Kabanata 27

762 50 45
                                    

Kabanata 27:
Itlog

Time passed by like breezing waves. Sabi nila, kapag masaya ka, kapag may nilo-look forward ka sa future ay bibilis talaga ang oras. Hindi ko alam kung bakit ganito, siguro ay may mangyayaring maganda o nakakapanabik o marahil ay nangyari na.

Alas cinco pa lamang ay nagising na ako, ganito ako sa tuwing may inaasahang mangyari sa araw, kagaya ng ginagawa nina Susan, nagdadasal ako bago bumangon. Pinaglapat ko ang aking kamay at ipinikit ang mga mata.

Dinadasal na sana ay sa oras na dumating ang kasiyahan na inaantay ko ay bumagal ang alon ng oras, na sana ay hindi agad ito mawaksi ng mga alon at hayaan akong lunurin sa kailaliman ng kasiyahan.

Agad akong dumulog sa kusina at nagboluntaryong magluto ng almusal, nasa labas ito ng kwarto at yari ito sa nipa hut, dirty kitchen kumbaga. May natagpuan akong mga itlog na kasama ng mga prutas kaya't ito ang naisipan kong lutuin dahil ito lang naman ang available. Kumuha ako ng limang piraso nito at inilapag sa lamesa. 

Bigla na lang gumulong ang itlog na nilapag ko pero agad ko din naman itong binalik.

"Bwiset ka, kanino ba kayo galing mga  itlog kayo at ang likot-likot niyo?" pangaral ko sa mga itlog.

I don't really cook, kami ni Yna ay kumakain lang sa mga fast food para magkaroon ng laman ang kalamnan, minsan ay bumibili ako ng mga lutong ulam sa mga carinderia para sinaing na lang ang kulang.

But of course, marunong naman akong magluto, ang mahirap nga lang ay sa tradisyunal na paraan ko ito lulutuin, I'll just accept that as a challenge, para may thrill naman. Isinalang ko na ang kawali dahil sa nagliyab na ang apoy.

Hanggang sa namalayan kong nababalot na ang buong kusina ng usok, umuubo ako habang lumalapit sa gatungan.

Ngumiti ako dahil sa malakas na ang usok hudyat na dapat ay ilagay ko na ang mantika. Napapikit ako dahil sa hapdi ng mga mata ko, hindi ko namalayan na naparami pala ang buhos ko ng mantika.

"Oh my gosh!"

Nagpaikot-ikot ang paningin ko sa paligid, baka sakaling may mahanap na pampahina ng apoy, Oh my god! Naaabot na ang nipa hut! Natataranta na ako!

Nagbawas ako ng ilang panggatong kaya't muling humina ang apoy.

Dahan-dahan kong idinampi ang itlog sa kawali, kaya't nagkaroon ito ng maliit na crack. Naniningkit pa ang mga mata ko habang tinatantya na perpekto kong mabasag ito. Nang matagumpay ko itong nagawa ay agad akong kumuha ng sandok.

Dahil sa takot akong masunog ang itlog ay paulit-ulit ko itong nabaliktad. Ang resulta..

"Putangina, durog!"

Iginilid ko muna ang unang itlog na naprito ko sa may bandang kurba ng kawali, ganito kasi ang ginagawa ni Mommy noon sa tuwing may piniprito siya. May halong kulay dilaw at puti ang hitsura ng itlog, it looks like a cloud egg, not bad.

Hanggang sa paulit-ulit ko itong nagawa at umabot sa ikalimang itlog. Lahat sila, durog, ang pinakahuli, sunog. I face palmed. Nanlaki muli ang mata ko ng magkandababad ang mga iginilid kong itlog kasabay noon ang paglaki ng apoy. 

Kaunti na lang ay maabot na ang bubungan! Hindi ko na makuha ang panggatong dahil sa nilamon na ito ng apoy. Oh my god, I really hate fires! Dahil sa sobrang pagkabalisa ko ay kumuha na ako ng isang tabong tubig na nadatnan ko malapit sa mesa.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon