KALEIDOSCOPE: CHAPTER 27
I.
CHITTAPHON
Dark as it always is. Dull.
What a usual sight for me.
I let out a sigh as I took a glance at my wristwatch, past eight-thirty o‘clock in the evening it says. Pasimple kong inilibot ang mga mata ko sa buong paligid, naghahanap ng pamilyar na mukha habang ang kanang paa ko’y hindi mapakali sa pagkakaapak nito sa kalsada at patuloy pa rin sa pagpapaiba-iba nito ng pwesto, maya-maya ay nakalayo at minsan nama’y nakasandig sa kaliwang paa kong hindi pa rin kumikibo sa kinatatayuan nito kanina pa. My heartbeat starts to race as every seconds and minutes pass by. Specks of sweats can be seen glistening on my forehead.
Napabuga naman ako ng isang mabigat na buntong-hininga nang wala akong mamataan na pamilyar sa aking mga mata sa gitna ng kalsadang iilang tao na lamang ang dumadaan at halos puro sasakyan na ang matatagpuan. Marahil dahil late na rin at kanina pa tapos ang mga klase kaya’t nagsiuwian na sa kanya-kanyang bahay ang mga estudyante samantalang heto pa rin ako, mag-isang nakatayo at naghihintay sa bakanteng lugar ‘to.
Tangina.
No, Ten, don’t think too much. Hang out lang daw kayo like what friends do. Yeah, like what friends do. Act normal, act like one.
Marahan akong napakagat sa ibabang labi ko bago kunin ang panyo kong nakatago sa kanang bulsa ng suot kong pantalon atsaka ‘to dali-daling ipinasada sa buong mukha ko upang sa gayon ay mawala na ang sensasyong bumabagabag sa akin.
Ang mga namumuong pawis ko nga lang ba talaga ang bumabagabag sa akin?
Maingat ko munang ipinatong ang iilang folder at papeles na dala ko sa isa sa mga bench na malapit lamang sa kinatatayuan ko para lamang mapunasan na rin ang tila ba naligo sa pawis kong magkabilang palad habang ang mga mata ko’y patuloy pa rin sa paglilikot at sinusuyod ng tingin ang buong paligid ng waiting shed kung saan ako kasalukuyang naroroon.
Wala akong ibang maramdaman kundi purong init lamang na animo’y naglalagablab sa loob ng buong katawan ko, tanging ang dulo lamang ng mga daliri ko ang pinalampas nito at kasalukuyang namamanhid na sa hindi mawaring lamig na namumuo sa mga ‘to.
“Umuwi na lang kaya ako?” Pabulong kong tanong sa aking sarili habang hinihipan ko ang aking mga nanlalamig na kamay, nagbabaka-sakaling mapupuksa ng aking maligamgam na hininga ang lamig ng mga ‘to. Pilit na nililibang ang aking sarili na unti-unti nang nilalamon ng pinaghalong kaba at nerbyos na dahilan na rin ng pagkawala ko sa aking sarili ay hindi ko na namalayan pa ang papalapit na presensya ng isang tao mula sa aking likuran, pati na rin ang ingay ng mga yapak nito ay para bang hindi na rin nasagap pa ng maayos ng aking tenga.
“Ah, shit!” Kaagad akong napapitlag nang isang marahan na tapik ang lumapat sa kaliwang balikat ko dahilan para natataranta ko ‘tong alisin habang ang mga mata ko’y namimilog sa gulat at ang kamay ko’y nakatakip sa bibig ko, dala ng hiya dahil sa nasabi kong salita bago ko lingunin ang taong may kagagawan nito at nagmamay-ari ng kamay na ‘yon.
Sumalubong sa akin ang mga mata niyang mistula ba kanina pa nag-aabang sa mga mata ko at isang maliit na ngiting nakakurba sa kanyang labi, tulay upang maramdaman ko na naman ang pag-akyat ng mga dugo patungo sa aking magkabilang pisngi at animo’y naging triple na ang init na nararamdaman ko sa aking katawan. Mabilis kong itinaliwas ang mga mata ko mula sa kanya bago pumeke ng isang ubos upang wasakin ang saglit na katahimikang namagitan sa amin, pati na rin sa buong waiting shed.
Fuck, he’s here.
Okay, time to go home—
“Sorry, had to run some errands. Kanina ka pa?” Konsulta niya naman sa akin habang ang mga kamay niya’y naglakbay patungo sa kanang pulsuhan ko atsaka ‘to maingat na pinuluputan ng kanyang malambot na kamay.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...