Chapter 13

39 1 0
                                    

KALEIDOSCOPE: CHAPTER 13

I.

CHITTAPHON

Chittaphon! Tara! Laro na lang tayo!” Masiglang anyaya sa akin ng isang lalaki sabay hawak pa sa kanang pulsuhan ko at hinila ako sa iba niya pang kalaro. “Sali raw siya sa ‘tin!”

“Who’s that?” Nakangiwing tanong naman bigla ng isang batang babae habang ang dalawang kamay niya ang nakapatong sa magkabilang tagiliran niya at nakataas pa ang kilay, tinignan ako mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang mapanghusgang titig.

“Chittaphon!” Tuwang-tuwa pa rin namang tugon ng batang lalaki na para bang hindi nararamdaman ang tensyon sa atmospera, dahilan para magtinginan ang mga batang nasa harapan ko gamit ang kanilang tila ba gulat na mga ekspresyon.

“Chittaphon? Sabi ng mommy ko sa ‘kin ay ‘wag na ‘wag daw ako lalapit sa kanya! Puro kamalasan at panganib lang daw kasi ang dala niya eh, baka pati tayo mapahamak pa. He’s a total freak too. Hindi nakakakita ng ibang color kundi black and white.” Kunot-noong saad no‘ng isang batang lalaki na animo’y wala ang taong mismong pinag-uusapan nila sa kanilang harapan.

“Putangina talaga.” Malutong kong mura sa aking sarili sabay napabalikwas na lamang sa aking komportableng pagkakaupo nang walang anu-ano’y bigla na namang rumehistro sa isip ko ang pangyayaring ‘yon, sinabayan pa ng ringtone ng cellphone ko, simbolo na may tumatawag.

Agad ko ‘to dinampot, dahilan para mangunot ang noo ko at magsalubong ang mga kilay ko sa isa’t isa nang mamataan na isang unknown number lamang pala ‘to.

Incoming call from +6398456326481
Accept | Decline

Connecting. . .

“. . . Hello?”

“Uhm, hi? Who’s this? May I help you?”

“Maybe. Is this Chittaphon Leechaiyapornkul?”

“Y–yeah, speaking. Bakit po?”

“. . . Po?”

“B–bakit? Is there something wrong with that, sir? Why are you laughing? Sino ba talaga ‘to?”

“Ilang araw lang tayong hindi nagka-usap at nagkita, hindi mo na agad kilala ‘tong boses ko? I’m hurt.”

“. . .”

“. . .”

“. . . F–fuck. . .”

“Eh? Did you just cursed me? Ganyan ka ba talaga humingi ng tawad? Talagang double kill na ‘yan. By the way, how are you?”

“. . .”

“Hey. Did I really shocked you that much?”

Kaleidoscope » Jaeten ✧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon