KALEIDOSCOPE: CHAPTER 15
I.
CHITTAPHON
“Okay! So, lahat ba ay may kagrupo na? Pakitaas na lang ng kamay ‘yung mga wala pa!” Bumalik na lamang ako sa reyalidad nang makarinig ako ng isang malakas na palakpak mula kay Mrs. Heon na ngayo’y inililibot na ang kanyang paningin sa buong paligid, naghihintay na may magtaas pa ng kamay.
Ano raw? Kagrupo? Putangina, may groupings bang nangyari?
Namimilog ang mga kong pinasadahan ng tingin ang mga kaklase kong ngayon ay may kanya-kanya na palang nagawang bilog upang ipakita na may kinabibilangan na silang grupo, samantalang ako na lamang ang nag-iisang upuan na hanggang ngayon ay mag-isa pa rin sa tabi ng bintana.
“A–ako po.” Nahihiya’t mahina kong sambit saka dahan-dahan na itinaas ang kanang kamay ko dahilan para agad nitong makuha ang mga atensyon ng kaklase ko at magtinginan sa akin.
Tangina. Bakit ba kasi absent pa ‘yung ulupong na si Yukhei? Ang sarap umalis at lumayo sa nakakasakal na room na ‘to.
“Ah, Mr. Leechaiyapornkul.” Pagbanggit ni Mrs. Heon sa apelyido ko atsaka tinignan ang bawat isa sa bawat bilog ng estudyanteng nasa harapan niya, animo’y naghahanap ng labis na miyembro rito na pwedeng maging ka-grupo ko, subalit bigo rin siya dahil puro tumatanggi at ayaw ng mga ‘to. Samantalang si Kun naman ay mukhang gustong mag-presinta na maging ka-grupo ko pero siya na yata ang leader ng nabuo nilang grupo.
Umiiling-iling na dismayadong napabuntong-hininga si Mrs. Heon tsaka tumingin sa akin gamit ang kanyang nag-aalalang mga mata.
“Ayos lang ba sa ‘yo kung mag-isa ka na lang, Chittaphon? Reporting lang naman ‘to.” Ayos lang naman, sanay naman na ako maging mag-isa at solo sa lahat ng bagay simula una pa lang.
Akmang sasagot na sana ako subalit agad na napukaw ang atensyon naming lahat nang biglang tumayo ang isa sa bilog ng estudyante na nasa kaliwang bahagi ng classroom.
“I volunteer, ang aarte niyo.” Walang emosyon na saad ng lalaki sabay sipa sa inupuan niyang upuan upang bumalik ‘to sa dating posisyon nito dati. Panandalian na naghari ang nakakabinging katahimikan sa buong classroom, lahat ng kaklase ko’y nakatitig lamang sa kanya habang naglalakad ‘to papalapit sa pwesto ko, pati si Mrs. Heon ay para bang gulat na gulat.
Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?
Bumalik lamang silang lahat sa normal nang tuluyan nang makaupo ang lalaki sa kalapit kong upuan na nasa kaliwa.
“A–alright! Now, we have Gunhang and Chittaphon,” Saad ni Mrs. Heon sabay sinulyapan ang lalaking katabi ko. “You may start.” Dagdag niya pa habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa amin, animo’y nagdadalawang-isip kung dapat niya ba talaga akong ipagkatiwala kay Gunhang.
Peste. Kahit naman ako. Gusto ko na lang gawin ‘tong letcheng report mag-isa.
“Alam mo na ba ‘yung gagawin?” Bahagya akong napapitlag dahil sa bigla niyang pagkausap sa akin tsaka inilapit pa ng kaunti ang upuan niya. “O ang dapat kong tanungin sa ‘yo ay kung may pumasok ba sa isip mo kanina sa discussion ni Mrs. Heon?” Blangko niyang tanong sa akin habang inaayos ang isang papel na nakalahad sa desk niya.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...