Kabanata 41:
Mansyon
Hindi lang parte ang gumuho sa'kin habang iba't ibang ideya o konklusyon ang ginagawa ko sa utak kaya't napapaawang ang bibig ko."Akala ko ba sa linggo pa ang alis mo?" tanong ni Eugenio na nakasandal sa gilid ng pinto at nakahalukipkip ang braso.
"Kailangan ko na kasi 'e, m-may problema lang." Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha, kinakagat ko ang labi dahil nanginginig ito.
Binalot ko ng belo ang mukha. Inalalayan naman ako ni Eugenio sa pagsakay ng karwahe nila.
Nagpapakatatag pa rin ako hanggang sa makaabot ako sa naiwan kong Casa, kung saan nagsimula uli kami, kung saan natapos rin ang lahat ng problema.
The wrecks are now occupied. Ang mga nasira dahil sa nangyaring himagsikan ay maayos na, mas lalo pa ngang napalitan ng mas magagarang marmol ang paligid.
Tumawid ako sa tulay, dahil sa kabisado ko na ang pasikot-sikot rito, nang hindi nalalaman ng kahit na sino ay dumiretso na ako sa opisina ni Irineo. Walang katao-tao sa paligid kumpara dati, nabawasan na rin ang ilang mga kagamitan nila.
Bumuntong hininga ako at pinalis ang luha. Hindi pa man ako tuluyang nakakakatok ay may sumitsit na sa akin mula sa kung saan, nilingon ko kung saang direksyon iyon.
Si Evelyn na nanlalaki ang mata, dinaluhan niya ako at hinila patungo sa isang sulok.
"Anong ginagawa mo rito, Amara? Paano ka nakapasok?" Nagngiting-aso lang ako sa kanya.
Mukhang papaalis siya o kung ano, may mga dala-dala siyang bayong at bihis na bihis.
"Hindi na mahalaga iyon, nasaan si Irineo? bakit ang tahimik na ng lugar na ito?"
Umiling siya at inilibot ang mata sa paligid, parang may kinukumpirmang kung ano.
"Nabili na ng mga amerikano ang Casa Alonzo, isang buwan na ang nakalilipas, sina Señor Alejandro at Señor Irineo.. nagtungo na sila sa Europa, wala na akong balita simula noon sapagkat pinutol na nila lahat ng kanilang koneksyon dito sa Pilipinas."
Nanginig ang tuhod ko, halos matumba ako sa kinatatayuan ko pero mabuti na lang at nasalo ako ni Evelyn.
"H-huh? Paanong– umalis? Rowena! Huwag mo akong niloloko, ikakasal na kami!" Naghihisterya ako.
Hindi na ako uli nakapagsalita, hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng poot at kabiguan dahil.. bakit? Bakit hindi man lang siya nagpaalam?
Inaalalayan ako ni Evelyn pababa para hindi kami makita ng ilang gwardya sibil.Tulala ako at wala sa ulirat, parang hindi totoo ang nangyayari.
I thought everything would end in a happy ending. Bakit? I was ghosted? How funny. Uso pala iyon sa panahong ito?
Hinihilamos ko sa mukha nang tuluyan na akong makasakay sa karwahe pabalik sa Tondo. Paulit-ulit kong sinasampal ang sarili, paulit-ulit kong pinagtatagpi-tagpi ang lahat pero wala akong maintindihan!
"Totoo bang umalis na si Kuya Irineo? Hindi siya nagsabi sa iyo?"
Iyan ang paulit-ulit na tanong ng mga tao rito sa bahay. Hindi ko masagot dahil pati ako ay hindi pa rin matanggap at wala akong balak tanggapin iyon.
Is he hurt? Iyon ba ang dahilan ng pag-alis niya? I smirked. How narrow-minded, ilang beses ko bang isasampal sa kanya ang katotohanan na siya lang ang gusto ko at mamahalin ko!
"Uminom ka na muna ng kape, Amara. Masyado mong iniisip ang problema mo.." malamig na sabi ni Eugenio habang pinagmamasdan ako.
Pinagmasdan ko ang kape ko na ngayon ay wala ng usok, halatang malamig na. Tahimik akong sumimsim at saka binagsak uli ang balikat.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...