Kabanata 39:
Payag"A-amara..babalikan kita." Naghihingalo na siya dahil sa mga natamong sugat.
Bago pa man maabot ni Irineo ang kamay ko ay sunod-sunod na putok ang tumama sa kanya mula sa mga gwardya sibil.
Nakaawang ang bibig niya at pilit pa ring iniaabot ang kamay ko, hanggang sa tuluyan na siyang makapikit at bumagsak.
Ang mga dugo ng mga kasamahan ko ay nagkalat sa paligid. Hawak ko ang kamay ng namumutlang katawan ni Irineo. Si Ama, Ina, Ate Criselda, Anselmo, ang mga kaibigan ko, si Madame Veronica, Alejandro, Ybañez at Irineo. Halos lahat sila dilat ang mga mata at halatang nahimlay nang may pighati.
Nanginginig ang kamay kong hinahawakan sila isa-isa. May isinisigaw ako pero hindi ko marinig ang sarili kong boses. Humahagulgol ako at nagsusumamo pero ni hikbi ay walang nakakarinig.
Ang labo ng paligid at wala akong maramdaman. May dalawang lalaking naglalahad ng kanilang kamay, hindi ko maaninag kung sino dahil sa unti-unting nahuhulog ang talukap ko. Bago ko rin maabot ang kamay ng isa sa kanila ay isang talim ng itak ang naramdaman ko sa aking likuran at tuluyang bumagsak kasama ang mga bangkay.
"Irineo!" Napaupo ako mula sa pagkakahiga.
Hinahabol ang hininga habang nag-aangat baba ang dibdib. Napahawak ako sa dibdib kong halos walang pagitan ang pagtibok at kumikirot na hindi kagaya ng dati.
"Ayos ka lang Ate Amara?" tanong ni Eugenio na nakaupo sa upuan sa tabi ng katreng hinihigaan ko.
“Eugenio! Bakit nandito ako? Ang mga kasamahan ko? Buhay sila hindi ba?” Hindi totoo ang nasa panaginip ko hindi ba?
“Buhay si Irineo ‘di ba? Ang ibang kasamahan namin?” Nagsisimula na naman akong humagugol.
Lumapit sa akin si Eugenio at tinahan. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at dinama ito nang ilang sandal bago buksan ang pinto at tinawag ang kung sino.
Bahagya akong natakot at humalukipkip nang malaman kung sino ang tinawag niya.
Si Jenarez Santiago!
Umiling ako nang magtama ang paningin namin. Matalim niya akong tinitignan at halata ang pagkainis sa presensya ko.
“May nararamdaman ka ba lagi sa iyong ulo? Masakit na parang pinipilipit?” May pinagmamasdan siyang kung ano sa papel na hawak habang tinatanong ako.
“Oo, madalas.” Hindi pa ba sasakit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari.
“Saan banda?” dagdag niya pa. Tinuro ko ang bahaging harap ng noo ko na hanggang ngayon ay namimilipit.
Kinuha niya ang kamay ko at inilapat ang dalawang daliri sa pulso ko. Isang minuto siyang nagtagal sa ginagawa.
“Normal ang tibok ng puso mo, pero sa kulay mo ngayon ay tila may kakaiba sa sirkulasyon ng iyong dugo.” Kinagat ko ang labi at tumango. Anong ibig niyang sabihin?
Nagkatinginan sila ni Eugenio bago umalis uli si Ginoong Jenarez.
“Anong ibig niyang sabihin sa inanunsyo niya?” Kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...