Kabanata 22

784 35 4
                                    

Kabanata 22:
Seremonya


"Ginoong Anselmo? como esta, señor(kamusta, ginoo)?" Natigil kami sa paglalakad nang magsalita ang isa sa kasama ni Irineo. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglingon dito ni Anselmo.

"Mabuti naman" tipid nitong sagot, tatalikuran na sana niya uli ito ngunit dumaldal muli ang ginoo.

"Kay tagal nating di nagkita simula nang dumaong tayo tungo sa Belgica, kay rami ng nagbago sa iyo," wika nito habang nakahawak sa balikat ni Anselmo. Nanatiling tahimik si Anselmo.

"Oh eto na ba si Amara?" nilingon ko na ito at nag-angat ako ng tingin. Panandalian akong nagulat dahil wala akong ideya kung sino ang lalaking ito, isa pa, kasamahan siya ni Irineo.

Gaya ng mga tipikal na hitsura ng mga ginoo rito, balbas sarado ito. May kapayatan at abot lamang hanggang balikat ni Irineo ang katangkaran. His spanish eyes are squinty, he also have this playful smile that made me more irritated.

"Alam mo hija, ang akala ko ay mapapalitan ka na ng ginoong ito ngunit nanatiling tapat ang pag-ibig niya sa'yo kahit noong nasa Belgica pa kami," salaysay nito. Mukhang ang alam niya lang ay ang nakaraan ni Anselmo at Amara. Everything turns so awkward kaya't nagsisimula na akong maging balisa sa kinatatayuan.

Napansin ko ang bahagyang pagdilim ng hitsura ni Irineo samantalang ang kay Anselmo ay umaliwalas.

Bukod sa naririto si Irineo, taliwas pa sa kung ano ang nalalaman ko ang pinag-uusapan nila. How I wish someone would shoot me or eat me right away. I wanna go home!

"Ano nga pala ang ginagawa niyo rito? May nakulong ba?" tanong nito. Hinawakan ko ang braso ni Anselmo at marahang pinisil ito. Sana ay makuha niya kung ano ang ipinapahiwatig ko. Gusto ko na talagang umuwi.

"Napadaan lamang at may binisitang kaibigan, kayo? Anong tinutungo niyo rito?" Ibinaling ni Anselmo ang tingin kay Irineo dahilan para mapatingin rin ako rito. May halong panunuya ang tanong niya. Nagtaas ng kilay si Irineo.

His dark eyes sent shivers down my spine that made me tremble. I bit my lower lip to stop it from shaking. Hindi ko natagalan ang pagtitig sa kanya kaya't yumuko na lamang ako.

"May binibisita rin na kaibigan" my body was convulsed by his baritone voice like a thunder. Parang isang malalim na melodiya ang boses niya, anuman ang sinasabi niya, napapikit ako sa nararamdaman at sa ginagawang pagtataksil ng mga kiti-kiti sa aking tiyan.

"Sino?" mariin nitong tanong, nagmalapusa ang mata ni Anselmo habang nakatingin kay Irineo.

"Isang heneral" tipid nitong sagot at muling bumagsak ang tingin sa'kin. He darted dark looks on me. My eyes instinctively rolled the moment our eyes met. Amusement and distraction was evident on his face. Napaawang pa ang bibig nito.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa panlulumong nangyayari sa aking sistema imbes na galit at pagkamuhi. Ito na, nasa harap ko na siya, bakit hindi ko magawang sampalin siya? bakit hindi ko magawang sumbatan siya sa lahat ng nagawa niya sa'kin?

I cannot believe the betrayal of my own feelings!

"Mauna na po kami" hindi ko na napigilang magsalita. Uneasiness won't leave me as long as I see this man.

Hinawakan ko ang braso ni Anselmo upang hilain siya at aambang hahakbang na sana upang tuluyan nang makaalis ngunit ang ginoo ay muli na namang nagsalita. Mariin akong napapikit dahil sa iritasyon.

"Heto nga pala, imbitasyon sa gaganaping seremonya sa makalawa, inaasahan ni ginoong Irineo ang inyong pagdalo" malugod nitong anyaya.

Nang sambitin niya ang pangalan ni Irineo ay muling bumaling ang tingin ko rito. His eyes darted on my hands snaked on Anselmo's arms then suddenly turn on me. Agad akong umiling.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon