Kabanata 11

1.2K 62 12
                                    

Kabanata 11:
Victoria

Pinapaulanan siya ng puri ng mga tao sa paligid kaya mas lalong uminit ang dugo ko. I've never felt this kind of insecurity, at sa isang mukha pang tipaklong.

"napakaganda niyo po Señorita"

"Aba't tila anghel ang kagandahan niya hindi ba?"

"Sino siya?" tanong ko sa kawalan.

"Napakaganda talaga ng pamangkin ni Don Fidel" puri uli ng isang babae na tila sumagot sa tanong ko.

Kung tutuosin, maganda naman talaga siya, makinis ang balat at may pagkamorena. Matangos ang kanyang ilong at malalalim ang mga mata.

Umirap lamang ako sa ere nang marinig ang papuri na ibinubuhos sa babaeng sa tingin ko naman ay hindi naman talaga kagandahan. Uso na pala ang plastikan kahit sa panahong ito. At sa nalaman kong pamangkin siya ng ama-amahan ko, ibig sabihin pinsan ko siya?

I don't hate her. It's just that I don't like the way she looks, she smile at everyone fakedly, and how could everyone praise her with those jeje sumbreros and old fan?

Muli akong umirap nang magtama ang paningin namin ni Irineo. Umalis na ako doon dahil hindi ko gusto ang presensya ng mayayamang taong ito.

"Tabi!" sigaw ko sa nagkukumpulang binibini na kanina pa pinupuri ang sosyalerang babaeng iyon. Agad naman na akong sinunod.

Tumakbo ako papasok ng bahay at padabog na dumiretso sa aking kwarto. I silently scream while punching the air. You whore Irineo!

Now I know why the men in 21st century were all whore and fuckboys, it all started with you, Irineo!

"Aba ang kapal ng mukha magpakita uli ngayon pagkalipas ng maraming araw na ni anino niya ay hindi nagpaparamdam tapos ngayon kasama niya pa ang isang babaeng mukha namang demonyita at maarte pang nagpapaypay ng sarili eh di naman mainit"

Nahinto ako sa pananalita nang madatnan kong humahagikhik na pala si Susan sa aking harapan. Kanina pa siya rito?

"Kanina ka pa?" pagtataas ko ng kilay.

"Hindi mo naman kinakailangang itago pa ang iyong selos señorita, kayo naman na ay magnobyo, ano pa ba ang dapat mong itago sa kanya?" humahagikhik nitong tugon.

"Umalis ka na muna umiinit ulo ko lalo" pagtataboy ko. Ako nagseselos? how funny.

"Sige po, maiiwan ko na muna kayo, ngunit siguraduhin mong maayos na ang iyong pananamit at hitsura sa oras na bumaba ka sapagkat naroroon na sina Señorita Victoria at Señorito Irineo" may diin pa nitong binangit ang pangalan ng dalawa.

I took a glance on my reflection in the mirror. I look so stressed and I'm even wearing a baro't saya stained with flour and smells like spoiled spices. Inilugay ko ang aking buhok para suklayan ito at nilagyan ng kaunting pin na gawa sa perlas. Nagsuot din ako ng simpleng kulay pulang camisa't saya. I even put some balm made of organic fruit on my lips.

Sa ganda ba naman ni Amara ay kaunting ayos lang ay kapansin-pansin na kaagad. Bago ako lumabas ng kwarto ay huminga muna ako ng malalim. Whatever happens, be good to everyone, okay?

"Magandang umaga ho" pagbati ko sa lahat. Nagulat ang lahat sa inasta ko at tila nagpipigil pa ng tawa si Ate Criselda at Susan.

"E-ehem" I cleared my throat. I confidently sat beside my mother but they just look at me confusedly.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon