Chapter 22

49 2 2
                                    

KALEIDOSCOPE: CHAPTER 22

I.

CHITTAPHON

Otomatiko akong napalingon sa aking kanang gawi kung saan naroroon at nakapwesto ang naghihikab at mukhang kulang sa pahinga na si Yukhei, idagdag mo pa ang bagsak na bagsak niyang mga mata na pinalilibutan na ng animo’y mga itim na tintang mula sa ballpen, gayon din ang matamlay niyang enerhiya at mga galaw na ipinapakita niya sa kasalukuyan habang tinatahak namin ang pasilyo na kaliwa’t kanang pinamumugaran ng iba’t ibang baitang na mga estudyante ng unibersidad na ‘to.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na kunot-noo na titigan at obserbahan siya, dala na rin ng pag-aalala na agad sumakop sa akin nang mapansin ko ang kalagayan niya ngayon. Mistula ba kaagad niya rin naman napansin at naramdaman ang mga nangongonsulta at nag-aalala kong mga tingin na ibinabato sa kanya, dahilan upang ibalik niya ‘to sa akin na may isang matamis na ngiti pang kasama.

“Ayos ka lang ba?” Walang mintis at sabay na sabay naming tanong sa isa’t isa, tila ba pinagplanuhan namin dahil sa pagkakasabay at iisang tanong na kinwestyon namin sa isa’t isa. Marahan namang napangiti si Yukhei habang ako ay nanatili pa rin sa kanina ko pang ekspresyon at mas naging salubong pa ang mga kilay ko sa isa’t isa na para bang naiinip na ako at desperado nang marinig ang kasagutan niya.

Hindi ko na rin alam sa sarili ko pero alam ko at kitang-kita kong iba at hindi simpleng problema ang pinapasan ni Yukhei ngayon.

I know I should be concern and caring for myself first, lalo na’t narinig ko ang balita na papasok na raw ulit si Dejun ngayong araw na ‘to mismo, hindi ko na maitatanggi pa na ‘to ang pangunahing dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi, mistula ba isang nakakarindi’t nakakabinging ingay na nagpapanatiling gising sa utak at diwa ko kahit na ang mga mata ko’y mataimtim nang nakapikit, kakampi ang kakaunti kong antok na pilit tinatalo at pinupuksa ang mga isipin kong ‘to.

How long has it been? One? Six days? Five days? Maybe almost one week lack of sleep.

Katulad na lamang ngayon, tila ba nasa isang ulap na naman ako at naglalakad patungo sa kawalan. Parang lumulutang ako, lalo na ang utak ko. Para bang unti-unti akong nawawalan ng koneksyon sa reyalida—

“Ten?” I shot my eyes open and wide as I brought myself to reality again. I don’t know to myself either but whenever ‘daydreaming’ conquers my body as soon as I was brought back to reality by myself or by someone, my heart starts pounding like crazy. Fast and heavy. Smothering and throttling. Like a tight rope strangling me.

“What is it?” Naguguluhan ko namang tanong kay Yukhei na tumawag sa pangalan ko habang pasikreto ko pa ring hinahabol ang hininga ko.

Argh, this is the most annoying and unmanageable part. Fucking uncanny hyperventilation.

“Tinatanong kita kung ba‘t ganyan ang itsura mo? Parang ilang araw ka na yata walang maayos na tulog? O hindi ka na talaga nakakatulog?” Sunod-sunod na konsulta niya sa akin habang masinsin na ineeksamin ang mukha kong ilang araw ko na ring hindi tinitignan o binibigyan ng kahit kakapirot na atensyong kailangan nito.

Huminga muna ako ng malalim hanggang sa makakayang hangin ng baga ko bago bigyan siya ng kasagutan niyang para bang kanina niya pa hinihintay na matanggap.

“Binge. . . binge-watching.” Halos humahangos ko pa ring tugon, tulay upang taasan niya ako ng kanyang kanang kilay, kasabay nito ang mas lalong paglaki ng pababang kurba na nakaukit sa kanyang labi tsaka niya maingat na ipinatong sa ibabaw ng kanang balikat ko ang kaliwang kamay niya, dahilan upang tingnan ko siya gamit ang nagtatanong kong mga mata, tinatakpan ang tensyon at pag-aalinlangan na unti-unting namumuo sa kalooban ko.

Kaleidoscope » Jaeten ✧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon