Kabanata 21:
Strangers
"Dito ka na lamang tumira sa amin, ayon kay Anselmo.. naninirahan ka sa bahay ni ginoong Irineo?" naningkit ang mata ni Ina habang hinahaplos ang aking buhok."Kumusta naman ang pakikitungo niya sa'yo? Hindi ka ba niya sinasaktan o pinahirapan?"
"p-po? hindi po" physically? no, he won't hurt me, but sometimes not getting hurt physically hurts more. I miss getting annoyed because of him, I miss getting jealous, I miss his advices, his scent, his every fucking thing! I miss him! damn.
Tinuon ko ang paningin kay Ate Criselda na papalapit ngayon kay Anselmo. Hinawakan ni Ate ang pisngi nito.
"Salamat nga pala mahal, sa pagsundo sa aking kapatid" nagyakap silang dalawa. He dearly smiled to my sister but his eyes fixed on mine.
Naging blanko ang ekspresyon ko. Nakaramdam ako ng bahagyang pagpilipit ng tiyan kaya't umiling ako. Tumango ako at nginitian sila. Bahagyang kumunot ang noo ko nang magkatinginan ang mag-ina na para bang may pinapahiwatig.
"Ahh mainit dito, mabuti pang pumasok muna tayo" anyaya ni Ate Criselda habang hawak ang braso ni Anselmo. Nanatiling nakabagsak ang tingin nito sa'kin, hindi ko na lang iyon pinansin.
Nang pumasok kami sa loob ay pinagmasdan ko ang paligid. Compared to their old house this is just a small part of it, parang banyo lang nila ito, gaya ng tinutuluyan ko kila Irineo, gawa rin ito sa nipa pero kumpara doon ay parang mahabang panahon na itong nakatayo dahil lumang-luma na.
"Maupo na kayo" inalayan ako ng upuan ni Ina at ganoon rin ang ginawa ni Anselmo. Umupo ito sa tabi ko kaya't nanatiling walang tao ang dalawang upuan na nasa harap namin.
Pinagmamasdan ko sila Ina at Criselda na ngayon ay naghahanda ng pagkain sa lamesa. Their old fancy dresses were replaced with smudgy old rags, ate Criselda's wearing a dirty white shirt with a camisa covering it and a brown long skirt with stitched flowers while Donya Isabel is wearing a blue and white checkered dress. I can't help but think that this is all my fault. I know they're not used to this.
"Anong nasa iyong isipan?" nag-angat ako ng tingin kay Anselmo ngayong nasa tabi ko.
"W-wala" ngumiti ako at umiling.
Nang maupo na sina Ina ay tahimik na kaming kumain. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ko habang mariing hinahawakan ang kutsara't tinidor at tanging ang ingay ng mga ito ang naririnig. This is making me sick, hindi ako mapakali.
Sa gitna ng pagkain ay napansin ko ang pagkabalisa nina Ate Criselda at patigil-tigil sa pagsubo ng pagkain. Muli na namang nagkatinginan si Ina't Ate Criselda kaya muling nagsalubong ang kilay ko.
"Ah anak.." tuwid akong umupo nang marinig iyon, ganoon rin ang katabi kong si Anselmo na napatigil sa tahimik niyang pagsimsim ng tubig. Mukhang isang seryosong usapan ang pag-uusapan namin.
"Anak.. hiwalayan mo na si Irineo"
Nanlaki ang mata ko sa narinig at bahagya pang napatayo sa kinauupuan. Binagsak ko ang mga kamay sa lamesa na lumikha ng malakas na kalabog. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang bahagyang pagkagulat ni Anselmo, gayon din si Ate Criselda.
I felt a heavy rattling sound inside my chest. Napahawak ako sa aking dibdib at kumawala ng malalim na hininga.
"B-bakit po?" I said, trembling. Kinalma ko ang sarili at umayos sa pagkakaupo.
"Ang- ang kanyang ama ang may gawa ng lahat ng ito" hindi niya na napigilang humikbi. Nasilayan ko ang mariing pagkuyom ng mga kamay ni Ina.
"Sinira niya ang lahat sa atin! Sinira ni Mariano Alonzo ang lahat!"
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...