Kabanata 8:
Dimple"Amara, Irineo?! Anong ibig sabihin nito" piagsakluban ako ng langit at lupa nang marinig ang boses ni Don Fidel. Fuck.
Agad akong kumalas mula sa halik at walang nagawa kundi yumuko na lang, ganoon din si Irineo.
"Anak? A-anong ibig sabihin ng nakita namin?" si Ina sa nag-aalalang tono.
Si Irineo naman ay nakailing lang, sa tingin ko ay kumukulo na ang loob nito. Ako? Ito at nangangatog na ang tuhod! Oh my gosh, parang gusto ko ng kainin ako ng lupa!
Kinagat ko ang aking labi at tinanaw si Irineo. Nakayuko ito at namumula, sa tingin ko ay galit na siya. Nagtitiim ang bagang nito.
"Kanina ka pa namin hinahanap at ngayon ay masasaksihan namin ito?" ang mga guhit sa noo ni ama ay nagsiluwasan.
"Ka-kasi po, ano.. mayroon po kasing.. pinapatahimik ko po kasi.. si Irineo" hinahabol ko ang aking hininga pero hindi ako makabuo ng pahayag!
"Tama na ang paliwanag! Hindi namin mapapalagpas ang kapusukang nasaksihan namin ngayon Amara" mariing sabi ni Ama. Nagpabalik-balik ang matalim nitong tingin sa amin ni Irineo.
Ang ama ni Irineo na ay blankong nakatingin sa anak nito. Nag-angat ako ng tingin kay Irineo at nagpapalitan sila ng madilim na tingin ng kanyang ama. Mukhang nadamay ko pa si Irineo sa gulong ito. What have I done?!
"Sa Hacienda na natin pag-usapan ito at baka tayo pa ay makagulo sa ibang mga panauhin" tugon ni Ama sabay tingin sa likod kung saan ang iba ngang mga tao ay sumisilip sa amin.
Luminga ako sa paligid at nawala na ang lalaki, siguro ay nakatakas na iyon! But Azy this ain't the time to mind others, tignan mo ang kalagayan mo ngayon.
Madaling araw pa lang ay bumangon na ako, hindi ako mapakali sa hinihigahan ko at hindi magawang matulog. Malaking katangahan na naman ang nagawa ko kagabi. Ano na naman kayang sasabihin sa'kin ng pamilya ni Amara?
Di pa ako nagtatagal dito pero malaking gulo na agad ang nadadala ko, paano pa kaya pag nagtagal na talaga diba?
Paano na ang totoong minamahal ni Amara? Paano na ang lovelife niya pagkatapos na iwan ko ang katawang ito? Magigising na lang siya na kasal na kay Irineo!
Sinabunutan ko ang sarili at marahang sumigaw.
Ano bang kalokohang nagawa ko kagabi? Bakit ba pumasok sa isip kong halikan siya imbes na magtago na lang sa damuhan nang di abutan ng lalaking iyon. Argh! Pero kung di rin kasi dumating ang Irineo na yun di naman talaga papasok sa kokote kong manghalik ng taong hindi ko naman gusto!
Bahagya akong napahawak sa labi ko. His lips doesn't actually taste bad actually it's soft and.. tender.
I wonder am I his first kiss?
I've kissed someone before, I mean I've kissed several boys but this is my first time forcing someone. I was just fifteen when I got my first kiss until I got used to doing it. But this thing's different, different because I did it with someone years older than me, literally years! Plus, it's a big deal for everybody.
Alam kong bawal makita ang binibini't ginoo sa gano'ng paraan pero hindi ba nila matatanggap ang rason ko? Hindi rin sila naniniwala na may nakita akong pinatay at pumatay ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...