Stay safe everyone. Everything will be fine, covid-19 will end, in God's name. By the way, sorry for the long wait guys.
Kabanata 21:
Dusa"Kaya mo bang tumayo?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa'kin.
"Ahh.. Oo, huwag ka na mag-alala" umiling ako. Itinukod ko ang kamay ko sa sahig para makatayo.
Dahan-dahan akong tumayo at inalalayan niya ang likod ko. Nang diretso na akong nakatayo ay bigla na lang nawalan ng balanse ang paa ko dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.
Napapikit ako at pilit na inilayo ang sarili sa kanya. "shit." I whisphered.
Mas nadepina ang kanyang katangkaran at napagtanto kong ang tapang ng amoy niya na para bang pabango ng isang sikat na men's perfume branch. She had this athletic image yet innocent eyes that Amara could have loved. His filipino ancenstry was evident in his black-colored eyes and tan skin.
"Saan ka ngayon nanunuluyan? Ihahatid na kita" bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha namin. Muli ko siyang tinignan pero ngayon ay blanko na ang ekspresyon.
"Hindi na, kaya ko na 'to, galos lang naman 'to, ano ka ba?" nagngiting aso ako nang pagmasdan ko ang sugat ko na tumatagas pa din ang dugo mula roon. Galos nga lang sabi.
I heard his deep sigh. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ipinantay ang kanyang mukha sa akin.
"Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid kita" aniya na parang galit na, kaya hindi na ako umimik. He has this attitude na hindi ka talaga mapapahindi dahil sa maawtoridad niyang pananalita. Umupo na lang uli ako sa sahig upang maipahinga ang sarili. Bahagya muna siyang umalis at sa pagbalik niya ay lakad takbo siyangg pumaparito.
May kasama na siyang kalesa at kutsero.
Anselmo was about to carry me like we're newly wed couple but I tap his shoulder that made him stop. Kumunot ang noo niya sa aking ginawa.
"Kaya ko namang tumayo, kailangan ko lang ng alalay, sugat lang 'to hindi pilay" sarkastiko akong ngumiti at itinukod ang kamay sa sahig para makatayo ako.
Tuluyan na nga kaming nakasakay at doon ko lang napagtantong pampasaherong kalesa pala ang nasakyan namin, pinagtitinginan pa kami ng dalawang ginang na nakasakay dito.
Nagtitiim ang bagang ko habang ginagalaw ang tuhod na ngayon ay hindi ko pa din mahawakan dahil sa hapdi. Itinataas ko ito para hindi masagi kung sakaling bumaba na ang dalawang ginang.
"Dios te perdone, anong nangyari hijo?" tanong ng ginang na mas bata kumpara sa kasama niya. Napaawang ang bibig niya at bahagyang napalayo nang makita ang sugat ko.
"Nadapa lamang ho" ani Anselmo.
"Di' ba't ikaw ang nobya ng panganay na anak ng mga Alonzo?" nanunuya ang kanyang mga tingin at may bahid ng pagtataka nabaling ang tingin ko sa ginang na kulay puti lahat ng buhok na siyang nagsalita. Nagtaas siya ng kilay nang magtama ang mga mata namin.
"Ah opo" kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-iling ni Anselmo.
"Ano ang inyong ugnayan?" tumingin ang ginang sa aming dalawa nang may matalim na tingin, halata ang pagtataka nito. Yumuko ako at nilaro ang daliri.
"Kaibi--" hindi pa natatapos ang pagsasalita ko ay hinawakan ni Anselmo ang kamay ko dahilan para matigil ako at mapatingin sa kanya. Itinuon ko ang aking tingin sa dalawang ginang na ngayon ay misteryosong nagtinginan.
"Masyado ho yata kayong maraming katanungan, maari ko din ho ba kayong tanungin kung bakit ang iyong amiga ang iyong kasama ngayong araw imbes na ang asawa niyong.. prayle" dire-diretso ang pananalita nito at madilim na tinitignan ang mga ginang. Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya. Napansin ko ang kumuyom na kamao ng matandang ginang, halatang nagngingitngit ito sa galit ngunit nanatili lang na tahimik nang hindi makumpirma ang sinabi ni Anselmo.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...