Kabanata 9

1.3K 67 23
                                    

Kabanata 9:
Mahal

"Ma-magandang araw!" salubong ni Ate Criselda at niyakap ako ng mahigpit. Napaubo naman ako sa ginawa niya.

"Paumanhin" saka ito humagikhik habang inaayos ang buhok ko. Ngumisi na lang ako at pinagmasdan siya. She's an angel!

"Hindi ko akalaing dalaga ka na nga, kung aalalahanin ay para bang noong nakaraan lamang ay umiiyak ka pa dahil inaagaw ni Irineo ang paborito mong laso ngunit ngayon ay mag-iisang dibdib na kayo, hindi ka man lang nagkuwento sa'kin, hindi sana'y tinulungan lamang kita sa tuwing magkikita kayo" kuwento nito.

Is Irineo my first boyfriend, I mean Amara's? Omg! Am I really accepting him as one? For real? The memory of myself being such a flirt just flashed. I just remembered when I first entered a relationship, I was just fifteen years old back then, that was too immature but I'm crazy with the guy as hell. Pinasok pa kami ng mga kaibigan namin sa marriage booth at doon nagkasal-kasalan. I wonder where is he right now.

Biglang nagsink-in sa akin ang sinabi ni Ate. Kumunot ang noo ko. Bata pa lang kami ay magkakilala na kami ni Irineo?

"Magkababata kami?" tanong ko.

"Oo naman, matagal ng magkaibigan si Ama at Don Mariano, kaya't hinahayaan lang namin kayong magkasama dahil matalik naman kayong magkaibigan, tila hindi mo na ata naaalala huh?"

Tumango-tango ako at muling umiling. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Sa trato niya sa akin  parang noong nakaraan lang talaga kami nagkakilala e.

"Mabuti pa't ayusan na kita at marahil ay bisitahin ka na ng iyong nobyo" nalaglag ang panga ko.

"A-ano? Wala naman siyang sinabi. Tsaka nobyo agad? Akala ko ba sa panahon na 'to uso ang panliligaw?" sunod-sunod kong tanong pero patuloy niya akong tinutulak papalapit sa human-sized na salamin dito sa kwarto.

"Sa nakita namin sa inyo sa Angeles ay hindi pa ba kayo magnobyo? Alam mo dapat ay matuto ka ng mag-ayos simula ngayon sapagkat may nobyo ka na" ngumuso na lang ako saka siya nagsimulang i-bun ang buhok ko, may iniwan pa siyang kaunting hibla sa gilid. Mas lalo tuloy umaliwalas ang mukha ko.

Kinailangan kong kumbinsihin si Irineo na tumutol sa kasal namin. Kaya't ginagawa ko ang lahat sa tuwing nag-uusap kami. Sa huling pag-uusap pa namin ay nabigo ako.

"Bakit ba ayaw mong kumbinsihin ang tatay mo? Hindi ka ba niya pinapayagan na magkagusto sa iba?" reklamo ko.

Inismiran niya lang ako saka nagpatuloy sa paghila kay Whity.

"Parang awa mo na, gusto ko ng makalaya, ang ibig kong sabihin, ni hindi pa nga tayo nagtatagal na nagsasama e!"

Pinalo ko siya sa kanyang braso.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at parang balewala lang ang ginawa ko. Dahil sa iritado ako at hindi niya pinapaansin ay wala na akong maisip na gawin.

"Whity! Ako ang nagpangalan sa'yo, dapat sa akin ka sumunod!"

Hinila ko ang lubid sa leeg ni Whity dahilan para mag-ingay at magwala ito.

"Maghurosdili ka Whity."

Hinawakan ni Irineo ang kamay kong nakahawak sa lubid dahilan para makaramdam ako ng kuryenteng dumaloy rito. Agad kong binawi ang kamay ko kaya't kumalma na si Whity.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon