Kabanata 40

651 39 39
                                    

This story has been plagiarised by someone, buti na lang at hindi ko pa natatapos ang akdang ito, hindi niya nagaya ang lahat, she shuffled everything and modified it. Kahit ang description ko na "Dinala ako ng alon ng oras sa'yo pero tinangay niya rin ako palayo". Muntikan na akong mawalan ng gana dahil sa kanya, pero I still have you, I know your supporting me not to copy or modify my story kaya't magpapatuloy ako! I love you all!

Kabanata 40:

Teritoryo


It's been months since we last saw each other. He's not able to visit us because of his hectic schedule but he still find ways to communicate with me.

"May sulat para kay Ate Amara!" anunsyo ni Lucio habang iwinawagayway ang isang papel at inaalalayan si Helen.

Dinaluhan ko sila at kinuha ang papel. Umupo ako sa kanilang malapad na bangko, gayon rin sila Lucio na nakiusyoso habang binabasa ko ang mga piraso ng papel na may mga prosa.

"Sa tuwing ika'y umiindak

Ako'y nasisindak,

Hindi lang talento ang nakakaaya,

Dahil ikaw ang pinakamagandang obra,

Na nasilayan ng aking mga mata."

Muntikan na akong mabilaukan. Namula ang pisngi ko sa nabasa. Hindi ko alam kung dahil sa kiliti sa puso ko o dahil nakakahiya. Anong umiindak?! Sinapo ko ang pisngi nang maalala ko na naman ang imahe ko na sumasayaw habang lasing.

Paumanhin, binibini, hindi ako bihasa sa pagsusulat ng prosa, sa susunod ay hahabaan ko. Sana ay maibigan mo pa rin.

Tumili ako sa kilig kaya't napuno ng hagalpakan ang sala kung nasaan kami.

"Anong sabi sa sulat, Ate?" I glared at Lucio.

"Naku! Bata ka pa, hindi mo dapat alam ang mga bagay na 'to, ang dapat na makaalam ng ganto ay 'yong kuya mong torpe." Nginuso ko si Eugenio na nakahalukipkip at nagkakape sa kanilang terasa.

"T-torpe?" Kumunot ang noo nila Helen.

Tinampal ko ang ulo ko. Bakit ko ba sila tinuturuan ng mga ganitong bagay?

Lumapit ako kay Eugenio at pinihit ang tainga.

"Oo! Torpe, hindi inaaamin kung sino ang gusto." Hinarap ako ni Eugenio na nakakunot ang noo at hinahaplos ang tainga niya na namumula.

"Ah! Siguro 'yong babaeng nasa plaza noon!" sigaw ni Lucio. Nilapitan siya ng mga kapatid niya at tinukso-tukso.

His face turned red and bubbly but he seems annoyed with it.

Sino naman kaya ang babaeng nagugustuhan ng batang ito? Masyado na siyang naging masikreto silmula nang lumaki.

Kasalukuyang naglalakad-lakad ako sa pasilyo nang madatnan ko si Helen na parang may kung anong kinakakapa sa may book shelf.

Iniabot ko kung anuman ang kinakapa niya.

"Ano ba 'to?" Binuksan ko ang libro at diksyunaryo pala iyon ng wikang kastila na isinalin sa Filipino.

"Bakit ka nag-aaral nito?" tanong ko nang ibigay sa kanya ang libro.

"Unti-unti na akong nakakaaninang, Ate at gusto kong sa oras na makakita na ako ay marunong akong magsalita ng wikang kastila." Nakangiti niyang tugon habang hinahaplos ang pabalat ng libro.

"Gusto kong maging kagaya ni Kuya Eugenio na manananggol ngunit kung 'di papalarin ay mangagamot na lang sa mata nang ang ibang mga batang kagaya ko ay matulungan ko." Humagikhik siya.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon