Kabanata 17

1K 44 9
                                    

Kabanata 17:
Pwede na

"Tulong!" Nakaramdam ako ng hirap sa paghinga at may ilang tubig na din akong nalululon.

"Tulong!" wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko.

May isang lalaking nakatayo lamang sa isang bato at tinititigan lamang ako. Nasilayan ko pa ang paa niyang may peklat sa binti nito.  Hindi ko na naaninag ang mukha at hindi na nagkaroon ng tyansang makilala ang taong iyon hanggang sa maging manhid na ang aking buong katawan at dumilim ang paligid.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sakit ng ulo. Kinusot ko ang mata ko bago imulat ang mga ito. Nakaramdam ako ng bigat ng dibdib.

Naaninag ko ang malabong imahe ni Susan habang nagpipiga ng tela. Naroroon rin si lola at may hinahalong kung ano sa isang tasa.

"Gising na si Amara!" anunsyo ni Susan nang ibaling niya ang tingin sa'kin. Agad na nagsilapitan sina Lola Lourdes at Ybañez.

"Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?" nilapat ni Lola ang kanyang palad sa aking noo.

"Mabuti naman na po" nginitian ko sila.

"Oh inumin mo muna ang tsaang ito" iniabot sa'kin ni Lola ang tasa, uminom ako rito at iniabot muli sa kanya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang akong niyakap ni Susan kaya mas lumapad ang ngiti ko. Naramdaman ko pa ang pagsinghap niya kaya hinimas ko ang likod niya. Hinarap niya na ako kaya pinunasan ko ang luha niya.

"Señorita, ano bang nangyari sa isla? Tatlong araw kang walang ulirat, nag-alala kami lalong-lalo na si Ginoong Irineo, ang akala namin-" yumuko siya at ngumuso. Namilog ang mata ko sa nalaman. Three days?

"Eto na nga ako oh, buhay na buhay! May sa pusa yata ito" kininditan ko siya. Napawi ang lungkot niya at mataman na siyang nakangiti.

Iniwan na muna ako sandali dahil sinabi ko na nagugutom ako at nasa kusina sila ngayon para maghain.  Luminga-linga ako sa paligid na para bang may hinahanap. Bumagsak ang balikat ko at mabigat na bumuntong hininga. He's not here.

Nang maalala ko ang huling nangyari sa'min ni Irineo ay nakaramdam ako ng kahihiyan. I know he felt disappointed, hindi na ako magtataka kung hindi niya na ako papansinin pa.

Bigla kong naalala ang napanaginipan ko at ang mga alaalang pumasok sa isip ko sa isla. Ang lahat ng memoryang pumasok sa isip ko no'n ay hindi ko pag-aari and hearing the name of Amara as if it is my own was sensational. Pumapasok sa isip ko ang memorya ni Amara? I know this is Amara's body but I own this soul and mind at hindi ko mapagtanto ang kasagutan kung bakit nangyayari sa'kin 'to.

Nagtungo na ako ng kusina nang nadatnan ko silang abala na naglalatag ng mga plato sa mesa.

"May kakilala po ba kayong may peklat sa binti nila? lalaki po, medyo may katabaan at maliliit ang biyas" untag ko.

"May peklat? Saan mo naman nakita iyan binibini?" pabulong na tanong ni Susan. Mukhang siya lang ang nakarinig ng sinabi ko dahil siya lang din ang kaunti ang distansya sa'kin. Lumingon muna siya kila Lola Lourdes.

"Hindi kaya kay ginoong Irineo mo lamang 'yan nasilayan? Sapagkat ang tumitig  o makakita ng isang bahagi ng katawan ng isang ginoo kung hindi mo ito kabiyak ay hindi kaaya-aya para sa binibini, mabuti pang hindi mo ito itanong sa iba lalong-lalo na sa nakatatanda" pabulong niyang paliwanag. Umiling ako.

Kampante akong hindi siya 'yon. Mayroong mahabang biyas si Irineo, imposibleng siya yung napanaginipan ko. At saka alam kong hindi niya kayang panoorin na lang si Amara malunod na lang ng ganon.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon