Kabanata 19:
Ang sakit"Pa-pasensya na, magpapaliwanag ako!" tugon ko. Tuluyan ng tumulo ang luhang pumapagilid sa mata ko.
Tamad niya lang akong tinitigan at hinayaang magpaliwanag.
"Ang akala ko, galit si Rosa at dinadamdam na mayroon ka ng nobya kaya niyaya ko siya na makipagkita sa'yo" nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang tignan ang galit niyang mukha. Nakakatakot, nakakapanghina. Kinagat ko ang labi ko nang may umaambang paghikbi.
"..para sa'kin, totoo naman na wala ka pang nobya, dahil yung atin.. lokohan lang, fixed sa ingles, ipinagkasundo lang naman tayo di'ba? Hindi naman talaga bukal sa puso nating ikasal at maging magnobya" umangat ako ng tingin at nadatnan ko ang mapupungay niyang mata at nakakunot na noo. Nagtatanong, nagtataka.
"Lokohan? Ipinagkasundo? Ano 'yong mga nagawa natin noong nakaraan? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin no'n? Na lokohan lang? Muntikan ng magdampi ang mga labi natin, lokohan?!" mataas ang tono ng boses niya. Shinake ko ang ulo ko bilang hindi at idinampi ang palad sa mukha. Hindi niya ako maiintindihan!
"Hindi sa gano'n, hindi mo ako maiintindihan" patuloy na dumadaloy ang luha mula sa mga mata ko hindi na ako nag-abalang punasan pa ito. Humakbang ako ng kaunti para pumunta sa lilim. Nakakapaso na ang init.
Kung puwede ko lang sabihin ang lahat, sabihin na mahal ko siya pero ang mahal niya na si Amara ay hindi ako, at hinding-hindi magiging ako, kung pwede ko lang sabihin sa kanya na bigla na lang akong napunta sa panahong ito, ityapuwera lang naman ako dito. Walang kwenta, sagabal.
Muli niyang hinigit ang palapulsahan ko para iharap niya ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang madatnan kong namumula na ang kanyang mata at may pumapagilid na ding luha.
"Bakit? Ano ang hindi ko maiintindihan? Ano? O marahil ay.. sa lahat ng iyon ay ako, ako lang ang nagmamahal, sa'yo lokohan lang?" umiling ako dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na alam kung ano dapat ang isagot ko.
"O marahil ay.. si Anselmo pa rin, siya naman talaga, simula pa lang" nag-smirk siya at matalim akong tinitigan. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at hindi uli siya sinagot.
Tinalikuran ko siya pero bago pa ako tuluyang makaalis ay muli siyang nagsalita.
"Tatanggapin ko iyan bilang 'oo'" umalingawngaw ang boses niya. Hindi na ako muling lumingon at dire-diretso ng bumalik sa bahay.
Bawat hakbang ko palayo ay para bang pinupunit nang pira-piraso ang puso ko. Hindi ko pinipigilang umagos ang luha galing sa mata ko, pagkatapos nito, wala ng sakit, dapat masaya ako. I should be happy! I should be happy because I'm able to walk away from the things not meant to be mine and will never be mine.
Pagdating ko doon ay nakabihis na sila Susan. Nakahanda na din si Ybañez na ngayon ay nasa labas ng bahay, mukhang ako na lang ang inaantay nilang dalawa.
Hindi pa nila ako natatanaw kaya nakakuha ako ng tyansang punasan ang luha ko.
"hija?" halos mapatalon ako nang marinig ang boses sa harap ko. Si Lola Lourdes.
"Anong nangyari? Bakit ika'y lumuluha?" aniya at sinalubong ako ng yakap.
"Wala po ito.." hindi ko na napigilan ang hikbi "..napuwing lang ako" tuluyan na akong hunagulgol sa balikat ni Lola.
Ngumisi siya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Lola wala na akong maintindihan, hindi ko na alam kung ano ang pakikinggan!" namamaos na ang boses ko.
Iniangat niya ang mukha ko dahilan para magharap kami
"Shhh.. tahan na, kung anuman ang nangyari sa'yo, sa inyo, sigurado akong malalagpasan niyo rin 'yan, dahil sa lahat ng sigaw, ang sigaw pa din ng puso ang pinakamaingay dahil nariyan siya sa dibdib mo. Sa huli, siya pa din ang pipiliin mong pakingaan"
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...