KALEIDOSCOPE: CHAPTER 5
I.
CHITTAPHON
"Are you okay? Hindi ka ba natamaan or nasaktan ng tatanga-tangang 'to?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Dongyoung habang tinuturo ang hanggang ngayo'y katabi niya at wala manlang kaimik-imik na si Jaehyun.
Nanatili akong nakatitig sa kanya at tanging sandaling mga sulyap na sinabayan ng isang mabagal na pag-tango lamang ang isinusukli ko kay Doyoung na humahangos na mukhang nag-aalala pa rin sa akin.
Habang si Doyoung ay patuloy pa rin sa paghingi ng tawad sa akin dahil sa nagawa ng kaibigan niya ay kami naman ni Jaehyun ay magkatitigan pa rin, ni wala miski isa sa amin ang nagpapatinag. Pinipilit kong basahin ang mga titig at tingin niyang ipinapadala sa akin subalit masyadong nakakalito 'to at tanging tensyon o kaba na lamang ang ibinibigay nito sa akin.
Pero tangina, ang sakit talaga ng tuhod ko. Nangangamoy uuwi akong naka-wheelchair nito ah o baka naman naka-gapang pa.
"May staring contest ba rito?" Kapwa kami napatiwalag at bumalik sa reyalidad ni Jaehyun nang lumikha ng isang sapat na ang lakas na palakpak si Doyoung para bumalik kami sa wisyo at naguguluhang mapatingin sa kanya.
"H-Ha? Ano nga ulit 'yon?" Medyo nakaawang pa ang bibig nalilitong tanong ni Jaehyun kay Doyoung na tinaasan na lamang siya ng kanyang kanang kilay tsaka inirapan.
Okay, this is awkward. Definitely awkward.
Napalunok ako ng ilang beses bago pumeke ng ubo na agad namang nakuha ang atensyon ng dalawang lalaki na nasa harapan ko ngayon.
"U-uhm, gonna get g-going." Mangutal-ngutal kong pagpapaalam sa kanila, pakiramdam ko'y tuyong-tuyo na aking lalamunan dahilan para maging mahina ang boses ko. Tumango-tango lamang naman si Doyoung habang si Jaehyun ay tahimik lamang akong sinusundan ng kanyang misteryosong mga tingin nang magsimula na akong maglakad papalayo sa kanila at papasok sa library.
Tangina, bakit gano'n? Bakit hindi mo ako hinahabol, Jaehyun? Bakit hindi mo ako pinipigilan? Bakit gan'to? Bakit umaasa akong hahabulin mo ako at nasasaktan ako kasi alam kong imposibleng gawin mo 'yon? Bakit hindi ko masabi ang mga nais kong sabihin sa kanya? Nasaan na nga ba ang boses ko?
II.
"Tangina. Wala manlang pumapasok sa utak ko." Inis na inis kong usal sa aking sarili atsaka marahas na lamang na napahilamos sa aking mukha habang tinititigan ko ang kaharap kong textbook ngayon.
Puro pagmumukha na lang ni Jaehyun noong araw na nasa café ang nasa isip ko ngayon.
Tae. Snap out of it just for a second! Bukas na ang examination day niyo kaya't mamaya ka na lumandi at mag-sunog ka muna ng kilay dyan.
Tama. Focus lang, Ten. 'Yan lang ang kailangan mo at sigurado akong panandalian mo munang makakalimutan ang mga isipin mong hindi naman para sa pag-aaral.
Huminga ako ng malalim bago mabilis lamang na ipikit ang mga mata ko atsaka umayos sa aking pagkakaupo habang nakatitig na muli ako sa nilalaman ng textbook.
"Focus, focus, focus. . ." Sige, 'yan, tangina, mamememorize mo 'yung spelling tsaka pronunciation ng salitang focus dyan.
"Hi,"
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...