Chapter 8: R

47 4 0
                                    

KALEIDOSCOPE’S CHAPTER 8: The dove’s spleen with his obscured black feathers

I.

CHITTAPHON

I like Dongyoung Kim.”

Putangina?

Kaagad na namilog ang mga mata ko dahil sa labis na pagkagulat na kasalukuyang nararamdaman ko.

Nanatili lamang akong tikom at nakatitig sa kanya.

Napakasikip, napakahirap. Napakasikip ng dibdib ko. Napakahirap huminga, para bang nauubusan na ako ng hangin na pwedeng langhapin at sumagip sa akin mula nakakalunod na sikip ng dibdib ko. Nakakasuffocate.

Ni hindi manlang ako makabigkas miski isang letra upang sa gayon ay mabasag ang nakakabinging katahimikan na namamagitan sa amin ni Jaehyun na hanggang ay bahagya pa ring nakangiti habang nakatingin sa akin.

“Nagulat ka ba?” Tangina, malamang! Ano ba namang klase ng tanong ‘yan?!

Gustong-gusto kong sagutin ang katanungan niya subalit mas pinapangunahan pa rin ako ng gulat at tensyon. Tila ba tuluyan nang nawalan ng hangin ang buong katawan ko, dahilan para sa pagbuka ko ng aking bibig ay wala kahit hangin manlang ang lumabas dito.

Napabuntong-hininga naman siya atsaka napailing-iling na lamang.

“It’s just as I expected though.” Jaehyun calmly stated as he crossed his arms infront of his chest.

Kaagad naman na nangunot ang noo ko bago lumunok at lakas-loob na nagsalita.

“J-just as you expected?”  Nalilito kong tanong sa kanya which just made him chuckle.

“You’re really slow.” Para bang nanunuyang giit niya atsaka ako tinitigan gamit ang mapanghusgang mga tingin niya. “Sabi ko na nga ba at gano‘n ang magiging reaksyon mo eh.” Ani niya na ikinasalubong naman ng mga kilay ko sa isa’t isa.

Reaksyon ko? Teka, ano nga ba ‘yung naging reaksyon ko?

Bago pa man ako muling makapagsalita ay inunahan na niya ako.

“You’re now disgusted at me, right?”

“H–ha? Teka, ano bang sinasabi mo? Anong disguste—”

“I’m disgusting, am I?”

“Bwisit. Bakit ko ba ginawa ‘yon? Ano bang nangyayari sa ‘kin?” Dehado kong tanong sa aking sarili sabay marahan na iniuntog ang noo ko sa bakal na pinto ng locker ko habang kasalukuyan ko pa ring binabalutan ng aking face towel ang may bahid ng kulay itim na likido sa aking paningin na kanang kamay ko.

Alam ko, alam kong dugo ‘to ni Xiaojun na nagmula pa sa ilong niya dahil sa malakas kong pagkakasuntok sa kanya kanina.

Lagot ako nito. Malamang magsusumbong pa ‘yon sa ginawa ko at tatayo pang saksi ang mga kabarkada niya. Sana naman hindi na ‘to makarating pa sa Dean dahil paniguradong mas malalagot ako do‘n, idagdag mo pa ang punishment na maaaring ipataw niya sa akin.

Kaleidoscope » Jaeten ✧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon