Maraming Salamat sa mga nakaabot dito, alam kong hindi ganoon kagandahan at cliche talaga ang aking akda ngunit mayroon pa ring nagpatuloy. Sobrang salamat talaga! Ito ang huling kabanata ng Waves of Time, more tears to wipe! More love to spread! Happy Reading!
Kabanata 50:
AlonHabang naglalakad sa gitna ng mga panauhin ay hindi ko maiwasang mag-isip ng maaaring maging kinabukasan ko, magkakaanak ba kami, magiging masaya ba ako, pero ang tanong sa ngayon, may bukas pa ba? May kinabukasan pa ba ako?
Pero kung oo, mabilis naman ang oras, darating rin ang araw na gigising akong si Eugenio na ang hahanap-hanapin ko, labi niya ang dadampi ng mga halik sa aking labi, darating ang oras na siya na ang mamahalin ko, na makakalimutan ko na ang nakaraan at bubuo kami ng sarili naming pamilya, magiging masaya ako para sa akin, kay Eugenio at kay Irineo.
Si Eugenio ay lakad-takbong lumalapit sa amin, iniabot ang kamay ko na malugod ko namang tinanggap. Malapad at sinserong ngiti ang ibinibigay niya sa akin.
Bago ako tuluyang bitawan ni Ate ay hinalikan niya ako sa noo at binulungan.
"Maligayang pagpapakasal, kapatid ko."
Bumaling muli ako kay Eugenio. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko habang ngumingiti. Namamasdan ko ang mga luha sa gilid ng kanyang mata at mamapait na ngiti.
"Salamat at dumalo ka.." bulong niya sa akin na sinuklian ko lang ng ngiti.
Ngayon marahil ang huling araw ng buhay ko at ito rin ang pinakamasaya kahit alam kong may kulang, kahit papaano ay kumpleto ang pamilya ko at pamilya ni Eugenio, nagagalak sila para sa akin.
Nakayuko ako habang naglalakad kami patungo sa harap ng altar kung nasaan ang pari. We stopped midstep when we were already in front of the people.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ilang segundong tumitig sa mga mata ko at muling ngumiti, sinuklian ko na naman iyon.
"Amara, napakaganda mo ngayon, hindi ka daoat malungkot sa araw ng kasal mo, sa pinakaespesyal na raw para sa'yo.. Salamat, karapat-dapat kang maging masaya.. kahit sa huling hininga ng buhay mo.."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eugenio. Umawang ang bibig ko nang bitiwan niya ang kamay ko.
Nang umalis si Eugenio ay napalitan naman ang pwesto niya ng taong nasa harap kong sumisigaw ng awtorisasyon. His dark lidded eyes are looking at me but for now without harm, without vigor, it's just love and care I felt.
Nanlumo ang tuhod ko. Kumurap-ako at nagugulumihan.
Hindi magkamayaw na saya at hindi mapaliwanag na pakiramdam ang naghalo-halo sa puso ko nang makita ang imahe ng taong pinapangarap ko na dapat ay nandito.
Ngayon, nasa harap ko siya, malapad na ngiti ang sinasalubong sa akin pero may bahid ito ng kalungkutan.
He's wearing a tuxedo, different from others to make him more look stunning. His face was more clear because of his clean cut, siya ang pinakagawapong ginoo sa mata ko.
Nilingon ko ang mga nasa likuran namin, doon ko lang napagtantong naroroon rin ang pamilya ni Irineo. To-too ba ito?
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...