Kabanata 10:
Señorita
Nanlalaking mata ako nang yakapin ako ng lalaking nasa harap ko ngayon.
What the hell? Is he cheating? No. Are we cheating?Hindi ako nag-atubiling itulak siya nang hindi na ako makaisip ng iba pang paraan. Umawang ang bibig ko sa ginawa. Binigyan niya ako ng namumungay na mata na nagtatanong.
"Pa-pasensya na, hindi ko lang talaga.. Pasensya na," iyon na lang nasambit ko pagkatapos kong iwan siya doon na bigong-bigo.
Tumakbo ako sa gitna ng kakahuyan. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko sa di malamang dahilan, para bang may kakaiba sa parte ng puso ko na napupunit, na pinipilipit at kung ano ang dahilan, kung sino.
Nang nasa labas na ako ng kakahuyan ay nagawa ko ng makahinga ng maayos. Nagaangat-baba ang aking dibdib, hinahabol ang hininga.
Pinalis ko ang mga luha sa pisngi at saka kumawala ng hininga.
Naglakad ako patungong mansyon habang kinakalma ang sarili at iniisip kung ano ang nangyari. Parang isang pitik lang ng oras ang naganap.
Pinunasan ko ang luhang hindi naman dapat tumutulo. This is another person's problem and I shouldn't be the one who's minding this!
Nang makarating ako sa malaking pintuan ay nakahalf-open ito.
"Oh, Amara, mabuti at dumating ka na," salubong ni Ina.
Paglingon ko sa paligid ay pormal na naman ang mga Montenegro na para bang may inaabangang bisita.
"May bisita po ba?" tanong ko.
"Hindi ba kayo nagkasalubong ni Irineo sa daan?" Si Ate Criselda.
My brows raised showing a bit of confusion.
"Hindi po. Saan po ba siya nagpunta?" Nag-aalinlangan akong itanong iyon dahil sa takot akong marinig ang isasagot nila.
"Sa kakahuyan, ani Susan ay nagtungo ka raw doon kaya't sinundan ka niya"
Bumagsak ang aking balikat.
"H-huh?"
Nakita niya kaya kami? Bakit hindi pa rin siya bumabalik? Kanina pa ba siya nandito?
"Oh ayan na pala siya," anunsyo ni Ina kaya't agad akong lumingon sa likuran ko.
Agad na nagtama ang aming mga mata. At sa pagkakataong iyon kitang-kita ko kung gaano kalamig ang kanyang tingin sa akin. Di siya nag-atubiling nilihis ang mga mata saka bumaling sa pamilya ko.
Nanatiling nakaawang ang bibig ko dahil sa mga katanungang namumuo sa aking isipan.
"Paumanhin, Don Fidel, Donya Isabel, nais ko po munang tumuloy na," tipid siyang ngumiti rito.
Nang lingunin ko sila Ina ay nasikunutan ang kanilang mga noo.
"Bakit? May nangyari ba?" tanong ni Ina.
Parang may kung ano sa aking sistema nang bumaling muli sa akin si Irineo. Ang mabibigat niyang mga matang nakatitig sa akin ay para bang pinapasan ko.
"Opo, may nangyari."
Doon niya tinapos ang usapan at saka siya pormal na nagpaalam sa aking nga magulang.
Bakit? Bakit ganoon ang mga tingin niya? Bakit puno ng kabiguan? Bakit puno ng sakit at hinanakit? Nakita niya ba? Nakita niya kami ni Anselmo?
Kung ganoon, bakit? Bakit naman magiging gano'n ang mga tingin niya sa akin, na para bang bigung-bigo siya.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...