KALEIDOSCOPE: CHAPTER 9
I.
XIAOJUN
“Hindi ka ba nahihilo? Kaya mo na ba?” Panimulang tanong sa akin ni Gunhang habang maingat niyang idinadampi ang bulak na basa ng alcohol sa ibaba ng ilong ko.
“Anong klase ba namang kahibangan ‘yan? Of course. Hindi naman ako isang isa’t kalahating lampang tao na sobrang maaapektuhan at mukhang mababaldado na agad dahil lang sa isang suntok.” Medyo naiinis ko namang tugon atsaka siya pinukulan ng isang matalim na tingin habang ang aking kanang kamay naman ay kasalukuyang abala sa paghawak ng ice pack na nakapatong sa kanang namagaga’t namumula ko pa ring pisngi.
Narinig kong naglabas ng isang buntong-hininga si Gunhang bago niya ibinaba ang kamay niya mula sa mukha ko at panandalian munang itigil ang ginagawa niya.
“Oh? Para saan naman ‘yang buntong-hininga mo?” Mataray at taas-kilay kong tanong sa kanya dahilan para tumunghay na siya at doon na tumambad sa akin ang mga animo’y naaawa’t nag-aalala na niyang mga mata o titig.
“W–wala ka bang plano na i-report sa adviser natin o sa dean ‘tong ginawa sa ‘yo ni Chittaphon, Dejun?” Bakas ang pag-aalala at pagmamalasakit sa boses ni Gunhang nang tanungin niya ako gamit ang mga katagang ‘yon.
Nakakasuka. Nakakakilabot.
Mabilis na kumalat sa mukha ko ang pinaghalo-halong ekspresyon ng pagkagulat, pagkainis, at pagkadismaya dahil sa another kahibangan at katangahang ipinalamas na naman niya. Marahas akong napatayo mula sa nag-iisang malambot ngunit maruming kama rito sa infirmary habang nakangiwi’t salubong ang mga kilay sa isa’t isa ko siyang tinititigan.
“What the heck are you asking to me just now?” Tanong ko pabalik sa kanya gamit ang tono ng tinig ko na para bang nasisiraan na siya ng bait dahil sa suhestyon niya.
Sa pagkakataon na ‘to’y tumayo na rin si Gunhang mula sa pagkakaupo niya sa plastic stool na kaharap ko lamang kanina.
“Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Hindi ba’t mas makabubuti sa ‘yo kung sasabihin na agad natin sa mga nasa posisyon ang tungkol sa ginawa ni Chittaphon? It’s physical bullying!” Pakikibaka’t pangungumbinsi naman ni Gunhang sabay tinignan pa ako ng kanyang mapanghusgang titig. “Ganyan ka na ba talaga? Ayos lang sa ‘yo na may mangyari sa ‘yong masama basta’t mapanatili mo ang ideyang mataas at matapang pa rin ang tingin sa ‘yo ng lahat ng tao, ha? Basta’t mapatunayan mo pa rin sa sarili mo na kaya mong i-handle ang lahat na wala manlang miski kaunting tulong na nanggaling sa iba? At basta, makaganti ka lang sa mga nanakit at nilagay ang buhay mo sa miserable? Wake up, Dejun!” Mahabang litanya niya gamit ang kanyang mataas at puno ng galit, awa, at pag-aalalang boses na mas lalo lamang nakapagpaigting ng inis na kanina pa namumuo sa kalooban ko.
Huminga ako ng malalim bago ipikit ang mga mata ko. Pinipigilan ang mga masasakit na salitang kanina pa nagbabadyang lumabas mula sa matulis na dila ko, pilit pa ring pinapahaba ang pisi ng pasensya ko na ramdam kong umiikli na.
“Clam up, hunghang. I didn’t gave you permission to surmise the heck out of me.” Medyo mahinahon ko pang saad tsaka siya bahagyang itinulak sa kaliwang balikat niya, dahilan para mapahakbang siya palayo sa akin. “That was not physical bullying. It’s called sign— or should I say, it’s more likely an answer.” Sa pagkakataong ‘to’y naramdaman ko ang aking labi na unti-unting kumukurba sa isang mapaglarong ngisi.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...