KALEIDOSCOPE: CHAPTER 21
I.
CHITTAPHON
“Are you sure na kaya mong ihatid ‘tong si Chittaphon pauwi? Jae, with that kind of state, really? You’re still confident that you can drive him home safely?” Yuta asked with furrowed eyebrows as he handed his car’s key with doubt and uncertainty to Jaehyun that just surprisingly endowed him with an assuring faint smile, only pure concern and apprehension can be heard in his voice.
Hindi ko rin alam o wala ako miski kaunting ideya kung ano nga ba ang mga planong tumatakbo ngayon sa utak ni Jaehyun. Mas lalo lamang akong nalilito dahil sa samu’t saring emosyon niya, halu-halo na ang mga ‘to, paiba-iba ang mga kilos na isinasagawa niya bawat minuto. Habang tumatagal ay mas nagiging kumplikado na masyadong basahin ang pagkatao niya at ang posible niyang sunod na iaksyon.
I don’t even know anymore what is the right and fair thing to do, as if it’s like I’m stuck in this tricky maze and the possible exits are slowly vanishing, making it for me hard and impossible to escape.
Bahagya akong napapitlag nang isang marahan na tapik ang dumampi sa kanang balikat ko, dahilan para aligaga akong tumunghay at tignan ang pinagmulan nito gamit ang mga nagtatanong kong mata.
“Chittaphon? Can you?” Kalmado at malumanay na pakiusap sa akin ni Yuta, animo’y may binilin ‘to na kung ano sa akin kanina subalit hindi ko narinig o napansin dahil sa malalim na pag-iisip ko. “Can you handle him with care, hmm?” Maotoridad na pag-uulit pa nito na tila ba nabasa ang nagtataka kong ekspresyon, habang ang pagkakapatong ng kanyang kaliwang palad sa kanang palad ko ay nagkaroon na ng diin at bigat, dahilan para agad akong daluyan ng panandaliang tensyon at nerbyos sa buong katawan ko at mapilitan akong tumango-tango na lamang bilang kasagutan sa pabor niyang ‘yon.
“I’m not a kid, ya know? I can take care of myself. I’m fine.” May bakas na iritadong sabat naman ni Jaehyun habang ang kanyang mga mata’y nanatiling walang kahit isang emosyon na matatagpuan.
“Shut up or I won’t let you borrow my car.” Sumbat naman ni Yuta rito sabay inirapan ‘to at muli akong binalingan ng kanyang tingin.
Yuta’s baleful and direful aura a while ago was quickly replaced by a delighted and bright aura in just a blink of an eye as he gave me that mysterious smirk of his, followed by a light pat on my head.
“Okay, off you go, shoo, shoo!” Masigla at nakangiti pa rin nitong pagtataboy sa amin habang tinutulak kaming dalawa papalabas ng ospital. “Make sure to return my car in a good condition, ‘kay? Bye! Take care of each other! Use some protection! Find a nice position since my car is kinda narrow, I suggest you to do it in the back seat. Goodluck.” Bilin nito nang tuluyan na kaming makalabas, nandoon pa rin ang kakaiba at hindi ko malaman na ngising nakakurba sa kanyang labi na sinundan niya pa ng isang kindat subalit may halong pagbabanta sa kanyang boses bago kami talikuran at maglakad na muli papasok sa ospital.
T–Tangina, ano raw? U–use protection? Nice position? B–back seat? Ano—
Hindi ko alam sa aking sarili ngunit naramdaman ko na lamang ang biglaang pag-akyat ng mga dugo ko patungo sa aking magkabilang pisngi. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga ‘to kaya malamang ay labis na namumula katulad ng mga kamatis ang mga ‘to. Napakalakas at napakabilis ang bawat pagpintig na isinasagawa ng puso ko, tila ba nakasalang ‘to sa isang karera at hindi na ‘to magkamayaw pa.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...