Kabanata 6:
CrushGagamitin namin ang karwahe ng mga Montenegro patungong Angeles, kung saan nakatira si Eugenio. Nalaman namin mula sa bata na araw-araw pala silang bumabiyahe para lang makapagtinda sa sentro ng San Fernando.
"Umm, thank you..ay! Salamat Irineo, pasensya na sa abala." Nginitian ko siya. Tumango ito at tila tuluyan ng tutulak.
Ngayon ko lang napagtanto. First impression never lasts, tahimik lang itong si Irineo at hindi naman talaga arogante, natutuwa akong kasama siya ngayon.
"Irineo hijo, maaari ka ba munang manatili?" ani Ina habang hinahabol ang hininga. Mukhang galing pa siya sa kabilang dako ng mansyon na ito para lang masabi iyon.
"Ah kasi ba naman, itong aking bunso ay hindi ko hahayaang mag-isa at baka kung ano pa ang mangyari, kung hindi mo mamasamain ay samahan mo na lamang siya?" tanong ni Ina sa pinakamalambing na boses.
Tumingin sa'kin si Irineo pagkatapos ay saka siya bumaling kay Ina at tumango. Ibig sabihin ag pumapayag na siya? Napakaeasy-to-get naman ng isang 'to!
Sinama naman namin si Susan para daw hindi lang ako ang nag-iisang babae.
Naging tahimik ang aming paglalakbay. Umayos na ang lagay ni Eugenio at hindi na malubha gaya ng kanina, nagagawa na rin nitong ngumiti kaya guminhawa na rin ang pakiramdam ko. Sa kalagitnaan ng biyahe ay binasag pa nito ang katahimikan. Ngumingisi siya at parang may ideya siyang hindi ko magugustuhan.
"Salamat po pala, ngayon lamang po ako nakapagpasalamat ng maayos, sa inyong dalawang magnobyo."
Nagpapalit-palit sa aming dalawa ni Irineo ang kanyang nanunuyang mga mata. Nanlaki ang mata ko samantalang si Irineo ay nanatiling nakahalukipkip.
"Ano?! Hindi ko nobyo ang Kuya Irineo mo, ni hindi ko nga alam apelyido at pagkakakilanlan niyan!" Umirap ako at saka bumaling na lang sa bintana.
Dahil sa magkatapat ang mga lugar kung saan kami nakaupo ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya. Guwapo talaga ang isang ito, isa pa, mukhang notorious na gangster ito kung namumuhay sa panahon ko, yung tipong magbabago kasi makakakilala ng babaeng makakapagpabago ng buhay niya, yung tipong head-turner at lahat ng babae ay maglalaway sa kanya.
Nang magtama ang paningin namin ay umiling ako at itinuon na lang mga mata sa bintana. Kahit gwapo siya ay nakakatakot pa rin!
Hindi nagtagal ang biyahe hanggang sa matanaw ko na ang nagkakasiyahang tao at kagaya ng sa San Fernando ay may nagkakasiyahan rin. Ito na ba ang Angeles?
"May sentro rin naman ang Angeles ah? bakit di na lang kayo dito magtinda ng Inay mo?" tanong ko. Agad naman akong sinulyapan ni Eugenio pero umismid lang siya at mukhang may malungkot na namang istorya sa likod ng tanong ko.
"Pa-pasensya na." Ngumiti ako nang hilaw.
Ilang sandali pa ay dumungaw ang bata sa bintana. "Narito na po tayo!" deklara nito.
Nang makarating kami sa kanyang baryo, halos lahat ay napapalingon sa amin, ang iba ay namamangha samantalang ang iba ay may bahid ng takot.
Ang bahay nila ay barong-barong lang at walang kahit anong nagsisilbing ilaw, wala silang kagamit gamit maliban lang sa isang banig at mga unan. Nasa harap naman namin ang isang matandang lalaki, may hawak ito na dalawang bata, sa kanang kamay niya ay hawak niya ang isang lalaki na sa tingin ko ay eight years old pa lang, namamayat ito at mukhang hindi pa nalilinisan nang ilang araw, ang isa naman ay batang babae na mukhang five years old, musmusin din, may hawak itong tungkod at kung hindi ako nagkakamali, isa siyang bulag.
BINABASA MO ANG
Waves Of Time
Historical Fiction"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala ako ng mga alon ng oras patungo sa'yo pero tinangay rin niya ako palayo. I must say that time is rea...