinauupuan at ang hawak kong baso ay tinutok ko kay Susan.

"Hoy! Susan kung anuman ang binabalak mo huwag mo ng ituloy kung hindi.." pagbabanta ko.

"Se-Senyorita, wala po akong balak na masama sa inyo.."

Mahinaho niyang kinukuha sa 'kin ang baso saka ito tahimik na inilapag sa lamesa. Pinagmasdan ko lamang siyang ginawa iyon habang nasa ere pa rin ang aking kamay.

Narinig kong nagbulong-bulungan ang mga katulong sa kusina kaya matalim ko silang tinignan. Kahit pala sa panahong 'to uso na ang mga tsismosa.

"Anong balak mo sakin ha? Huwag niyo kong ipapatay please! Pagbabayaran ko naman lahat ng nagawa ko sa pamilyang 'to huwag niyo lang ako ipapatay?"

"Ano pong sinasabi niyo senyorita? Susundin ko lang po ang utos ng iyong ina, sumunod po kayo sakin."

"Ano ba kasing gagawin na'tin?"

Napatakip ako ng bibig dahil sa ideyang pumasok sa aking isipan. Paano kung isasakripisyo nila ako at ako ang gagawa ng penetisyon? Oh my gosh! Sayang ang makinis na balat ni Amara! 

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon