Kabanata 3

2.4K 186 17
                                    

Kabanata 3:
Ulan


Inayusan niya muna ako bago kami lumabas ng kwarto, napatagal pa dahil nasisiyahan ako sa buhok ni Amara na kung ikukumpara sa tunay kong buhok na parang alambre, ang buhok niya ay para bang araw-araw na naka-conditioner. Sa sandaling nagkausap kami ng Ate ni Amara ay nakilala ko siya, ang bait-bait at sobrang hinhin niya, hindi nakakapagtaka kasi ganon din naman si Donya Isabel. 

Criselda ang kanyang pangalan, nakatatandang kapatid ni Amara o kapatid ko sa panahong ito, narinig ko lamang ang pangalan niya sa mga katulong habang abalang naghahain sa amin ng pagkain.

Kagaya ko may kulot rin ang dulo ng kanyang buhok, may kaunting bahid ng pagkakayumanggi ang kulay niya, maganda dahil sa dugong espanyol nananalaytay sa kanilang dugo, samantalang ako ay mas abelyana sa kanya, maitim at may kahabaan ang maalon na buhok, I think they inherited it from their Spanish Father who has brown eyes and pale skin. 

Kasalukuyan kaming nag-iikot ng buong hacienda Montenegro, may labing-isang ektarya ang lupaing to, yung tatlo doon ay para sa mga magsasaka na nagahahanapbuhay para sa kanila at ang walo naman ay para sa pamilya Montenegro.

Nasa isang mabuhanging bahagi na nasa kalagitnaan ng palayan. Kung siguro ay sa kasalukuyang panahon ay sa mga probinsya na lamang ito makikita.

"Ahh pwede po ba magsama tayo ng tour guide" sabi ko na nahihiya pa, humahagikhik. Umiling ako.

"T-Tur gayd?" Nagtataka niyang tanong. Napasampal ko ang magkabilang pisngi at mariing napapapikit. Don't you ever talk in English Azalea!

"Ahhh ang ibig kong sabihin, ano umm.. pwede ba tayong magsama ng kasama sa pagiikot," palusot ko.

"Alam kong kailangan mo 'yan dahil halos isang taon ka ring nawala at marami ding nabago simula nang ika'y lumisan kung gayon naman ay sinama ko si Susan upang gabayan tayo." Inilahad niya ang isang batang babae.

Well, she wasn't actually that too young, maybe I'm a year older or more. Pinasadahan ko siya ng tingin. She has sad eyes and genuine smile. She's wearing a traditional Filipino clothing with flower stitches on it. Napawi ang ngiti ko nang mapagtanto ang isang bagay, she's too young to be a maid, nawala ang tyansa kong magtanong nang makalayo na sila sa akin. She look good and obedient so I guess I can rely on her.

"Magandang tanghali ho mga binibini, hali na po tayo at mahaba-haba pa ang iikutin natin," aniya.

Tinuro niya ang ekta-ektaryang palayan na nasa kalayuan, may mga bahay dito at may mga nakatira din.

"Ahh kung inyo pong naaalala ay sa kabilang dako ng palayan ay mayroon namang maisan, buwan-buwan itong niluluwas ng Pampanga, kung minsan din ay nailuluwas ang mga bigas tungong ibang bansa, hindi nga lang nabanggit sa'kin kung anong bansa ang mga ito" pagpapaliwanag niya.

"Sa bandang Hilaga naman po ay mayroong maliit na ilog na pinangangalagaan ang pamilya niyo, mukha itong batis sa unang tingin ngunit mayroon itong karugtong na karagatan kung saan dumadaong ang mga kastilang negosyante," pagpapatuloy niya habang tinuturo ang bandang likod ng mansion.

"Mukhang mabuti din naman pala ang epekto ng pamamalagi mo sa kura Amara, ngayon lang kita nakitang bumati sa kanila" hinaplos ni Ate ang aking buhok. So Amara is a tough one, huh?

"Ganun po ba" humagikhik ako at nagkamot ng ulo.

I'm now wondering how was Amara's personality before I get into her body. Based on what these people was saying I guess we're different.

Kuminang ang aking mga mata nang makakita ng mga kumpol ng kabayong pinaliliguan ng ilang trabahador. Sa aking tantya ay may walo hanggang sampu silang magkakaibang kulay ng kabayo. Mayroon ding mga kambing at bakang kumakain ng mga damo.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon