Kabanata 2

3K 190 30
                                    

Kabanata 2:
San Fernando

It's been three days and I'm telling you, this isn't a dream. I've been dumping my head hundred times but nothing happened. Kinukulong ang sarili sa loob ng kwarto upang wala na ding mag-abalang kumausap sa akin.

Ngunit ngayon na nabuburyo na ako paikot-ikot sa kwarto, walang internet, phone at kung ano mang maaring paglibangan. Napapabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa dahon na nahuhulog mula sa puno.

Ang lugar kung asan ako ngayon ay isang kumbento, kung saan nag-aaral ang mga babaeng interesadong maging madre. Every night, I never had a chance to take glance on the hallway, the dark and hulking hallway that would creep anyone out. Sino ba namang hindi mag-iisip na may multo rito sa ganito kapatay na kapaligiran?

I am now in front of a tall narra tree waiting for Italia. Well, she's quite nice to me, so maybe I should act as Amara for the mean time, she maybe tamed by the real one because she follows whatever I asked her to do. 

"Gusto ko ng bumalik."

Dahil sa lungkot na nararamdaman ko, di ko na namalayang napapaluha na pala ako, pinunasan ko rin naman agad.

Natigil naman ang pagmumuni-muni ko nang dumating na si Italia.

"Napagtanto kong ika'y nahihimasmasan na." Matatawa niyang sambit habang nakapalumbaba.

"Matagal naman na talaga akong nahimasmasan kayo lang yang nagmamatigas." Umirap na naman ako.


Nawala ang konsentrasyon ko sa pagtitig sa payong nang magsalita si Italia. "Napakasungit mo naman, ngunit nitong mga nakaraang araw ay tila ba nasasapian ka at may lumalabas na lamang sa iyong bibig na iba't ibang kataga."

"Huwag mo na lang tanungin dahil baka uminit pa uli ang ulo ko, okay?" I thumbs up.

"Ano to?" Sabay pakita sakin ng thumbs up niya, hesitante pa ito.

"Ang ibig sabihin niyan ay "okay." Ngumiti siya nang abot tenga at ginawa naman ito sa kabilang kamay

"Okeyy! hmm pero ano yung okey? " muli siyang ngumiti.

"Ibig sabihin no'n ay mabuti, okay?" natawa naman ako sa sariling ikinikilos.

Yna and her was kind of similar in terms of personality. Childish. But the way they smile will make you smile too. I wonder if she's as monstrous as her. Mas matanda ako kay Italia ngunit magkasingtangkad lang kami, hindi gaya ko, mas madilim ang kanyang kulay at mas depinado ang kulot sa mga buhok.

"Kung taong isang libot walong daan walumpu't siyam na ngayon e 'di panahon 'to kung kailan sinasakop tayo ng mga kastila?" sinimulan ko ang usapan, matamang tumango si Italia.

"Bale! Nabubuhay pa si Jose Rizal? Tapos si Aguinaldo, si Bonifacio tapos uso pa na mga pari ay nanggagahas--" 'di pa ako tapos magsalita ay tinakpan na ni Italia ang bibig ko. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Sshhh! sino iyang mga binabanggit mo at saka saan mo nahagilap ang balitang iyan, bawal magsalita ng masasama tungkol sa mga prayle lalo na't nasa kumbento tayo," bulong nito.

"So totoo ngang nanggagagahasa yung mga pa-" 'Di na naman ako tapos ang halos hininga ko na lang na sinasabi nang bigla na lang may dumating na sundalo kaya pinanlakihan ako ng mata ni Italia.

Hinila niya ako patungong loob ng kumbento at nang makarating kami ay mayroong handaang nagaganap. Maraming nakahain sa lamesa kaya't hindi ko na natago ang ngiti, ang bawat plato ay may kanya-kanyang nakahain na putahe.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon