Kabanata 25:
PalpakBumalik ako sa tahanan namin upang kumuha ng mga naiwang gamit. Kinuha ko ang papel na nagsasaad ng address kung saan ko maaring makita si Susan.
Sa puno kung saan sila nagkikita ni Ybañez.
Kumuha ako ng belo upang ibalot sa sarili. Sumakay ako sa pampasaherong karwahe na mukhang ang nakasakay rin dito ay patungo sa malayong lugar gaya ko. Habang nasa biyahe ay pinagtitinginan pa ako ng mga kasama ko. Siguro ay masyadong misteryoso kung magbebelo nga ako. Tinanggal ko ang belo at doon ko lang nasilayan ang mga kasama ko at isa doon si Eugenio!
"Eugenio!" nang tinawag ko siya ay agad niya akong sinalubong ng yakap.
"Ate! Nananabik po akong makita ka, hindi ko po akalaing dito tayo magkikita!" mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.Habang nasa kalagitnaan ng yakap ay mas nalinawan ako sa kung sino ang iba pa naming kasama. Ang pamilya ni Eugenio!
"Magandang araw po" nginitian ko ang tatay ni Eugenio saka ako nagmano rito.
"Si Ate ganda!" aniya ni Lucio, ang bunsong kapatid ni Eugenio. Humagikhik ako.
"Asan po kayo pupunta, Ate?" si Helena.
"Bakit po kayo nakasuot nito? May tinataguan ho ba kayo?" si Lucio.
"Napakaingay niyo naman Helena, Lucio, pero saan nga po ba?" si Eugenio. Tumawa ako sa kakulitan nila.
"Akala ko kasi ay ibang tao ang kasama ko rito, sa Binondo Manila ako tutungo, maghahanap ng trabaho" yumuko ako at humalukipkip.
"Trabaho?" nag-angat ako ng tingin ng marinig iyon mula kay Tatay Bernardo.
"opo" kinagat ko ang aking labi upang hindi na magsalita.
Akala ko ay hindi niya na ako kakausapin dahil dumungaw lang ito sa bintana ngunit muli itong bumaling sa akin.
"Bakit? Asan si Isabela? Totoo ba ang mga bali-balita ukol kay Don Fidel?" aniya na para bang may misteryong tinatago sa mga mata. Naningkit ang mga mata ko.
"Naghiwa-hiwalay po muna kami, sa ikabubuti po ng isa't isa at sa paghahanap ng hustisya" iyon na lamang ang nasabi ko. Tumango ito na para bang naiintindihan na ako.
Nilaro ko na lang ang mga bata sa kalagitnaan ng biyahe. Si Helena ay nanatili lamang nakaupo ngunit nakikipagtawanan sa amin, si Tatay Bernardo ay nakatulog na dahil siguro sa haba ng kanilang biniyahe.
"Saan kayo pupunta Eugenio? Bakit ang dami niyong dalang gamit?"
"Sa Maynila po, Ate, siguro ay sa aming pinsan na nagtatrabaho sa hotel de oriente"
"Bakit?"
"Nabili na po ng Cabeza ng aming baranggay ang lupain kung saan kami nakatira, marami po ang sinunog ang bahay gayon po upang hindi na kami masaktan ay naagapan na po naming umalis" aniya sa malungkot na tono.
"Ate babalik po ba kayo sa inyong mansyon?" inalog ko ang aking ulo bilang hindi.
"Ate.." lahat sila ay nagkumpulan sa aking harapan at nakapangalumbaba, mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod nilang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...