Kabanata 7:
Kiss, Kill, Marry
Naging mabagal ang mga araw na lumipas simula nang umuwi ako sa mansyon. Hindi kami nagkikita ni Susan, limitado ang aking kilos dahil isa akong so-called señorita rito. Which is I don't really like. Pakiramdam ko tuloy ay under quarantine ako, ang malala pa ay walang teknolohiyang nabubuhay!Gumulong ako sa kama habang niyayakap ang puti unan.
Hindi man ako dinadalaw ng antok ay pinilit kong ipikit ang mga mata kasabay nito ang pagdapo ng alaala sa utak ko.
"Ano.. iyong, ka-krash?" si Irineo habang nakadungaw sa bintana.
Kanina pa siya palingon-lingon sa akin na para bang may gustong sabihin at ito pala iyon!
"Huh? Wa-wala iyon, huwag mo ng isipin" umiling ako habang pinagtatagis ang ngipin.
"Salamat nga pala, sa pagsama sa akin, naabala ka pa tuloy" nahihiya kong sabi.
Bumagsak ang tingin ko sa humihilik na si Susan, nakahilig ito sa backrest ng upuan at mahimbing na natutulog.
"Huwag mong isiping tulong ko ito sa'yo, naaawa lamang ako sa bata" malamig niyang tugon at saka humilig rin sa kinauupuan. Ngumuso ako at tumango.
"Sus, malambot ka rin naman talaga," bulong ko pero napalakas ata.
"Ano?" half-open ang kanyang mata.
"Ang ibig kong sabihin, malambot ka naman kasi talaga, nagmamatigas ka lang" sumbat ko.
"Tss.." he hissed. Umawang ang bibig ko dahil sa mangha. Aba! Uso na pala ang mga tss-tss ngayon ah, o baka sa supladong ito lang ito nagmula?
Humagikhik ako kaya't kumunot ang noo niya.
Iyon ang naging huli naming pag-uusap. Tatlong araw na ang nakalipas simula no'n. Inunat ko ang katawan saka ko napag-isipang tumayo na at maglakad-lakad na lang sa labas.
Hindi pa ako nakakababa ay sumalubong na sa akin si Ina. Ang ilang katulong na nasa magkabila niyang gilid ay may dala-dalang pares ng Filipiñana.
"Tinanghali ka na yata ng bangon, hindi ka pa nag-aalmusal" aniya.
"Magandang umaga po, Ina" nginitian ko sila saka lalagpasan sana ang mga ito.
"Sandali lamang, mamili ka ng iyong susuotin rito" nilahad ng mga katulong ang kanilang dinadala.
"Ito po" tinuro ko ang gold and white, at may panyolito sa balikat nito.
"Dalhin mo iyan sa kwarto niya" utos ni Ina at sumunod doon ang katulong na may hawak ng damit. Naiwan kaming dalawa ni Ina.
"Para saan po?"
"Mayroon tayong pupuntahang pagsasalo mamaya, sa Casa ng mga Arastia, kararating lamang kasi ni Padre Vicente mula sa Espanya at matalik itong kaibigan ng iyong ama"
Lumapit ito sa akin at hinaplos ang aking buhok saka sinalod ang aking magkabilang pisngi gamit ang kanyang palad.
"Anak tungkol nga pala sa pagdala mo ng bisita noong nakaraan, pinalagpas ko iyon dahil kasama mo ang anak ni Don Mariano, ayaw kong mapahiya ka" kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Anak, sa susunod ay huwag ka ng magdadala dito ng.. dukha" umawang ang bibig ko nang makita ang nandidiri niyang ekspresyon.
"Ano po?" nagtataka pa rin ako.
"Anak, ang mga maharlika, mayayaman lamang ang dapat na nakakaapak sa mansyon natin, mabuti na lang at wala ang iyong ama nang dalhin mo ang bata rito, marahil ay uminit na naman ang ulo niya sa'yo"
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...