Kabanata 28:
MundoKumuha siya ng tubig ata agad na nilahad sa akin.
"Nagbibiro lang ako Amara."
I cleared my throat and chuckled a bit. Magkahalong tuwa at disappointment ang naramdaman ko sa sinabi niya.
"Bakit ka nga pala nagpalit ng iyong wangis?" Natigil ako sa pagkain at natuon sa kanya.
"Dahil ba hindi mo nais na makilala kita?"
Yumuko ako at ngumuso. Guilty.
"Huwag kang mag-alala, mas lalo kang gumanda," aniya sa nanunuyang tono.
Muli akong sumubo ng mga pagkain hanggang sa maubos ko ito, medyo naiilang pa dahil sa mabibigat biyang tinig at ako lang ang kumakain.
Nang may marinig akong mga ingay sa kabilang bahagi ng dining area ay hindi ako mapakali.
"Irineo, aalis na ako, marami pa akong gagawin, ikaw rin naabala pa kita," mahina kong sabi.
Hindi niya ako sinagot sa halip ay kumuha siya ng maliit na platito upang hainan naman ako ng panghimagas. Isang kulay kayumanggi na matigas na kakanin.
"Nabasa mo na ba ang sulat na ibinigay ko?"
Kumunot ang noo ko nang itanong niya iyon sa kalagitnaan ng katahimikan at tanging ang mga tunog ng nga kubyertos ang naririnig.
Umiling ako at inisip kung saan ko nga nailagay ang sulat dahil nang huli ko 'yong makita ay no'ng isang araw pa!
"Umm.." Napalunok ako dahil sa kaba.
"Titignan ko, hindi ko kasi nabasa noong nakaraan." I lied.
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga kamay habang hinihintay ang sagot niya.
Sa halip na mga kataga ang lumabas sa bibig niya ay kinuha niya ang isa kong kamay at pinagsalikop ang mga kamay namin nang pasikreto sa ilalim ng lamesa.
Nanlaki ang mga mata ko nang ginawa niya iyon. Luminga ako sa paligid upang tingnan kung may mga tao pa. Ang mga katulong sa may kusina ay gumagawa ng ingay kaya't mas lalo akong naghisterya.
"Irineo! Baka makita tayo!"
Pinandilatan ko siya pero ipinatong niya lang ang magkasalikop naming mga kamay sa kanyang hita.
Hindi ko magawang huminga ng maayos at nararamdaman ko ang panlalamig ng aking kamay. Naghuhuramentado ang aking sistema sa kanyang dinudulot.
Pumangalumbaba siya at itinukod ang siko sa lamesa. Habang pinandidilatan ko siya ay sinusuklian niya naman ako ng mga nakanunuyang ngiti at mga nakangiting mga mata.
Nakakatunaw!
Nang mapansin kong tumahimik na ang paligid ay nagawa ko ng kumalma. Inayos ko ang mga kamay naming magkasalikop at iniharap sa kanya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko pero napalitan ito ng isang mas malapad na ngiti.
Ngumiti rin ako at kinabisado na lang ang mga bahagi ng kanyang mukha.
Sana ganito na lang, sana ganito na lang parati. Malaya at masaya. Sana ay itigil ang alon ng oras ngayon at hindi nawa kami iwaksi mula sa isa't isa.
Hinalikan niya ang mga kamay ko habang marahan siyang nakapikit. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa iyon.
Simula noon, nagkakaroon siya ng paraan upang magsama kaming dalawa. Breaking the rules, fooling people. And I'd love to do that.
I love breaking the rules with him, I love it for now, even though I know that it would break me someday. I wanna spoil myself this time, I wanna give myself a treat so I could accept to suffer later, so I could still stand and fight and look forward to this day to happen again.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...