KALEIDOSCOPE: CHAPTER 19
I.
THIRD PERSON
Humahangos man at unti-unti nang nauubusan ng hangin ay hindi pa rin nagpaawat si Jaehyun sa kanyang nagmamadali at halos tumatakbo ng pagbaba niya sa animo'y walang katapusan na mga baitang ng hagdan.
Wala na siyang maibibigay miski kakaunting pakiealam pa sa sunod-sunod, nag-aalala, at malalakas na pagtawag ng kanyang pangalan mula sa mga tao na naiwanan na niya sa kwarto kung saan naka-confine ngayon ang kapatid niya dahil sa biglaang paglamon ng adrenaline rush sa buong katawan niya, tila ba'y pansamantala muna siyang nawalan ng kakayahan na makarinig. Wala na siyang pakiealam pa sa kapwa nanghihina at mistula ba'y ilang segundo na lamang ay bibigay na kanyang mga tuhod, idagdag mo pa ang mga baga niyang para bang nagliliyab at umaapoy na dahil sa labis na pagiging hayok nito sa hangin na kanina pa hindi nito nakukuha.
"Come here, bud." As he took a tremulous step again, a whirlwind of nostalgia temporarily blew off his consciousness, completely unaware of his own hand automatically tightening it's grip onto the stair's railing and dragging his feet back from making an action beforehand.
Para bang panandalian siya naparalisa at naging isang bato sa kanyang kinatatayuan. Bumalik na naman ang nakakasakal, mabigat, at nakakabagabag na nararamdaman niya kanina pa.
"You'll be his big brother- ah, no, let me rephrase that. You'll be his responsible and trustable big brother starting now on, do you understand me, Jae? Promise me, okay?" He took a heavy and pained exhale when the reminiscent of his father's words were like sharp daggers gashing repeatedly every part of his body right now, specially his heart.
"What if I say that I love you but not as a brother?"
The drunk and dizzy middle school boy, Jaehyun, chuckled a bit because of his stepbrother's simple and basic question, taking it as some sort of a logic question instead.
"Was that even a question?"
"Come on, just answ-"
"Then," Jaehyun's expression a while ago automatically turned into a sedated one as soon as he saw a glint of desperation on the latter's face that quickly sobered him up. He blinked a few times before licking his dry and chaffed lips and giving an answer.
"I love you too as a person."
Ramdam na ramdam niya ang pagpapawis ng magkabila niyang palad na sinabayan pa ng panlalamig at tila ba pamamanhid ng mga 'to. Sa puntong 'yon ay naramdaman na naman niya ang lahat ng sakit, pagod, at kirot na dumadaloy sa bawat sulok o parte ng kanyang katawan. Narinig na niya muli ang samu't saring ingay, kaluskos, at boses ng mga tao pati na rin ang kapaligiran niya.
"Jaehyun! Don't you dare move a muscle again! Wait up!" Imbis na lingunin pa ang pinagmulan ng garalgal at nanginginig na boses na 'yon ay nanatili na lamang si Jaehyun sa kanyang pwesto, nakapako ang mga mata sa kawalan, tahimik, gayon din ang kanyang atensyon sa sarili niya habang mahigpit pa ring nakahawak ang kanyang nanlalamig na kaliwang kamay sa railings ng hagdan.
Paulit-ulit na kinurap-kurap ni Jaehyun ang kanyang mistula ba pinamumugaran na ng mga ulap na magkabilang mata, dahilan para maging malabo ang paningin niya. Wala na siyang natitira pa o maipon na lakas upang igalaw ang mga kamay niya at kusutin ang mga mata niya.
"Hey, hey, everything's gonna be fine. Don't cry, don't cry," Ni hindi na niya narinig pa kanina ang mga papalapit na yabag ng paa ng taong nasa likuran na niya sa kasalukuyan. Ni hindi na niya nabigyan pa ng pansin ang unti-unti at dahan-dahan nitong pagpulupot ng mga katamtaman nitong bisig sa kanyang tinakasan na ng lakas na katawan. Ni hindi na niya alam pa sa kanyang sarili na tuluyan na palang bumuhos ang mga luha sa kanyang mata na kanina pa nagbabadyang tumulo. Ang tanging namalayan niya na lamang ay ang hindi maipagkakailang kakaibang init at kagaanan ng yakap nito na idinudulot mula sa kanyang likuran hanggang sa kanyang nanlalamig at nangangatog na buong katawan. "Don't cry, please." The hugger's voice was full of uneasiness and solicitous as those comforting words escaped from it's lips.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...